Pictures (One Shot)

5.9K 155 37
                                    

Picture (One Shot)

All Rights Reserved © 2013

_____________________________________________________________________________________

‘Use a picture. It's worth a thousand words.’

‘A picture tells a story just as well as a large amount of descriptive text.’

Ako nga pala si Jelly Perez, Isang simpleng babae pero hindi ko inakalang magkakaroon ako ng sakit, Akala ko nung una hika lang yun pero hindi ko naman akalain na mas malala pa dun. Meron akong sakit sa puso at ang tanging paraan para gumaling ay ang pagpapa-Heart  Transplant. Pero ang problema, Wala pa kaming nakukuhang donor.  Hindi ko talaga makakalimutan yung sinabi ng doctor na pwede daw akong mamatay sa oras na atakihin ako. Pero tanggap ko na yun, Tanggap ko na pwede akong mamatay kahit  kailan at kahit anong oras, Pero sila Mama hindi nila tanggap. Hindi nila tanggap na mauuna pa akong mamatay sa kanila. Pero ganyan talaga ang buhay, Wala tayong magagawa dahil mamamatay at mamamatay tayo sa ayaw at sa gusto natin. Pero syempre, Habang buhay ka pa, Maganda kung gawin mo yung bagay na hindi mo pa nagagawa sa buhay mo.

Meron nga pala akong boyfriend, Si Ace Aquino. Siya lang ang hindi nakakaalam ng sakit ko. Sa totoo lang wala akong balak ipaalam sa kanya. Mas maganda nang isipin niya na ayos lang ang lahat, Na NORMAL lang ang lahat. Natatakot ako na baka iwan niya ako at natatakot din ako na masaktan siya pagnawala na ako. Magugulat na lang siya, Isang araw nasa kabaong na ako, payapang natutulog. Pangarap ko sanang magkaroon ng pamilya at tumanda ng kasama siya. Pero mukhang malabong mangyari yun. Kaya nga gusto kong bumuo ng mga masasayang alaala habang buhay pa ako na kasama siya.

Gustong gusto kong kumuha ng pictures na magkasama kami. Na kahit man lang sa papamagitan nito maalala niya ako, yung mga masasayang memories namin na magkasama, At para hindi niya ako makalimutan. Pumapayag naman ako na magkagirlfriend siya o magasawa siya pag wala na ako. Ayoko namang mabuhay lang siya nakaraan, Ayokong mapagiwanan siya.  Hindi ko talaga makakalimutan yung sinagot niya sakin nung tinanong ko siya dati kung bakit ba gustong-gusto rin niya akong kinukuhaan ng stolen shots, Ang sagot niya, Dahil gusto kong makita ng mga magiging anak natin ang itsura ng nanay nila nung dalaga pa lang ito. Ewan ko kung matutuwa ako  o maiiyak sa sinabi niya. Siguro nga maipapapakita niya yun sa mga magiging anak niya sa ibang babae at hindi sakin.

Nung mga panahon na yun. Kinakabahan na ako dahil madalas na akong atakihin. Kinakabahan ako dahil baka dahil dun, mamatay na ako. Kaya nga pinagpahinga na ako ni Mama sa bahay. Laging bumibisita si Ace sa bahay namin pero hindi ko siya hinaharap. Si Mama lang ang kumakausap sa kanya, Pero sinabi ko kay Mama na wag niyang sasabihin kay Ace yung tungkol sa sakit ko. Naiintindihan naman ni Mama yun, Pero sabi niya, May karapatan si Ace na malaman ang tungkol sa kalagayan ko. Yun ang pinagtatalunan namin ni Mama pero wala siyang magagawa dahil desisyon ko yun.  Kaya nga mula sa kwarto, pinakikinggan ko lagi ang boses ni Ace at hanggang doon na lang yun. Tuwing gabi naman tinitignan ko ang mga pictures naming magkasama.  Nilagay ko yun sa isang sobre kasama ang diary ko at ang sulat ko para kay Ace. Ibibilin ko to kay Mama na ibigay niya to pagkatapos kong mamatay.

