Chapter 7 - The Teacher's Topic

25 1 0
                                    

A/N: Wala akong maisip na author's note na mas bagay dito sa story. Pero, ngayon, eto na ang Chapter 7.

_____________________________________________________________________________

The next day...

Balik na naman sa eskwelahan si Samantha wearing her cooking outfit on it. Take note, nasa classroom sila, at hinihintay nila si Mrs. Jose.

Nag-uusap na naman sila ng mga friends niyang sina Marie, Grant, at Joyce, also wearing their cooking outfit

"So, ano ngayon kung nakita mo si Joshua noong Saturday?"  tanong ni Marie.

"Malay ko. Nagkita kami ni Joshua by accident," sagot ni Samantha. =)

"Pero. Dalawang araw ng lumipas, in love ka ba doon sa kanya?" tanong naman ni Grant.

"Nope. He's my friend and my crush. Just kidding," sabi ni Samantha.

"Wow. May English ka pang nalalaman," sabi ni Joyce.

"Marunong kaya ako mag-English," taray ni Samantha.

"Tumaray, Ate. Alam mo, simula noong 1st year college tayo, magkakasama na tayong apat. Tapos ngayon, tatarayan mo kami. Ano 'yun? Nakita lang niya ang crush, masama na ang ugali," sabi ni Joyce.

"Ang dami mong daldal, Joyce. Ang mabuti pa hintayin na lang natin si Mrs. Jose," sabi ni Samantha.

"Sige," sabi nina Marie at Grant. Pero si Joyce, hindi kumibo.

Dumating na si Mrs. Jose.

"Good morning, class," bati ni Mrs. Jose.

"Good morning, Mrs. Jose," bati rin ng class.

"Sige, take your seat," payo ni Mrs. Jose na umupo na ang lahat. Umupo na nga.

"I was sick last Friday kasi I'm not feeling well. Pero, ituloy na natin ang class," sabi ni Mrs. Jose.

"Yes, Ma'am," sagot ng class.

"Okay, sa European cuisine pa rin tayo. Hindi lang kasi tinuloy ni Mr. Perez sa inyo dahil nag-bell na kaagad. By the way, sabi ni Mr. Perez, hanggang sa Southern European cuisine ang natapos ninyo. Now, we are now moving to the Western European cuisine," sabi ni Mrs. Jose.

START OF DISCUSSION

"Ang Western European cuisine ay pinakakilala sa buong mundo; mula sa sauerbraten ng Germany hanggang sa kilalang bratwurst," sabi ni Mrs. Jose.

"Paano po sa mga bansa tungkol sa mga Western European cuisine, katulad ng Berlin, Belgium, at sa Ghent?" tanong ni Samantha.

"Kapag sa Berlin, be sure to order a curryworst mula sa imbiss kiosk or snack kiosk sa mga kalsada. Sa Belgium naman, kilala ito sa tsokolate, waffles, at mussels with pottes frites. Sa Ghent, sumusubok rin ng Germany ang kanilang specialty, Waterzooi, isang makremang Flemish stew na gawa sa manok, fresh herbs, leeks, patatas, kintsay, sibuyas, at carrots. At minsan susubok kayo ng beer na the best sa mundo habang kumakain kayo sa Belgium at sa Germany," sabi ni Mrs. Jose.

"Anu-ano pa po ang mga pagkain sa Austria at saka sa France?"  tanong ni Marie.

"Sa Austria naman, ipinagmalaki ang kanilang popular na dalawang dish na weiner schnitzel at tafelspitz sa restaurant ng Planchuta sa Vienna. Also, ang Vienna ay tanging world capital na gumagawa ng madaming wine. Therefore, popular sa kanila ang wine bars. Punta tayo sa France, ang Lyon ang kilalang food capital ng bansa nito. Sikat rin ito sa cassoulet, Lyonnais sausage, at tripe. Ito rin ay kilala sa mga tinapay at pastry creations. At saka, many famous chefs hail from Lyon, kasama rin si Chef Daniel Boulud," sagot ulit ni Mrs. Jose.

It Turned Into A REALITY (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon