----ONE SHOT STORY---
"Secret Admirer"
---Alevia Meren Cezar
<3
---Jounas Winston Velasco
***
“Via!!!! ‘yung crush mo! Paparating!!!” tumatakbong tili ni Holy sa kanya.
“S-Si Jounas?! Gosh! Sandali… okay, relax! Relax!” agad niyang pinakalma ang sarili na sinundan naman ng nerd niya kaibigan.
Ilang minuto lang….
“Aiiiiiiii!!! Hindi na ako makapag-hintay! Halika na!!” aya niya sa kaibigan.
Well, Jounas Winston Velasco is one of the heartthrobs’s in their campus. Mayaman ang pamilyang kinabibilangan nito at halos lahat ng mga babae ay nahuhumaling sa kagwapuhang taglay nito. Sino ba naman ang hindi? Jounas was half Filipino and half American. Maliban sa maputi at makinis nitong balat, kulay asul na mga mata, matangos na ilong at perpektong labi, miyembro rin ito ng kanilang basketball varsity na kilala sa tawag na “Scorpions”. Well, marami rin ang nagsasabing suplado raw ito pero para sa isang katulad niya, Jounas is perfect!
Lalabas na sana siya sa kanilang classroom nang pigilan siya ni Holy.
“hoy, Alevia! Magpakipot ka naman! Ang landeh mo talaga pagdating kay Jounas!” nakapamewang na wika nito.
“Ay wait! Wait!...” inayos niyang muli ang uniporme niya.
“Girls! Girls! Not only Jounas but Eugene Franz is on the way!” sigaw ng isang babae na nagpatili sa mga kababaihan sa kanilang kwarto.
“AAAAhhhhhhh! Via, ano pa bang hinihintay natin?! Halika naaaa!!!!” patiling wika sa kanya ni Holy bago hinawakan ng mahigpit ang kanyang braso at kinaladkad.
Nakataas ang kilay na tiningnan niya ito.
“May nalalaman ka pang pakipot-kipot dyan ha?”
Kinurot niya ng pino ang tagiliran nito na nagpa-igik sa kaibigan.
“Ikaw naman hindi ka na mabiro! Halika na’t baka makalampas na sila sa hallway!”
Parang mga toro na nagsitakbuhan sila palabas ng kanilang room at nakipag-kumpulan sa mga babaing naghihintay na rin.
Eugene Franz Valencia, katulad ni Jounas ay isa ring heartthrob sa kanilang campus ngunit ito ay half Japanese and half American. Nasa mayamang angkan din ito nabibilang ngunit unlike others, Eugene is typically a silent type man. Ito ang first love ni Holy Rosette Julistone, ang kanyang nerdy best friend na halos ginagalugad na ‘ata ang buong campus nila para lang makita ito araw-araw.
“Siyet! Ang daming mga dikyang babae! Hindi tayo makakasingit!” pabulong na wika niya kay Holy.
“Via, kaya natin to! Hindi ako makakapayag na hindi natin sila makita ngayong oras mismo! Makakapatay ako! Tandaan mo, makakapatay ako!” malakas na wika nitong nakahawak ng mahigpit sa kanyang braso.
Dahil sa may kalakasang pagsambit nito’y napatingin sa kanila ang mga katabing nakikisiksik rin at tila unti-unting lumayo.
“Magaling!” pabulong niya rito. “Lakasan mo pa para lumuwag ang daan”
“Tandaan mo Via, MAKAKAPATAY AKO! MAKAKAPATAY AKO!” malakas nitong sambit.
Palapit na sila ng palapit at nakikita na rin nila ang dalawang lalaki na siyang rason kung bakit tila nagakaka-gulo ang mga kababaihan.
BINABASA MO ANG
That's my Chick! [My Collection of ONE SHOTS]
RomanceA bunch of short stories in my one shots.. :)) ENJOY!!