Kasi Mahal Kita
— • —
"Pards, ang sakit! Niloko niya ako" Sabi mo habang naka yuko
Ayan kananaman umiiyak kasi sinasaktan ka niya pero ako itong si Bestfriend halos basangbasa na dahil sa uhog at luha mo, pero anung magagawa ko? Wala
Kasi mahal kita
"Shhh, wag ka ng umiyak Pards. Baka may rason siya" Sabi ko sayo para lang mapagaan ang sakit nanararamdaman mo.
Hindi ko alam kung anong rason niya para saktan ka at kung ano ang rason mo para kumapit pa.
Gusto kong sabihin sayo na tama na, na bunitaw ka na. Pero hindi ko kaya dahil katulad mo may rason din ako. Ayaw kong magsisi ka...
...Kasi mahal kita
"Pards, mamatay ako kapag nawala siya"
Pero mamatay din ako kapag nawala ka
"Magiging ok din ang lahat " Sabi ko sa'yo kahit hindi tama. Hindi tamang magkunwari na okay lang ang lahat pero anong magagawa ko kung ako mismo nagpapanggap na okay lang ako kahit bubog na ang puso ko
"Pards Sobrang sakit, binigay ko naman ang lahat eh" Sabi mo
Pero binigay ko rin naman lahat sayo, pero binabalewala mo kasi siya lang ang nasa isip mo. Siya lang yung gusto mo. Siya lang ang mahal mo at naniniwala ka na siya lang ang para sayo
"Wag ka ng umiyak, hindi niya lang siguro sinasadya" Sabi ko para matigil na ang pag agos ng luha mo
Ayoko kasing nakikita kang umiiyak dahil bawat patak ng luha mo parang naghihingalo ako. Hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw dahil kagaya mo nasasaktan din ako pero ang pagkakaiba natin. Ikaw lumuluha pero ako ang nasasaktan. Nasasaktan para sa sa'yo
Minsan iniisip ko. Gaano ba ako katanga para gumawa ng paraan para magka ayos kayo. Nagawa ko pang magsinungaling para lang mapagaan ang loob mo. Siguro talent ko na ang pagsisinungaling sa katotohanan. Gaano na nga ba ako katagal nagsisinungaling sa nararamdaman ko? Hindi ko alam. Hindi ko mabilang.
Hay bakit ba ang hirap mong mahalin? Ay mali, gaano ba ako kahirap mahalin?
"Pards, mahal na mahal ko siya eh, pero ang sakit" Tumulo nanaman ang luha mo
"Pards. Magiging ok din kayo"
"Pards, mahal ko talaga siya" Pag susumamo mo na para bang nawawalan ka na ng pag asa
Nais kong sabihin na tama na kung hindi mo na kaya pero hindi ko magawa dahil alam kong sisisihin mo lang ang sarili mo dahil pinakawalan mo siya.
Bakit ba kahit nasasaktan kana minamahal mo parin siya?
Ang tanga ko para itanong pa'to dahil parang bumalik lang sa akin ang tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/48837436-288-k466382.jpg)