Hanggang isang araw, Dumating na nga ang kinatatakutan ko. Pababa na ako ng hagdan ng naramdaman ko na namang naninikip ang dibdib ko. Mas malala to sa mga nakaraan kong atake. Nagsisisigaw na ako nun dahil hindi ko na talaga kaya. Hanggang sa mahulog ako sa hagdan at mawalan ng malay.

Nagising na lang ako na nasa ospital na pala ako. Tuwang tuwa sila Mama dahil nagising na daw ako. Nalaman ko na lang na halos dalawang buwan na pala akong natutulog, Sa madaling salita,Halos dalawang buwan akong nacomatose. Muntik na daw akong mamamatay nun kung hindi lang daw ako naoperahan nung mga panahon na yun. Natuwa rin ako dahil ibig sabihin nun mabubuhay pa ako ng matagal. Nagpapasalamat talaga ako at nakahanap sila Mama ng Heart Donor ko nung mga panahon na yun. Hindi ko talaga maiwasang maiyak. Niyakap ako nila Mama at Ate. Habang yakap nila ako, Nilibot ko ang buong paningin ko sa ospital, Nagtataka ako kung bakit wala si Ace. Tinanong ko kay Mama kung nasaan siya pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya mula sa masaya hanggang sa naging malungkot. Hindi ko alam kung anong dapat ikalungkot. Dahil nga sa pakiramdam ni Ate na hindi na sasagot si Mama kaya si Ate na ang sumagot. “Patay na siya, Halos dalawang buwan na ang nakakalipas” Nagulantang ako sa narinig ko. Hindi ko alam, Pero bakit siya namatay? Wala naman siyang sakit? Dinaan ko na lang sa biro yung sinabi ni Ate. “Ate naman, Wag naman ganyan! Kagagaling ko lang eh!  Dapat hindi ganyan ang binibiro niyo sakin.” Pero nagulat ako ng magsalita si Mama “Sa kanyang puso ang tumitibok diyan sa dibdib mo,  Anak” Ibig bang sabihin nun siya ang heart donor ko? Bakit? Bakit niya ginawa yun. Dahil nahulaan naman ni Mama na naguguluhan ako kaya siya na ang nagpaliwanag.

“Kinabahan kami ng Ate mo nung huling inatake ka. Sabi ng Doctor mo na yun na daw ang pinakamalala, Pag hindi ka pa daw naoperahan, Maari kang mamatay. Nung mga oras na yun, Tumawag sakin si Ace. Nagtatanong siya kung nasaan tayo.  Nadulas ako ng sinabi ko sa kanya na may sakit ka at malapit ka ng mamatay. Nung narinig niya yun. Bigla niyang binaba yung telepono niya. Alam kong pupunta si Ace dito matapos niyang marinig yun. Pero hindi namin akalain na pupunta siya dito ng nagaagaw buhay” Hindi ko maintindihan yung huling sinabi sakin ni Mama. Pupunta siya dito ng nagaagaw buhay? “Naaksidente siya, Car Accident. Sa sobrang pagmamadali niyang pumunta dito. Naawa ako sa kalagayan niya nun anak. Kung nakita mo lang, Mas magmumukha pa siyang mamamatay kaysa sayo. Tinanong namin ang Doctor  niya kung ano na ang kalagayan niya. Pero ang sinagot ng Doctor, Mamatay na siya sa loob ng bente kwatro oras. Naisip ko na, Tadhana siguro ang lahat dahil pareho kayong mawawala ni Ace, Pareho kayong nagaagaw buhay at sabay kayong mamamatay ng magkasama. Pero nagulat na lang kami ng nagising si Ace. Tinawag niya ako nun. Naghahabol siya ng hininga habang sinasabi na ‘G-gusto ko po s-sanang ibigay i-itong puso ko k-kay Jelly habang t-tumitibok pa.’ Noong una ayaw kong pumayag pero ang mga magulang niya na rin ang mismo ang nagsabi na pumayag na ako.” Umiiyak na ako habang pinapakinggan ko ang sinasabi ni Mama. Hindi ko kayang marinig pa ang mga susunod niyang sasabihin, At hindi ko kayang tanggapin na wala na siya. “ Pero may salita siyang binitiwan bago matapos ang lahat ‘P-pakisabi po  s-sa kanya n-na M-mahal na m-mahal ko s-siya.’  At pagkatapos nun sinimulan na ang operasyon niyo. Nung mga oras na yun. Kinakabahan kami, Nagdadasal kami na sana maayos lang ang lahat. Na sana maging matagumpay ang operasyon mo. Alam mo anak, Pareho na kayong nagaagaw buhay ni Ace nun pero nung mga oras na dumiretso ang linya sa life machine ni Ace ay yun naman ang pagtaas baba ng linya mo sa life machine mo.” Patuloy ako sa pagiyak ko habang kinukwento yan ni Mama. Bakit? Akala ko ba ako ang mamamatay, Akala ko ako ang mamaalam pero bakit siya??

