2

1 0 0
                                    

Dean

Log in ulit, ayaw ko maabsent tsaka may fine kapag hindi nakapirma sa clearance day.
Assignment for today? Dissimination of information, madali lang. Manonood lang nang games and ipapangalat ang balita kung nanalo or natalo ang team namin. Haha. Spread the news, wew!

Nanood kami ng game ng team namin at panalo naman. Ang tuliik ko, tinatawanan nga ako ni Sir, sabi pa pwede na daw ako sa LEAD Dept. ata. Yung isang teacher talagang nagtatakip pa ng tenga so tumigil na ako.
Tambay ulit kami sa study center. Nagyakag mga kaklase ko na manood daw kami ng beach Volleyball.

Ang init, mabuti na lang may malilom na place, tanaw tanaw na lang kami sa mga players.
May dumaan, sinundan ko ng tingin. Ow, LEAD Dept. Isip ko. Gwapo. Pagkatalikod nung lalaki, may nakita akong nakatatak sa damit nya na DEAN, dean sya ng LEAD Dept.

" Guys, ang gwapo nung Dean ng LEAD! " sabi ko sa mga kasama ko. Sana nga lang hindi narinig nung ibang katabi namin. Nakakahiya.

" Alin dun? " tanong nung isa kong kaklase.

" Dumaan mandin, gwapo talaga yun. " sagot naman nung isa kong kaklase.

" Ayan, focused kasi kayo mayado sa panood e. " sabi ko.

Hindi na namin tinapos yung game, boring. Haha. Nag time out na kami. Umuwi na ako.

Facebook, log in. May WiFi sa dorm e, sossy. :)

" Ui, kilala nyo yung Dean ng LEAD? Gwapo baya. " saad ko sa mga karoommate ko sa Dorm.

" ah, oo. Si Sir Cruz " Sir Cruz? Cruz pala surname nya. Sa isip isip ko.

" Alin dun, yung crush ni Mira? " tanong ng ni ate Bel kay ate Ann.

" Oo, yun. Nagablush pa nga si Mira pag nakikita yun ay. " sagot ni ate Ann.

" Ate, alam mo yung first name? " tanong ko kay Ate Ann.

" David. Si Sir David Cruz. " sagot ni ate Ann.

Sinearch ko sa Fb. Gwapo talaga, single.

" Lene! Ang gwapo, single pa, hindi married! " share ko kay Lene.

" Patingin, patingin! "

Pinakita ko sa kanya yung nasearch ko.

" Shettt!! Gwapo! Hindi ko pa baya nakikita yan sa personal. " saad ni Lene.

" Geezz, kapatid nya si Kyle Cruz. " shocked ako.

Tiningnan namin yung mga pictures.

Nagfriend request ako. Friend request sent!

Tiningnan pa namin yung ibang pictures, yung statuses nya.

Hindi ko talaga akalain na magkapatid sila ni Kyle, just WOW!

It Started With An EventTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon