Letters To My EX (OneShot)

5.1K 130 75
                                    

"Marami akong gustong sabihin sa'yo, pero di ko masabi. Marami akong gustong maipadama sa'yo, pero di ko maipadama. Kaya sana kahit sa simpleng letter na'to, malaman mo kung gaano ka kahalaga sa puso ko" -Ms. Incomplete

Matapos kong isulat 'to sa isang 1/4 size na papel (oo na, wala na akong effort sa letter, eh mas trip ko ang simpleng papel lang!) palihim ko na itong idinikit sa locker ni Ji. I kept putting letters on Ji's locker everyday.

Ji's my EX. AS IN ex-boyfriend! HA-HA-HA. Nakakatawa lan. EX ko na nga siya pero hinahabol ko pa rin siya! Well, tanga ako ehh. di bale, uso naman mga tanga ngayon eh! edi makiuso na rin ako. :[

Isang buwan na simula noong magbreak kami. REASON? HINDI NA DAW AKO MAHAL. Gago lang noh? Iniwan ako sa ere. Napaka antipatiko, pero mahal ko. Iniyakan ko sya ng iniyakan, hanggang ngayon, di pa rin makamove-on. Kaya naisipan ko'ng sabihin nalang trough letters ang nararamdaman ko para sa kanya. Never akong nagpakilala at never magpapakilala. Ms. Incomplete lang ang nilalagay ko sa sulat, kung bakit? Kasi feeling ko hindi ako yung perfect para sa kanya. Hayyy, anubayan, an drama ko.

"Isipin mo palagi andito ka sa puso ko. Magkalayo man tayo, wag kang matakot dahil hindi ka mapapalitan dito." -Ms. Incomplete

Sa tuwing naglalagay ako ng letters, hinihintay kong mabasa eto ni Ji. clueless parati ang mukha niya pag nababasa niya yun. Katulad ngayon, palinga-linga siya sa paligid hinahanap ata ang nagpapadala ng mga yun. Hindi niya alam na nasa likuran lang niya ang mga hinahanap niya at pasimpleng nagbabasa ng libro. Hayyy, hanggang kelan ba ako ganitoo??

"Miss! or kung sino ka mang nagpapadala nito! Kung nandito ka man, magpakita ka na. Gusto kitang makausap."

Nagulat ako nang biglang sumigaw si Ji. Kokonti lang ang tao sa may locker area at konti lang ang nakapansin sa kanya. Ako naman, napatingin lang saglit sa kanya at balik agad ang tingin ko sa libro.

"Hindi pwede Ji, baka ma dissapoint ka lang pag nalaman mong ako ang nagpapadala sa'yo. :( Baka bawiin mo lang ang sinabi mong gusto mo akong makausap." bulong ko sa sarili ko.

Narinig ko nalang siyang ma "Aiish" nung feeling niya walang Ms. Incomplete na magpapakilala.

**

"Kapag nagpapadala ako sayo, gusto ko napapangiti kita. Kahit sa simpleng pagbasa ng sulat ko sana gumagaan ang loob mo, at masabi mo na : 'Mahal talaga ako neto!' -Ms. Incomplete

Sinilip ko kung ano ang reaksyon niiya habang binabasa yun. At natuwa ako nang makita ko siyang nakangiti habang binabasa yun. Masaya na akong malaman na ako ang dahilan ng mga ngiti niya. Choos! >_________>

**

"Mahalaga ka sa'kin at gustokitang makitang masaya. Ngunit kung ang tanging paraan para sumaya ka ay ang masaktan ako, kahit masakit luluha ako para sa kaligayahan mo." -Ms. Incomplete

This is my last letter. Ayoko nang magpakatanga sa taong ayaw sa'kin. Ayaw niya na talaga sakin kaya wag' ng ipagpilitan pa. Kung wala na talagang pag-asa, kailangan ko ng tanggapin yun. When i was about to put my last letter to his locker, I saw a note. Nkadikit sa locker niya.

"Ms. Incomplete, I think I'm falling for you all over again."

o_______o

Huwag mong sabihing........

"Can you be my GIRLFRIEND? AGAIN?"

Lumingon ako sa taong nagsalita sa likod ko. IT'S JI.

**END

P.S: Comment naman po tsaka vote if deserve! May part two nato.

Pabasa din po ng isa ko pang story. :) The Story Of Us ang title. Sana suportahan niyo. :* thank you!

May dalawa pa ako'ng oneshot! Just visit my profile. :)

Letters To My EX (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon