Dear Tulip

11 1 1
                                    

Dear Tulip

Her side;

Dear Tulip,

Alam mo favorite flower kita, kahit anong color mo pa mapa-pink man, yellow, o anong kulay, you will

always be my favorite flower... Hindi ko nga lang magawang bilhin ka kasi bukod sa mahal ka, ang hirap mo pang hanapin, kung

saan-saang flower shop kita hinanap kaso ang hirap mo talagang hanapin. Kaya naman laking tuwa ko nang makita kong may

Holland express na sa SM, hahahaha, ang totoo nyan wala naman talaga akong balak na bilhin ka, makita ka lang kita sa flower shop

masaya na ako. Kasi hindi naman lahat ng SM malls may Holland Tulips.

Pero alam mo bang pinapangarap ko na sana balang araw may magbigay sayo sakin. Alam mo bang pinapangarap ko na sana yung taong

magbibigay sayo sakin ay yung taong matagal ko nang pinapangarap, yung taong alam kong mamahalin ako at hindi ako sasaktan, yung

lalaking alam kong sa kanya ko ibibigay at ipagkakatiwala ang puso ko. Corny ba ako masyado?, hahahahaha,,,hindi nangangarap lang.

Tulip hanggang wallpaper at theme ka nalang ba sa cellphone ko? Hanggang designs ka nalang ba sa mga punda ng unan at kumot ko?

Hanggang desktop background ka nalang ba ng computer, laptop, at design ng mousepad ko? Hanggang kailan ako magse-search sa

internet ng mga pictures mo? Hanggang kailan kaya kita titigan sa Holland Tulips, kasi yung nagbabantay dun laging nakasimangot sa

tuwing tinititigan kita, halos araw-araw kasi akong pumupunta sa SM galing school makita lang kita.At higit sa lahat, kailan ka kaya

ibibigay sa akin nang lalaking matagal ko nang pinapangarap.

Andy Go,

His side;

Dear Tulip,

Haaay, kailan kaya kita maibibigay sa kanya? Simula nang malaman kong ikaw yung paborito nyang bulaklak, nag-umpisa na rin akong mag-ipon

para mabili kita, haay, ang mahal mo kasi eh, pero ayos lang, para naman ito sa kanya. Gusto mo sugiro malaman kung paano ko nalaman na ikaw yung

paborito nyang bulaklak no at kung paano ko sya nagustuhan, sige iku-kwento ko sayo,

Ang totoo nyan matagal ko na syang gusto, first year palang kami nun, Entrepreneurial Management course nya, ako naman Industrial Engineering.

First semester nun, nung una napapansin ko lang sya lagi sa canteen kasama ang mga kaibigan nya tuwing breaktime at lunchtime. Everytime na

makikita ko sya, hindi ko maiwasang titigan sya, ewan ko ba kung bakit, saka hindi kumpleto araw ko hangga't hindi ko sya nakikita. Nung una

crush lang talaga ang tingin ko sa kanya, napansin ko lang kasi sa kanilang magkakaibigan sya yung pinaka-plain at boyish sa kanila, ewan ko

pero parang na-starstruck ako sa kanya, at sa lahat ng babaeng nakikita ko sa tingin ko iba sya. Kamakailan ko lang nalaman na ikaw yung paborito

nyang flower nang minsan tinanong sya ng kaibigan nya kung ano daw ang paborito nyang flower, kaya naman itinuon ko ang atensyon ko sa usapan nila nang hindi nagpapahalata. "Tulip favorite flower ko". Masigla at nakangiting sagot nya sa kaibigan nya. Yung mga ngiti nyang yon ang hinding-hindi ko malilimutan.

Kaya since nun nag-start na akong mag-ipon para mabili kita.

Kaya naman nang mabili kita sobrang saya ko, kaso hindi ko alam kung paano kita ibibigay sa kanya. Hanggang ngayon kasi nato-torpe akong

magtapat sa kanya, tatlong taon ko na syang pinagmamasdan, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Saka

alam ko namang stranger lang ang tingin nya sakin, dahil hindi nya naman ako kilala, pero ako kilala ko sya, kilalang-kilala. Tulip pasensya na kung

hindi pa kita maibigay sa kanya, naduduwag pa kasi ako eh, saka natatakot pa akong magtapat sa kanya, natatakot ako na baka i-reject nya lang ako.

Tulip, kailan kaya kita maibibigay sa kanya? Hanggang kailan ka nya titigan sa Holland Tulips sa SM? Kailan pa kaya ako magkakaroon ng lakas

ng loob na ipagtapat ang nararamdaman ko sa kanya? Hanggang kailan ako magpapakatorpe? Hanggang titig nalang ba talaga ako sa kanya? Kailan kaya

kita maibibigay sa babaeng tatlong taon ko nang mahal at pinagarap?

Myco Alvarez,

Hi guys!!!!!!!!!!! Kung nabasa nyo man itong ginawa ko, sana nagustuhan niyo, kailangan ko ang at least 15 votes and 20 comments para po maituloy ko

itong story. BTW kung sakali man na maituloy ko itong story, this would be my first written story. Hope you enjoy the intro~!

anndgo~!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear TulipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon