You are my destiny

18 0 0
                                    

CHAPTER 1

(Joseon Era 1789)

 -Ae Cha! Ae Cha!

Sigaw ng isang babae sa labas ng bahay nila ae cha.

-Po? Sandali lamang po ate.

-Bilisan mo diyan, hinihintay na tayo ng mga bata.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na si ae cha. Napaka ganda niya, ang kanyang pisngi ay namumula at higit sa lahat napaka amo ng kanyang mukha.

Kada linggo, pumupunta si ae cha at ang kanyang ate sa mga batang mahihirap para bigyan ng mga pagkain at bigyan ng kahit konting kaalaman sa edukasyon.

-Madam ae cha, babalik po ba kayo dito ulit sa linggo?

-Oo naman, babalik ako dito.

-Ae cha, halika na. (habang may hawak hawak siyang batang babae at kinakausap niya para magpa alam).

Sa bahay nila sila lang dalawa ng kapatid niya ang nandon, nagusap sila patungkol sa kasal ni ae cha kay Du ho.

-Ate sabik na ko sa kasal namin, bukas pupunta ako sa bayan para makapili ng idadamit ko sa kasal.

- Ganun ba, hindi ako makakapunta bukas, kaylangan kong samahan si itay sa palasyo.

- ah sige, isasama ko nalang si eun hae.

Naghanda nang pagkain si eun hae dahil parating na ang tatay nila ae cha.

-Nandito na ako.

-Tay, punta po ako bukas para po makabili ng damit na isusuot ko sa kasal ko.

-Sige ae cha, bumili ka narin ng para sa akin, ikaw na ang pumili.

-Talaga tay?! Sige po (habang masayang masaya niyang kinakaen ang masarap na kimchi na gawa ni eun hae)

Kinabukasan, pumunta na sa bayan si Ae cha at Eun hae.

-Eun hae, tulungan mo ko sa pag pili ha.

-Opo madam. (habang naka ngiti at yumuko)

Ng malapit na sila sa isang tindahan, nakakita sila ng isang magandang hanbok. Kulay puti , at ibat ibang kulay sa ilalim ng palda. Eleganteng elegante ang damit, binili ito ni Ae cha, dahil hindi na siya nag dalawang isip nab aka may mas maganda pa. Unang tingin niya pa lang ay nabighani na siya sa disenyo ng damit.

Mag gagabi nang umuwi ang dalawa, at silang dalawa ay nagtatawanan hanggang sa nasa harapan na sila ng pinto.

-Andito na po kame.

-Nakabili ka ba para sa akin?

- Opo itay, pati rin po si eun hae binilhan ko po.(habang napapatawa ) pinilit ko po siyang pumili ng susuotin, at halos naiiyak na po siya sa sobrang hiya. Hahaha (ang kanyang pagtawa ay mahinhin)

-Hahaha, hay ang anak ko talaga, napaka bait, si du ho na ang pinaka suwerteng lalaki na nabuhay ngayon sa dinastisyang ito, hahaha. Mabait ,mahinhin,edukada,matulungin at higit sa lahat maganda.

-Nkakahiya naman tay, nasan nga po pala si ate?

-Nandon sa kusina, nagluluto.

Pumasok na si Ae cha sa kanyang silid pagkatapos nilang kumaen. Maya maya biglang may bumato sa bintana niya.

-Sino yan? (binuksan niya ang kanyang bintana) Du ho? Bakit ka nandito?

- gusto lang kitang Makita at makausap, halika baba ka lang sandali.

Si Duho ay isang anak rin ng ministro, magkaibigang matalik ang tatay nilang dalawa kaya pinag desisyunan nilang dalawa na ikasal ang kanilang anak pag tumuntong na ito sa edad na 18. Katulad ni Ae cha, matalino si duho, guwapo rin ito kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kanya.

Bumaba si Ae cha, ang mga kasama niya sa bahay ay tulog na.

-Bakit ka nandito? Akala ko ba bukas ka pa makakarating dito galing sa kabilang bayan.

-Gusto na kasi kita Makita kaya nauna na ako sakanila.

- ah ganun ba, ano bang sasabihin mo? Kailangan mo ng makauwi sobrang gabi na.