Isang linggo akong tulala ng mga panahon na yun, Hindi ko matanggap lahat ng nangyari. Bumisita na rin ang mga pamilya ni Ace sakin. Kahit sila nalulungkot sa pagkawala ni Ace. Humingi ako ng tawad sa kanila, ng dahil sakin kaya namatay si Ace. Kung hindi lang siya nagmadali ng malaman niya na mamamatay na ako, Siguro hindi nangyari lahat ng yun. Pero sabi nila wala naman daw may gusto sa nangyari. Wala daw dapat sisisihin. Sabi ng mama ni Ace, Nandito lang daw siya puso ko kaya hindi dapat ako malungkot. Mahal na mahal daw ako ni Ace dahil patuloy daw na tumitibok ang puso niya para sakin. Tama sila. Dapat ingatan ko tong puso na binigay ni Ace.

Nang makalabas kami ng ospital, Sumama ako sa Mama ni Ace sa pagdalaw sa puntod niya. At doon na ako napahagulgol ng makita ko ang mga pictures naming magkasama na nakalagay sa lapida niya. Sabi sakin ng mama ni Ace, Pinakusapan daw siya ni Ace na ilagay ang mga pictures namin para daw pag dumalaw ako dun, Hindi daw ako malungkot, Tignan ko lang daw ang mga pictures namin sa lapida niya at alalahanin ang mga masasayang alaala naming dalawa. Hindi daw kasi niya kakayanin kong nakikita niya akong umiiyak sa harap ng puntod niya. Akala ko, Akala ko siya ang makikinabang ng mga pictures naming dalawa. Pero nagkamali ako. Hindi ko akalain na ako pala. Akala ko ako ang mamamatay pero siya pala. Akala ko siya yung masasaktan ng sobra pero ako pala. Napaghandaan ko na lahat, Handa na akong mamatay pero ito ang hindi ko napaghandaan, Ang pagkawala ni Ace. Hindi ko naisip na siya ang mamamatay at hindi ako. Ganito ba talaga ang buhay? Hindi man lang ako binigyan ng senyales na mangyayari lahat ng to. Pero sabi nga nila, ‘Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa hinaharap’ . Ganun na nga siguro, Walang nakakaalam kung sino ang darating at aalis sa hinaharap. Pero isa lang ang alam ko ngayon, Alam kong nasa mabuting kalagayan na si Ace. Payapa na siyang nabubuhay sa itaas. At itong mga pictures na to, Ito ang mga pictures na itatago ko at ipapakita sa mga magiging anak ko, Hindi man kay Ace, Kundi sa lalaking nakatakda para sakin.

--- The End ---

_____________________________________________________________________________________

SANA NAGUSTUHAN NIYO PO KAHIT PANGIT XDD!

WAA!!! PANSIN NIYO BA YUNG NAME NILA? PAGPINAGSAMA ‘JELLYACE’ . YAN TULOY NAGCCRAVE NA AKO SA JELLYACE!  KUNG HAPPY ENDING TO, YUN YUNG IPAPANGALAN KO SA MAGIGING ANAK NILA! XDD

VOTE, COMMENT & FOLLOW.

SORRY FOR THE WRONG TYPO, GRAMMAR, & SPELLING.

Pictures (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon