Steve's side

64 1 3
                                    

Kakalabas ko lang ng shower,bago lumabas ng shower room,tumingin muna ako sa salamin sa may sink. Ngayon na ang araw. Ang araw na pinakahihintay ng babaeng mahal ko. Napapikit ako ng mata ko ng maalala ko na naman ang mga masasayang araw namin.

Andito kami ngayon ni Lauren sa ilalim ng puno. Nakakapagod maglaro pero masaya kasi siya naman kalaro ko eh.

"Steve,nakita mo ba yung kinakasal kanina sa simbahan? Ang ganda nung bride. Ang ganda nung gown niya. Sobra!"

"Oo nga eh. Tapos yung groom,pogi! Pero mas pogi ako siyempre." sabi ko with matching pogi sign sa kanya then smile sa kanya

"Hmp,ewan ko sayo. Pero siguro ang magical kapag kinasal noh? Ang saya siguro nun."

"Hmm,boring yun. Maglalakad ka tapos magmimisa tapos andaming sasabihin. Ah basta! Boring!" singhal ko. Naningkit naman yung mata niya sakin. "Joke lang! Eh kasi naman ganun yung feeling ko nung kasal nung pinsan ko."

"Ewan ko sayo. Basta ako,gusto ko,pag kinasal ako,yung super magical! Tapos maraming tao! Tapos maraming flowers tapos may mga candles sa aisle. Nakakakilig yun!"

"Ganun ba gusto mong mangyari sa magiging kasal natin?" napatingin naman siya sakin nung sinabi ko yun

"Kasal..natin?"

"Oo,natin. Ayaw mo ba?"

"Hindi naman,pero sure ka bang tayo yun? Pero pwede na rin,bestfriend naman kita eh! Kaya dapat kasal na natin yun."

"Pwede rin. Haha!" sa totoo lang,crush ko na talaga to si Lauren. Kahit 6 years old palang kami,eh bakit ba? Ang ganda kaya niya! "Sige,promise ko sayo! Hihintayin kita sa harap ng altar habang may belo ka,hawak na flower at hinahatid ka ni Tita Lita and Tito Mike. Andun ako sa dulo ng aisle,hihintayin kita doon! Magiging super ganda din ng kasal mo!"

"Promise mo yan bestfriend ha!"

"Promise!"tapos yakap sa kanya.

Napailing ako habang nakasmile nung naalala ko yun. Eto na. Ang araw ng napagkasunduan namin nung 6 years palang kami. Lumabas na ako ng shower. Nagbihis ng tuxedo at humarap sa salamin habang inaayos ko yung necktie ko.

Sabay kaming pumasok ng school ni Lauren. High school na nga pala kami. At siyempre,magkasama parin kami. Andaming mga nakitingin na lalaki kay Lauren. Naiinis ako,muka pa namang mga manyak. Bwisit na mga mata yan. Pero di ko naman masisisi si Lauren,sa ganda ba naman nya eh,wala eh. May mga nakatingin din sakin na mga babae,well,gwapo ako eh.

"Steve,CR muna ako ha." tapos tumakbo na siya sa CR. Maya maya,may lumapit na lalaki sakin.

"Pre,syota mo ba yun?" tanong sakin. Tiningnan ko muna siya mula ulo hanggang paa pabalik balik.

"Hin-" pero may naisip akong di maganda sa lalaking to. "Oo pre,girlfriend ko siya. Bakit?"

"Ah wala." sabay alis kasama nung mga kaibigan niya ata. Tapos bumalik na si Lauren." Tagal mo."

"Tagal na ba yun? Ewan ko sayo. Tara na nga." tapos hinigit nya na ako. Naalala ko na naman yung mga lalaki kanina. Mukang may gusto kay Lauren. Pero di pwede. Akin lang si Lauren. Selfish ba? Eh akin lang ang bestfriend ko. Akin lang ang mahal ko.

Naayos ko na ang necktie ko. Sunod ko namang inayos ang buhok ko. Naalala ko yung mga oras na si Lauren ang nagaayos ng buhok ko. Siya pa madalas pumipili ng damit na sinusuot ko. Siya din nagsabi sakin kung pano ko aayusin sarili ko nung prom namin,kasi kami ang magpartner at kelangan daw pogi ako.

"Eh pogi naman ako kahit di na ayusan ah!" singhal ko nung araw ng prom namin.

"Eh siyempre prom to! Kelangan mas muka kang presentable kahit na pogi ka! Sige na,uuwi muna ako,aayusan ko rin sarili ko noh! Pero di masiyado kasi maka mainlove ka na sakin." at saka siya umalis na ng kwarto ko.

Waiting at the AisleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon