MTP//Four: George meets the Butler

117 4 1
                                    

"Ang sarap ng simoy ng hangin!!!"

Nasa veranda ako ng beach house.
2nd floor and I'm facing the sea.
I can hear the waves. I can feel the fresh air.
Stretching...
Inhale...
Exhale... as I opened my eyes napansin ko nasa baba pa rin yung sasakyan na naghatid sa'kin.

"Kuya!! Di ka pa pala umalis?" sigaw ko sa driver.

Nakatingala yung driver sa'kin. Malamang nasa 2nd floor ako diba?
Di niya ako sinagot. Bingi siguro.
Bumaba ako.

"Ma'am, okay na po ba kayo? May nais pa po ba kayong puntahan, bukod dito?"

"Teka lang kuya. Bakit andito parin kayo? Nakakahiya naman po, hinatid niyo na ako dito tapos magiging bodyguard ko pa. Okay na po ako kuya at salamat sa paghatid. Makakauwi na po kayo."

I gave way, pointing the road home.

"Eh, ma'am pasensya na po. Yun po kasi utos sa'kin ng principe."

"Principe? Wow naman kuya, bigatin ang amo niyo ah. Royalty?!"

Kinikilig naman ako... si chinitong naka tuxedo yung naiisip ko.
Sa bagay mukhang principe naman talaga yung chinito. So...

"Oh my God!? Principe siya!? Teka kuya ano bang utos niya sa'yo?"

Hinawakan ko ang balikat ng driver at nagtitili sa kilig. Niyugyug ko siya ng niyugyug. LOL! Ilang minute pa bago ko na realize.

"Ay, sorry kuya. Sorry." Inayos ko damit niya. Inayos ko rin sarili ko at nagsalita ng normal.

"Ano po pala ang inutos sa inyo at bakit di niyo ako maiwan-iwan?"

"Order po sa'kin na ipagdrive po kita sa kahit saan niyo gustong pumunta habang inaayos pa po yung sasakyan niyo."

"So... meaning? Hihintayin mo pa na maayos yung sasakyan ko bago mo'ko maiwan dito?"

"Yes ma'am."

Ohlala! I have an idea. Bwahahaha *insert sarcastic laugh*
Since wala pa ang sasakyan ko dito. Oh edi sige! Let's grab this opportunity. Magiging masaya 'to!!!

"Sige kuya, samahan mo ako mag grocery. Wala kasing pagkain sa bahay, I thought meron."

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Sige ma'am. Sakay na po." With all his smile.

*Road trip*

Sa grocery, namimili na ako ng pagkain. Si kuya driver naman sinusundan ako habang hawak-hawak ang cart.
Di ko pa feel umuwi kaya nag road trip na muna kami ni kuya driver.

"Kuya, ilang oras na tayo sa daan. Hindi ko pa alam pangalan mo. What's your name kuya?" while sipping the milktea na binili ko sa grocery.

"Ricardo po, Cardo nalang po ma'am." Yung mata niya nasa daan pa rin.

"Ahhh? Since I know your name already. Tara po sa Josephine's Restaurant kuya."

"Sige ma'am."

Josephine's Restaurant is located at 58 Gen. Aguinaldo Highway, Maharlika West, Tagaytay City.
Josephine's is one of those restaurants na gustong-gusto ko dito sa Tagaytay. With its wide open spaces and an unobstructed view of the Taal Volcano.

"So, were here!! Tara kuya samahan mo akong kumain. My treat!" while taking off the seatbelt.

"Po? Naku ma'am wag na po. Hihintayin ko nalang kayo dito."

"Kuya naman hindi ka ba naaawa sa isang maganda at cute na babaeng kagaya ko eh mag-iisa lang kumain sa restaurant?"

Insert pa-cute paawa face...

Mr. Torpeng Playboy (ON HOLD)Where stories live. Discover now