Chapter 13

1.2K 43 10
                                    

<<VOTE and COMMENT

Kamusta naman? Hindi na ako active sa wattpad. Hahahaha. Sobrang busy na ko sa mga pag-aaral ko. Dagdagan pa ang pagtetext ko sa isang tao dyan. HAHAHA.

Sorry kung ngayon lang tong update na to. Masyado akong naging busy. Gusto niyo ng trivia? Itong update na to, 60 % true na nangyari. Hahaha.

- - - - - - - - - - - - - - -

AKI'S POV

 "DM. DM. Bruha! Gumising ka na!" sabi ko sa bestfriend kong napakaganda. "Pupunta pa tayong Recto. Kailangan maaga tayo. May date kami ni Apollo mamayang mga 1 sa MOA. Gumising ka na."

"Aisht! Oo na! Oo na! Gising na ko oh. Maliligo na ko. Anong ulam?" sabi ni DM habang nagsscratch pa ng mata niya.

"Chicken nuggets! Sarap yun!" sabi ko.

"Bakit ganun lang yung ulam? Nasaan si Apollo?"

"Nasa Bulacan pa. Di'ba pinapunta siya dun ni tito Marco? Magkita na lang daw kami sa MOA mamayang mga 1 PM." sabi ko habang palabas na ng kwarto.

"Bumobongga ka na ha! Umamin lang sa'yo kahapon, nagdedate na kayo. Hahaha. At isasama niyo pa ko. OP ako nan mamaya!" sabi ni DM.

"Shunga! Makikipagkita kaya si Janine, Mira at Jade. Namimiss na daw kasi tayo.. Ipapakilala ko na din si Apollo."

"Sige. Liligo na ko."

Naligo na nga si DM tapos nagbreakfast kami. Masarap yung ulam. Ready to cook naman na kasi yung nuggets e. After non, nagprepare na kami. Pupunta muna kaming Recto. Bibili kasi si DM ng libro niya para sa income taxation at law e.

Bumaba kami ni DM sa Lawton. Tumawid kami ng kalsada. Hindi nagdala ng kotse si DM kasi tinatamad daw siya magdrive. Ang adik niya talaga. Nahihirapan tuloy kami magcommute. Sumakay kami ng jeep. Hindi ko napansin yung signboard.

Maya-maya, napansin kong iba na yung daan. Hindi na siya familiar. "Manong, Para po!"

Tumingin ako kay DM, "Tara, baba na tayo."

Bumaba na kami. Tanong ng tanong si DM kung nandun na daw kami. Pati ako, nalilito na.

"Bruha... Nawawala na tayo! Dapat liliko tayo dun e!" sabay turo dun sa may likuan.

Naglakad na lang kami tapos sumakay ulit ng jeep. This time, papuntang SM Fairview na yung nakalagay sa signboard. At alam niyo bang inaantay ko yung kanto ng FEU? Yung sa may Lerma Street. Hindi ko siya napansin kaya lumampas kami. Napadpad kami ni DM sa may UST! Hanep. Naglakad na lang kami pabalik dun sa kanto ng FEU.

"Walangya ka, Aki. Pinapagod mo ko!" sabi ni DM

"Galit ka? Hahaha. Nag-eenjoy ka naman di'ba? Hahaha. Atleast natuto na tayo ngayon." I assured her kahit na kinakabahan na ako nun.

Masaya yung pagbili naming book sa Recto. Ang dami naming nakitang gwapo. Hahaha. Sana lang hindi malaman ni Apollo na nakakita ako ng gwapo. Hahahaha. Naglakad nanaman kami ni DM papuntang Doroteo Jose Station. LRT yun. Imbis na nagjeep kami papunta don, naglakad kami. Nakakapagod ha!

Tumawag si Apollo sa'kin habang nasa train na kami.

"Nasan ka na?" sabi niya

"Nasa LRT na."

"Osige. Ingat kayo ha?"

"Oo. Nawaka kami ni Bru kanina. Hahahahaha."

"Tanga ka kasi. Haha."

"Ganun lang? Ganun lang gagawin mo kapag nawala ako?"

"Hindi. Hahanapin kita. Pupuntahan kita kung nasan ka man. Basta idescribe mo lang sa'kin kung nasan ka. Kahit anong mangyari, pupuntahan kita."

Three times I Love You (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon