Cirene's POV
*krriiiiiiinnnggggg!!! Krriiiiinnnngggg!!!*
Hay salamat recess na :3
"Pssst Cirene! May lilipat daw dito bukas?" Sabi sa akin ni Kiara
"Weh? Babae?" Tanong ko
"Lalake daw e." Sagot niya
"Kanino mo naman narinig yan?" Tanong ko ulit
"Kila Renalyn habang naglalakad sila palabas kanina" sagot naman niya
"Ahhh. Sana hindi feeler yung lalakeng yun." Sabi ko habang bumibili kami ng pagkain
"Oo nga masyado nang madami feeler dito." Sagot niya naman
"Sana nga." Yun na lang ang sinabi ko.
Bigla naman sumulpot si Renalyn, tapos narinig ko pa:
"Fiona bilhan mo nga ako ng...." Hindi ko na tinuloy yung pakikinig ko, dahil pagtititripan nanaman niya si Fiona
Tapos narinig ko naman na sumigaw siya
"Ang tanga mo naman! Orange juice ba yan!? Alam mo ba yung orange juice!? &$&$ ang bobo mo." Wow, nagsalita ang matalino -_- at grabe ang sama talaga ng Renalyn na ito. Binuhos ba naman yung apple juice na binili niya at aba, pinagtawanan pa nila. Kusa namang lumapit ang paa ko papunta sa kanya.
"O ito, hiramin mo muna ito, bukas mo nalang ibalik" sabay ngiti ko sa kanya
"T-thank y-you.." Tangi niyang sinabi tapos lumakad na siya papalayo.
Hay nako sobrang sama talaga ng Renalyn na yun :/
*^*^*^*^*^*
Sa wakas uwian na. Bigla naman tumunog cp ko.
Sender: Alien >:D
Sabihin mo kay mama late na ako makakauwi.
Ginawa talaga akong utusan ah. :/
Send to: Alien >:D
Saan ka nanaman pupunta?
Sender: Alien >:D
Wala ka nang pake doon.
Wow. Ako na nga ang concern eh. Bahala na nga yun.
Naglakad na ako pauwi. Nang naglalakad ako may nakita akong isang coffee shop, mukhang bagong bukas ata.
Dumiretso naman ako dun, tinignan ko yung menu nila at.... Humaayyyyyy, puro peyborit ko nandito <3 mukhang aaraw-arawin ko na dito ah <3
"Hi! Can i take your order?" Tinanong sa akin yung order ko
tapos blah blah blah... Nung malapit na ako sa may pinto, may nakabunggo naman sa akin
"$&$&$&$" aba nagmura pa ang loko?
"Ano ba!? Tumingin ka sa dinadaanan mo!" Dugtong pa niya
"Aba, ako pa talaga ang may kasalanan?!" Paasik kong sinigaw sa kanya
"Oo ikaw! Ang bobo mo naman kasi!" Pagrereklamo pa niya
"Ahhh, parang ang talino mo ah!" pagsigaw ko nanaman sa kanya
"Hay nako, bahala ko nga dyan" tapos sabay alis niya.
Buti nalang hindi natapon yung hawak ko xD
Umuwi na ako sa bahay at natulog. Goodnight everyone!
*^*^*^*^*^*
Nagising ulit ako sa tunog ng alarm clock ko, as usual.
Pero bakit ganun? Para bang kinakabahan ako. Kaya bumaba ako para kumain, kaso pag baba ko akala ko may sasalubong sa akin, pero wala. Wala pa si Eneric, ano kaya nangyari dun sa mokong na yun? Ginawa ko ulit ang morning routine ko. Naglakad na ako papunta sa school, nang naabutan ko na may pinagkakaguluhan doon sa may gate. Hmhmhmh.. Ay oo nga pala yung bagong lipat. Pumunta ako at nakita ko yung lalakeng walang galang kahapon na nakabangga ko -_-"
"Ikaw!?" Sabay naming sigaw
"Ah, ikaw pala yung bagong lipat. Sayang akala ko mabait, yun pala katulad din ng mga tao dito -_-" pagpaparinig ko sakanya.
"Pakialam mo ba kung lumipat ako dito?" Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad ko.
"pssst!!! Cirene!" Pagtawag sa akin ni Kiara
"Owsz?" Pagsagot ko
"Ang gwapo nung bagong lipat <3" pabebe niyang sabi sa akin
"Hay nako, kung ako sayo ligawan mo na sya -_-, baka maunahan ka pa." Pagsusungit ko sakanya
"Bakit ba ang init ng ulo ma sakanya? May ginawa ba sya sayo????" Paguusisa niya
"Oo. May ginawa sya sakin." Pagsagot ko
"Weh? Ano naman yun?" Pagtatanong niya ulit
"Ni-rape niya ako."
.
.
.
.
.
.
.
"De joke lang xD, tinapon niya kahapon yung kape ko :/" pagbibiro ko sakanya
"Ikaw naman, kinabahan ako dun ah" huling sabi niya.
Pumasok na kami sa room dahil nagring na yung bell
BINABASA MO ANG
Affection
RomanceHi! Ako nga pala si Cerine, well as known as maganda,ms. nerd, at marami pang iba, lol maganda daw ako xD. May kambal nga pala ako na pinaglalaban nya talaga na mas matanda Sya saakin, dahil daw mas nauna syang lumabas parang alien talaga yun >:...