Oo,matagal ko na ring mahal si Steve. Simula pa nung bata pa rin kami,ang cliche noh? Pero totoo yun eh. Nung mga panahon din na yun,nacoconfuse din ako kasi baka di mutual ang feeling. Iniisip ko na baka kaya lang siya sweet sakin at lagi akong pinagtatanggol kasi tungkulin niya yun bilang bestfriend ko.
Never naman siyang umamin sakin kaya natatakot din akong umamin sa kanya kaya itinago ko nalang yun sa sarili ko.
Nung first day nung high school kami,narinig ko na sinabi niyang girlfriend niya ko dun sa mga lalaking nagtanong tungkol sakin,kinilig ako nun,sobra. Kaya hinayaan ko munang makaalis yung mga lalaking yun bago bumalik kay Steve.
Pero inassume ko na kaya nya yun ginawa para di na makalapit sakin yung mga lalaking yun.
Nung prom night namin,sinabi kong mag-aayos na ako pero di masiyado kasi baka mainlove siya sakin. Kinilig ako sa kaloob looban nun kaya nagpaganda talaga ako nun,pero yun nga,di rin masiyado,ayoko namang mainlove lang sakin si Steve dahil sa itsura lang. At nung gabi ding yun,nakooo!! Sobrang gwapo ni Steve! Ang swerte ko nga nun kasi siya ang date ko! Sobrang saya ko talaga nun.
At nung debut ko,siya talaga ang nireserve ko sa 18th rose. Siyempre,kahit di ko siya boyfriend,siya parin ang pinaka special someone ko,atlhough sinabi ko na wala akong special someone. At dun ko rin nakuha ang first kiss ko sa kanya,hihihihi.
Lumipas ang maraming taon at patuloy ko parin siyang minahal pero mukang di rin niya ako talaga mahal. Pumunta din siya ng France dahil may trabaho na daw siya. Masaya ako para sa kanya nun pero malungkot din kasi iiwan niya ako dito. Na nagaassume na aamin siyang mahal din niya ako pero wala eh.
Gabi gabi akong umiiyak ng di pinapakita sa ibang tao na nasasaktan ako pero isang araw,nakilala ko si Darwin,anak ng COO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Dinamayan niya ako tuwing malungkot ako,alam niya na malungkot ako at umiiyak. Napakabait niya at sobrang sweet,parang si Steve lang. Alam din pala niya ang tungkol kay Steve kasi nakukwento ko rin sa kanya.
Isang araw nagconfess siya ng feelings para sakin. Nung una nagulat ako. Okay lang daw sa kanya ang maging rebound,siya daw ang maghihilom ng sugat kong puso. Ang corny niya noh pero natuwa ako sa kanya nun. Napagisip isip ko din yun,kailangan ko na ding kalimutan si Steve at magsimulang maging masaya na.
Tinanggap ko ang proposal niya at naging girlfriend niya na ako kahit na I'm still hoping for Steve. Di kalauna'y siguro napagod narin ang puso ko kakahintay kaya hinayaan ko nang mahalin si Darwin. Di naman mahirap magawa yun kasi talagang mafafall ka kay Darwin pag kasama mo siya ^_^ After 2 years,nagpropose siya ng marriage at tinanggap ko yun. Sobrang saya ko nun. Kahit na di ko tuluyang nakakalimutan si Steve. Feeling ko nga nagtataksil ako. Pero kailangan eh.
Nung inaasikaso na namin ang kasal,naalala ko yung promise ni Steve sakin nung bata pa kami. Naisip ko na pwede niya pang matupad yun kaya tinanong ko si Darwin kung pwede si Steve nalang ang gawin niyang bestman niya kahit na di sila personal na magkakilala. Medyo nagdalawang isip siya nun pero pumayag din siya. Pinadalhan namin si Steve ng invitation at pumayag din thru e-mail.
Nung araw ng kasal,nakita ko ulit si Steve,ang lalaking minahal ng halos buong buhay ko,nakatayo,hinihintay ako sa dulo ng aisle,at infareness naman,natupad niya yung promise niya,pero bilang isang bestman nalang. Naiyak ako nun habang naglalakad ng maisip ko ang realidad na yun.
Nung sinabi na ng pari na "you may kiss the bride" I was still kinda hoping na si Steve nalang ang lalaking to pero hindi eh,si Darwin na ang lalaking kasama mong nangako sa Diyos kaya buong desisyon ko ng binigay ang puso ko kay Darwin,ang lalaking makakasama ko habangbuhay.
At ngayon,huli man na ang lahat,natutuwa ako sa bestfriend ko kasi sinabi narin niya ang katanungan bumubulabog sakin.
"-minahal din kita. Pero mahal man natin ang isa't isa,hindi na pwede."
"Alam ko Lauren,kaya sana maging masaya ka ha. Iingatan mo ang sarili mo kasi hindi na ako ang may karapatan na palagi kang ipagtanggol. Mahalin mo ng buong buo si Darwin at pangako magiging masaya ako para sa inyo at pipilitin ko ring gawin ang lahat maging masaya na ulit ako."
Im really proud of my bestfriend for his determination. He's really one of a kind.
Nagulat ako ng hinalikan niya ako. Sa halik na yun,nabuhay muli ang dugo ko. Hindi ito ang first time naming naghalikan sa isa't isa but this one is life-fulfilling. Bumitaw na din siya agad.
"Lauren,this is my goodbye kiss. This symbolized that everything between us may continue but not what it must not to be. Magbestfriend parin tayo,mahal natin ang isa't isa pero hanggang bestfriend lang. Eto rin ang maguudyok sakin na hanapin ang aking happiness. Thank you Lauren,thank you for everything,you will always be a big part of me." and with that,we hugged each other.
Nagpaalam din siya sakin na babalik na daw siya ng France pagsapit ng gabi at dun na daw muna siya for good. Nung una medyo tutol ako pero sabi niya,hahanapin nga daw ang happiness niya at makapag move on sakin. At gusto din niya ng Prances na happiness(french girl daw po^^v). Binatukan ko nga,loko eh. Pero pinayagan ko narin siya nun,hindi naman daw mawawala ang communication at magpapabalik balik naman daw siya dito sa Pinas. For the last time,we hugged each very tight and he said goodbye then left. Its time for us to really let go and live our chosen lives. Maging masaya nalang para sa isa't isa.
Pumasok na ako ulit sa reception hall. Tumabi ako kay Darwin at niyakap siya.
"Everything alright Lauren? I saw you and Steve kanina."
Nanlaki ang mata ko nun. Ibig sabihin nakita niya yung kiss? Baka ma misunderstood niya! Sasabihin ko na sana ng pinigilan niya ako.
"It alright Lauren," he kissed the back of my palms "and yes,i saw the kiss. Pero nakita ko man yun,narinig ko din yung usapan niyo. I salute Steve for that. He's a really tough guy. Pero akin ka na eh." then ngiti niyang ngiti na nagiismile din yung mata.
No wonder it didn't took so long before I fell inlove with this guy. He's just really a great guy. And with that, I kissed him in the lips ang hugged him very tight.
"Yes,Darwin,I am all yours now." I said with all my heart.
***
Ow yeah! Natapos din. Yes,i know po,Cliche very very much. (_.__ |l)v
But i hoped you liked it. Trying hard po kasi eh.
Have a nice day! ^^