-Gusto ko lang sabihin na……..

- na ano?

- Mahal n mahal kita at patawad sa lahat

-oh bakit ka nagpapatawad?

- wala lang gusto ko lang sabihin sa iyo. Sige aalis na ako

- sige ingat ka.

Habang tinitignan ni Ae cha si Duho na umalis, may nakita siyang sulat na naiwan sa lapag. Tinignan niya ito at binuksan, nagulat siya sa nakita niya.

Mahal kong Duho,

Sabik na ako sa pagbabalik mo. Kung puwede lang sana ay mamayang gabi ka na makabalik dito. At sana nasabi mo na kay Ae cha na hindi mo na itutuloy ang kasal.

Hintayin kita bukas, mahal na mahal kita. Mag ingat ka diyan.

Myung Hee.

Nagulat si Ae cha sa nakita niya, hindi niya alam kung totoo ba ito o hindi, bumalik si ae cha sa kanyang silid habang hawak hawak niya ang sulat.

Hindi siya nakatulog buong magdamag. Iniisip niya kung ano ang kanyang gagawin o kung ito man ay totoo.

Ng kinaumagahan pumunta si Ae cha na mag isa sa bahay nila myung hee.

Kinakabahan ito ng pumunta duon.

-Tao po, madam Lee.

-Sino yan?

- Ako to myunghee, si ae cha.

Pinapasok ni myunghee si ae cha sa bahay nila. Hindi alam kung ano ang unang sasabihin ni ae cha.

-Gusto ko lang itanong sayo na. Kung totoo ba tungkol sa inyo ni duho?

Nakatingin si myunghee kay ae cha na parang wala siyang takot sa pag uusapan nila.

-Oo totoo.

-Bakit? Bakit kung kailang malapit na kame ikasal?.

-hindi ko alam kay duho kung bakit hindi niya sinasabi sa iyo, pero para sa kaalaman mo, matagal na kaming may relasyon ni duho.

-kailan pa?

-Simula noong lumipat siya ng eskwelahan

-Bakit? Bakit niyo to nagawa sakin (habang lumuluha na si ae cha) di mo ba alam na, siya ang kauna unahang lalaki na nagustuhan ko, na nagpatibok ng puso ko, at handa akong ibigay lahat sa kanya dahil mahal na mahal ko siya. (sinampal ni ae cha si myunghoo sa pisngi)

Lumabas si Duho sa kabilang silid, at niyakap si myunghee. Nagulat si Ae cha sa nakita niya, hindi niya alam kung sasampalin din ba niya si duho, ng biglang ngsalita si myunghee.

-Hindi mo rin ba alam na, buntis ako sa taong papakasalan mo?.

Dito lalong nagalit si ae cha, at lalong napaluha. Hindi na niya alam ang gagawin, hindi niya na alam kung ano mangyayayari sa kanya pag umalis siya sa bahay na ito.

-Bakit mo nagawa sa akin to duho? Bakit di mo agad sinabi sakin ,alam mong mahal na mahal kita, ginawa ko lahat para sayo. Bakit? (galit na galit si ae cha).

Kahit kailan hinding hindi na ako magpapakasal, lalo na sayo o kanino man sa pamilya mo, o kanino mang kamag anak mo.

Umalis si ae cha sa bahay nila myunghee at sinumpa ang lahat ng nangyari ng araw na iyon. Tumakbo si ae cha sa kagubatan para mapag isa. Iyak siya ng iyak.

-Madam.

Ng biglang my nagsalitang matanda.

-Si..si.sino po kayo? (habang nanginginig sa iyak si ae cha)

-Isa akong kaibigan, narinig ko lahat ng pinag usapan niyo kanina sa bahay ng mga Lee. May gusto akong ibigay sa iyo.

-Ano po iyon?.

Habang may inaabot ang matanda kay ae cha na isang talisman, kinakabahan ito sa matanda.

-Sino po ba kayo?

-Isa akong babaylan, at gusto kitang maging masaya sa iyong buhay.

Biglang nagsalita ang babaylan na hindi maintindihan ni ae cha, ng bigla siyang napapikit, at pagdilat niya nasa lugar na siya na hindi pamilyar. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You are my destinyWhere stories live. Discover now