Beatriz Pink Yu
Nasa mall kami nila Shanelle (shane) at Alicia nag-aya kasi si Alicia na mag punta dito kasi daw may boylet daw siyang papahiyain sa harap ng maraming tao. Green daw ang pangalan. Ewan ko diyan. Baliw na.
Oh, well, dapat hindi ako sasama kasi punong-puno daw ang mall simula kaninang umaga kasi daw merong mall show ang Fame Boys, di ko kilala kaya wag na kayong mag tanong.
Pa-fame-fame pang nalalaman! Hindi ko naman kilala! Mga bwisit! Sipain ko pa ang leader ng grupo nila sa harap ng mga fan girls niya, e!
At gaya nga ng sabi sa news, punong-puno nga ang tao dito sa mall. Karamihan dito sa loob ay puro babae pero syempre may lalaki pa din. Ewan ko lang kung TOTOONG lalaki.
" Bea, handa mo yung camera natin, ha! " pinalo ako ni Alicia sa braso kaya agad akong napatingin ng masama sa kaniya.
" E, kung tadyakan kaya kita diyan? Ikaw na lang ang mang-uutos, ikaw pa namalo! " tinulak ko siya ng buong pwersa kaya nasiko ko si Shane sa tagiliran.
" Ano ba yan! Harutan ng harutan kitang masikip na! " sigaw ni Shane sa amin na asar na asar sa aming dalawa ni Alicia.
" Leche ang arte mo! " sigaw naman ni Alicia sa kaniya, Inirapan ni Shane si Alicia at sasagot pa sana kaso..
" Waaaaah!! Ayan na ang fame boys! "
" Waaaaah!! OMG! OMG! OMG! "
" Kyaaaaa! I really really want you, Warren!!"
" Lets make a baby boy, Jhasper! Gusto ko yung kasing gwapo mo! "
" Mahal na mahal kita Juaquin kahit ang tahimik mo! "
Natigil kaming tatlo at napatingin sa entrance may nakita kaming mga body guards na humaharang sa mga fan girls nung fame boys daw! Puro sila naka-shade, may naunang pumasok na naka shades, naka leather jacket na black at leather long pants na black. Naka t-shirt na black at naka rubber na black.
Okay, anong meron? Libing?
" Warren Sky Scott, ang vocalist at pinaka-suplado sa grupo. Mayaman, sikat, NGSB, dancer. " pag-iindroduce ni Alicia. Kelan pa nag ka-interes sa langit itong babaeng to?
Sky? Oh, bakit black na black ang lolo niyo? Dapat blue!
" Magaling sumayaw? " tanong ni Shane. Parehas naman kaming napairap ni Alicia sa kawalan.
" Magiging dancer ba yan kung hindi magaling sumayaw? Haaaay!! Isip naman po, nabubulok lang! " siniko naman ni ako ng mahinang mahina na parang kinalabit lang. Tinigilan ko na siya at tumingin uli sa entrance.
Sumunod naman ang lalaking naka long sleeve na red, black na long pants at rubber na red.
" Jhasper Charls Salazar, ang pinaka-mayabang at maharot sa lahat, tyak na uulan pag kumanta pero magaling sa gitara. Mayaman, sikat at dancer. "
Okay. Kung kakanta yan ngayon hindi ako papayag, ayokong mabasa ang heels ko.
Pumasok ang huli na lalaki na naka super man glasses, naka t-shirt na white na may tatak na FAME sa front at BOY sa likod. Naka green long pants at rubber.
" And Juaquin Green Sy, ang pinaka matalino at tahimik sa lahat. Ang pinaka mysterious sa tatlo. Magaling kumanta at mag gitara. Grade conscious and unfortunately he's the guy i hate. " she said.
" Why? " tanong ko.
" Kasi nung gabing nasa bar ako, pumunta siya at dumami ang tao. Puro babaeng maiingay at... Malandi. " umirap siya.
" So? " tanong ni Shane.
" Naasar ako kasi natapunan niya ako ng wine nung natulak siya ng fan girls niya! " asar na sabi niya na halatang galit nga duon sa Juaquin.
" Ah. Okay. Start the game if they got the stage " ngumiti si Shane. That's our friendship, kahit anong trip mo sa buhay, su-suportahan ka lang. Pero hindi naman kami umaabot sa pang mu-murder.
