Bata, bata Ibang klase ka ma-in love

836 16 18
                                    

12 ka pa lang may syota ka na, at umeemote pag iniwan ka...

HINDI NIYA KO MAHAL..

BAKIT GANUN SIYA?

HINDI KO SIYA MAINTINDIHAN..

NAGSESELOS AKO..

seryosohan pala ang gusto ng batang 'to. (eh bakit kaya pang dalawampung beses ko ng narinig sa bibig mo yan?)

Dinaig nyo pa ang mag-asawa.

Eto pa sa mga batang  feel na feel ma-in love, naiintindihan ko, "hormones" ang tawag dyan kapatid, pag medyo binata't dalaga na eh, "raging hormones" na ang tawag. Grabe! Kakaiba ma-in love ang mga bata. Kailangan laging may numerong kasama, "I LOVE 16" "FOREVER 9" "1+4=5!!!" nauubos na ang mga numero sa kalendaryo kakakuha nila dito. talagang pati bag nila, de-numero, may nakasabbit pang mga numero 1-100, pati mga teacher nila sa math nahihirapan ng i-solve!

Hindi lang sa numero, pumunta naman tayo sa alpabeto. lahat ng initials nila ide-display nila kahit saan pwede. Sa bag, sa blackboard, sa upuan o kaya sa c.r.

Katulad nito:  J+J=JJ

malamang alangan namang J+J=PP diba? pag ganun sagot mo, ibig sabihin hindi ka pinakain ng maigi ng magulang mo at pinainom ng bitamina..

Meron din namang nakakatawa tulad nito:

"F.U. FOREVER" Gumuhit ng puso sa upuan niya at sa loob yun ang nakalagay.

Yung iba naman nauubos na ang pahina ng kwaderno nila kakasulat ng "MAHAL KO SI BOYET!!" "MAHAL AKO NI BOYET" "ILOVEBOYETSOMUCH" 'BOYETANDMEHAPPYHAPPY"

kaya pag chinekan na ng teacher mo ang kwaderno mo ay sasabihin niyang "O! Hayup ka! Dun ka kay BOYET manghingin ng Grade!" o kaya kung ayaw mong madumi ang kwaderno mo sa likod ng libro mo isusulat.

Meron naman combo moves mahal ko si boyet 123456789098765432123456780143 magpapakasal kami ng maaga, mag kakaanak ng isang dosena!

slogan ang dating. Kung ako sa kanya, ipadala nya nalang kay Ate Charo ang wagas na pag-iibigan nila ni Boyet, at kulang nalang ipag-tayo niya ng monumento ang syota niya (HANEP! ADIK!) pag may nakagawa nun sasambahin ko talaga (Jk)

Eto naman nakakasama ng loob, pag dating sa boypren o gelpren makakagastos sya ng limpak-limpak na pera, pero tanong mo sa kanila kung nalibre nya na ba ang mga kaibigan nya... Tanong mo dali!!! "ISANG MALAKING HINDI!!!!" Pero ayos lang naiintindaihan ko kayo. Kahit hindi naman talaga. >:)))))))

Ang hindi ko ma-gets ay yung nag babawalan sila sa isa't isa

O BAWAL KANG PUMUNTA DYAN!

BAWAL MONG ISUOT TO..

BAWAL KANG UMINOM

BAWAL KANG MAG-YOSI

AYOKO NIYAN, AYOKO NUN..

kulang nalang gumawa sila ng rule book, yung tipong kasing haba ng mga "rules ang regulations ng Pilipinas"

ANAKNGTOKWA! Kung mag syota ka ba, naghahanap ka din ng isa pang magulang?!

Wala na i-share ko lang kasi nakakabilib ang mga bata magmahal. Ibibigay lahat pati kaluluwa nila isusuka nila para lang sa minamahal nila. YAN ANG PAGMAMAHAL! =))))

Bata, bata Ibang klase ka ma-in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon