~Mysterious Guy POV~busy ako sa panonood ng tooooot habang kumakaen pa nang popcorn. paborito ko tong panuorin eh hihihi kaso nagulat ako nang biglang tumunog yung cp ko sa lamesa sa may gilid
*** SFX : TENENENTEN TENENENTEN TENENENTEN TEN ***
kung iniisip nyo yung sa nokia 3210 di kayo nag kakamali nang iniisip. eh sa yun ang malakas na ring tone eh!! walang basagan ng trip!! sino ba kasi tong peste na to na tumatawag. pag tingin ko putek di pala peste. si boss pala. hutaena malilintikan ako pag di ko agad to nasagot kaya dali dali kong sinagot
"hello boss sky. ano prob?" sabi ko
"26th street 2nd ave sa may boston pick me up asap. im badly wounded" sabi nya
"boss seryoso? ano mag cocommute ba ako o dadalhin ko yung motor na binigay mo? boss? oi boss?! tang ina wag mo ko iwan boss!!" sabi ko "ay ang gago ko. kailangan ko na mag madali. nako papatayin ako nun pag di agad ako nakapunta" sabi ko. ibinaba ko yung phone at nag suot ng jacket at pants tapos nag sapatos ako yung plastic lang para mabilisan. kinuha ko ang susi nang motor sa taas ng tv at pinatay yung tv. kinuha ko naman yung helmet sa upuan. at pag ka baba ko sa apartment eh agad ko pinatakbo nang mabilis yung motor. pang racing tong motor na binili ni boss para sakin in case of emergency. pinaharurot ko ito to the point na umabot ako sa 130 kph. mabilis kong iniiwasan ang mga sasakyan na parang kagaya sa mga penikula. astig ba ako? di naman pogi lang (= ̄ω ̄=) HAHAHA
10 minuto lang nakarating na ako agad. sa bilis ba naman ng pag papatakbo ko eh. nakita ko agad yung isang sasakyan na nakaparada. sasakyan yun ni boss tapos nasa gilid sya naka handusay. hay nako naman madalang kasi na may dumadaan na sasakyan dito tapos medyo madilim pa kaya wala pa atang nakakapansin kay boss. agad ko syang nilapitan at iniangat. shit malalim nga yung sugat nya. tinawagan ko ang isang kakilala ko na ang nanay eh doctor
"hello miss chibi!" sabi ko
"gabi na bat napatawag ka pa?" ~ chibi
"nandyan po ba ang mommy nyo ngayon?" tanong ko
"oo eh. mamaya pa pasok nyang 4 am bakit?" ~ chibi
"ayos. darating po kami dyan mga 20mins. paki sabi emergency lang wag muna sya aalis. sugatan boss ko at pakisabi na ipapagamot ko sya ASAP. wag ka na po mag tanong. salamat" sabi ko tapos pinutol ko na yung call. itinabi ko sa gilid yung motor ko malapit sa ramen shop tapos pinakiusapan ko yung nag titinda dun kung pwede ko ba iwan. pwede naman daw. nag bigay ako nang pera para bantayan kaso di tinanggap ni manong kaya umalis na agad ako. pag balik ko eh binuhat ko agad si boss papasok ng sasakyan nya. ibinaba ko yung upuan para nakahiga parin sya tapos ginamit ko yung emergency seat belt para di mahagip yung sugat nya(ang emergency seat belt ay yung sa may bandang bewang isinusuot. karaniwan kasi na seat belt ay yung sa dibdib kaso may sugat si boss sky kaya yung emergency seat belt ang ginamit ko. pina customized kasi ni boss na ganito lahat ang sasakyan nya in case na may mangyari na ganito). pag sakay ko eh agad ko inistart at pinaharurot ang sasakyan nya. pasensya na boss minaneho ko tong sasakyan mo. emergency eh. 25mins ang lumipas ng makarating kami kila miss chibi. agad akong bumusina para malaman nilang nandito na kami. lumabas si miss chibi at ang maam penelope upang salubungin kami sa tapat ng malaki nilang pinto. agad namang pina bukas ni maam penelope ang gate. kung di nyo naitatanong nakatira sila maam chibi sa isang napaka laking bahay at marami pang security dito. pag ka park ko nang kotse sa garahe nila eh agad kong inilabas si boss at binuhat papasok sa bahay nila. tinulungan ako nang ilang guards sa pag buhat at nang mahagip ng peripheral vision ko si maam chibi eh parang nagulat sya na nag tataka sa bitbit ko. ano meron? alam kong mas gwapo sakin to noh pero parang nakakita sya nang multo hahaha. something fishy. pag akyat namin sa 2nd floor ng bahay nila sakto naka ayos na yung guest room para kay boss at naka ready na lahat
YOU ARE READING
Unexpected Love
RomanceYung unang pag kikita eh asaran agad? Isang babaeng tagapag mana nang isa sa pinaka mayamamg kumpanya sa asya pero iilan lang ang nakakaalam at isang lalaking kilala bilang tagapag mana nang isa rin sa pinaka mayamang kumpanya sa asya. Pano pag nag...