Lalong sumikip sa lugar namin kasi ang daming fan girls na nag sisipuntahan sa entrance para mahawakan nila ang idol nila. Like hello? Kahit isang daliri mo ATA diyan hindi madadaplisan ang balat niyan! Tatlo lang silang nag lalakad, 25 na body guards at 18 na stuff ang naka palibot!
Paano ko nabilang?
Hello! Ako pa ba? Genius kaya ako sa numbers. Kaso bagsak ako sa history. ( kaway-kaway naman diyan yung mga mahina sa history! )
" MGA PUTA! ANO BA?! " sigaw ko kasi naapakan nila ang mamahalin kong heels. Mahal pa kaya sa buhay nila 'to! Mga hampas lupa!!
Lahat napatingin sa akin na taas ang isang kilay. Mukang napalakas nga talaga at nanahimik ang lahat at pati yung Fame Boys ay napatingin at napatigil. Sila Shane at Alicia naman halatang pinipigilan ang pag tawa.
Ang o-OA naman! Feeling ko tuloy sobrang lakas!
" Akala mo kung sinong maganda kung maka-sigaw. " napalingon ako sa isang babae na medyo malapit sa akin.
" Close tayo, teh? Sorry, ha. Wala akong barya kaya hindi kita mabibigyan. Pwede ka kasing mag karoon ng barya dahil diyan sa pag papapansin mo. " inirapan ko siya. Sobrang tahimik, AS IN TAHIMIK TALAGA! Yung nag echo yung sinabi ko dahil sa sobrang tahimik.
" Sorry? I dont need your coins. Baka gusto mong ikaw pa ang bigyan ko niyan? " tumaas na din ang kilay nila Shane at Alicia sa sinabi nung babae.
" Wag na. Baka mamaya mag lakad ka lang pa-uwi. Alam mo na, baka dahil diyan sa pag yayabang mo na meron kang coins, ikaw pa ang nahirapan. Sa suot at muka mo pa lang ay halata na maski coins ay wala ka. Look at you, wala ka bang salamin sa bahay niyo? Anong address niyo at mag papa-deliver ako ng salamin at makita mo yang reflection ng unggoy. " sabat ni Shane na ngumiti pa sa babaeng clown.
" Baka gusto mong ihatid ko pa kayong tatlo sa mga bahay niyo? " palaban na sabi ni Ate.
Natigil kaming dalawa ni Shane ng lumapit si Alicia at dumukot ng three thousand sa purse at inabot sa babae.
" Mag hanap ka ng kausap mo, for sure makakahanap ka. Pag pasensiyahan mo na yang mga kabigan ko. Hindi nakikipag-usap ng maayos sa pangit yan tuloy, natarayan ka. Masyado ka kasing nag mamaganda. " ngumiti si Alicia at pilit na binibigay ang three thousand sa babae.
Ayaw naman kuwain ng babae kaya biglang sumama ang muka ni Alicia. She hates waiting, unfortunately, WE hates waiting.
" Kukunin mo ba ng maayos o isasampal ko 'to sa muka mong makalyo? " mataray na sabi ni Alicia, narinig ko namang natawa si Shane. Well, natawa naman din ako.
Nanginginig na kinuwa nung babae yung pera. Agad naman na napangiti si Alicia at tinalikuran siya pero wala pang tatlong hakbang ng humarap uli siya duon sa babae.
" Sa susunod humanap ka ng katapat mo, hindi yung aartehan mo kaming magaganda, wala ka naman palang ibubuga. " Alicia roll her eyes and walk toward us.
" Shet! Nakunan ko yun! " biglang sabi ni Shane. Natawa naman kami ni Alicia.
" Good job, Alicia. " i smile and face the fame boys. " I'll take that one. Leave that three to me. " i said and smirk at the three boys who looking at Shane, Me, and Alicia.
Oh, well, this is just basic. Basic as easy dizy.
---------------------------------------
Hi Readers :) This is my first story so please understand if there have a wrong spelling, grammatic errors or what-ever.
Please vote and comment :)
Beauty__Maiden
BINABASA MO ANG
The Valorous Girls MEET The Showbiz Popular Boys
Teen FictionMeet the three valorous (brave) girls who'll going to change the three fame boys life.