THAT CRAZY NERDY CHICK

33 6 0
                                    

----One Shot----

“That Crazy Nerdy Chick”

Holy Rosette Julistone

<3

Eugene Franz Valencia

“haaaay buhay, kailan pa kaya ako susuwertihin?” nakapangalumbabang tanong ni Holy sa kanyang sarili.

Kasalukuyan siyang kumakain mag-isa ng tanghalian sa isang bench malapit sa kanilang park na sakop pa rin ng kanilang campus.

“Nakaka-antok naman

Luminga-linga siya sa paligid. Isang oras pa naman bago ang kanilang special class kung kaya’t pwede pa siyang magpahinga ng matagal-tagal.

Ang special class ay ginawa lang para sa kanilang mga estudyanteng ipinanlalaban ng kanilang school sa ibang district.

May ideyang biglang pumasok sa kanyang isip na nagpabungisngis sa kanya.

Pasimple siyang tumayo mula sa kainauupuan at humiga sa damuhan.

“Aaahhhh, ang sarap ng ganito!! This is LiiiiiiiiiiiFE!!!”

Iniinat-inat niya ang kanyang dalawang kamay. Kinuha rin niya ang kanyang panyo at inilagay sa kanyang mukha.

“Matutulog muna ako, wait for me Eugene, magkikita ulit tayo!! WAAHHHHHH!! Good night, earth.

Nakangiting nasa isip niya.

***Makalipas ang ilang minuto***

Nagising si Holy nang maramdamang may marahang pumitik sa kanyang ilong.

Marahas niyang tinabig ang pesteng kamay ng kung sinong tipaklong at tinuloy ang pag-idlip.

Maya-maya’y naramdaman na naman niyang may pumitik sa kanyang noo.

Nakuuuu naman!! Pesteng hampaslupang to ah?!

“Hoy! Kung sino ka mang istorbong palaka ka umalis ka rito!! Iniistorbo mo ang pagtulog ko!” naiinis niyang wika sa pakialamerong nilalang na gumagambala sa kanyang pagtulog nang hindi tinitingnan.

Ipagpapatuloy na sana niya ang kanyang magandang panaginip nang biglang may kumuha sa kanyang panyong siyang tumatabing sa kanyang mukha.

Napa-kurap ang kanyang mata nang masilawan ito.

“Walanghiya ka talagang------!!!!”

Napatigil sa pagmumura si Holy nang mamukhaan ang taong nambubwisit sa kanya.

“E-eugene Franz?!”

Eugene Franz Valencia was standing behind her and straightly looking at her.

Kinusot-kusot ni Holy ang kanyang mga mata at tiningnan muli ito.

“Di nga…”

Author’s Comment:

(Hindi kasi lingid dito ang paghanga niya. In short, Alam ni Eugene na may pagnanasa si Holy rito. ^_^)

 “Is that your proper way of greeting a person, Ms. Julistone?” nakakunot-noong tanong nito sa kanya.

Nakangangang nakatingin lang siya rito.

“So magtitinginan na lang tayo the whole day?” he said in a sarcasm tone.

Ahm… pwede? Tanong ng malandi niyang isip.

Ipinilig niya ang ulo at tumayo. Pinagpag rin niya ang mga kumapit na damo sa kanyang palda.

That's my Chick! [My Collection of ONE SHOTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon