First day of School

2 0 0
                                    

Nagsimula ang magulong kwento ng buhay ko simula ng tumungtong ako sa Axe University(AU). Kung may NU sa Manila dito sa Laguna may AU. Hahaha.

Hi! Ako nga pala si Roj Umasa. Hahaha. Apelyido ko pa lang parang inaapi na agad. Hahaha.  Pero don't worry. Ako yung klase ng tao na mabait, masayahin, may pagkabaliw, may pagkasuplado raw?, at higit sa lahat Gwapo. EHEM! EHEM!

Kakagraduate ko pa lang ng High School and i'm only 16 Years old. Nag-iisip pa ako kung mag-aaral ba ako o tumigil na lang?. Tinatamad na kasi akong mag-aral dala ng mahabang bakasyon. Hahaha.

"Ma, Ayoko ng mag-aral titigil muna ako ng isang taon. Hahaha." Pasigaw kong sinabi habang nagtatawa.

"Aba! Aba! Wala kang mararating nyan sa buhay. Sayang ang taon kapag nagtigil ka." My mom said with a fierceful voice.

Ito nga pala si Mama ang naging First Girlfriend ko. Mahal na mahal ko si mama. Lumaki kasi ako tabi ng mama ko. Well, mahal ko rin si papa. Pero iba ang bonding namin ni mama. :) Itong mama ko ay napakastrikto pagdating sa mga nagiging girlfriend ko. Hindi nyo natatanong. Ako nga pala dati yung taong di marunong magpahalaga sa isang taong nagmamahal sakin. Kung tawagin baga ay PLAYBOY! Hahaha. Well, kaya di nagtitiwala sakin si mama. Baka daw kasi makabuntis daw agad ako. Alam naman natin ang panahon ngayon. Mga bata palang eh may mga pamilya na agad.

Pero saludo ako sa mama ko. Kasi sa dami rami ng problemang dumaan sa pamilya namin, hindi parin sya nasuko agad. Sa kanya yata ako nagMana. Ang pagiging matatag kahit talo na ako. Well ang pamilya ko nga pala  ay hindi mayaman, hindi rin mahirap. May kaya lang kami kumbaga ay nasa gitna lang ang estado sa buhay. Kaya ako naman ay aayaw ko ng mag-aral para hindi na ako maging pabigat sa magulang ko.

Pero sabi ni mama. Mag-aral daw ako para pagdating ng araw ako na raw ang mag-aahon sa hirap ng aming pamilya.

Kaya naman ako. Nag-exam sa iba't ibang Universities. Wow! Hahaha. Parang ang yaman namin. Sa universities pa talaga ako nag-entrance exam.

Sa kasamaang palad ni-isa sa pinag-examan ko eh wala man lang pumasa. Hahaha. Tamad kasi akong magreview. :D

Kaya naman naalala ko nung 4th year pa ako na may nagbigay ng scholarship sa amin. Axe University (AU) ang pangalan ng school. Kaya naman naingganyo sila mama na pumasok ako dun kahit ayaw ko. -_-

Sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Sa AU rin pala mag-aaral 'tong isa kong kaklase nung high school na si Zekky D. Malinaw.

Nakapagpaenroll na kami ni Zekky. Di kami masyadong close ni Zekky nung high school. Iba kasi ang grupo na kinabibilangan nya. Eh ako naman grupo ng mga bully ang mga kasama ko kaya siguro ganto ang ugali ko ngayon. May pagkamayabang na mabait. ^_^

Hayhay!

June 04, 2014. Malapit na ang pasukan ng mga college students. Kung hindi nyo natatanong birhday ko ngayon. Oo June 04, birthday ko. Ang pinakaboring na birthday ko. Hahaha. Di kasi ako sanay na wala akong pera sa birthday ko. Kaya ako walang pera eh pinangpaenroll ng mga kapatid ko yung ipanghahanda ko. Well, sanay na naman ako. Taon-taon kasi silang di naghahanda para sakin. Kaya ang birthday ko ay isang ordinaryong araw lang. Hahahay. :(

It was sunny day, when the first day of my college day started. At syempre! Hindi ako makakapasok ng walang kasabay. Hahaha. Takot kasi ako sa mga taong di ko pa kakilala. Hihihi. Mahiyain ako eh. Kahit wala sa bokabularyo ko ang salitang mahiyain. Ngayon lang ata tumalab sakin ang salitang NAHIHIYA!

Yup! Nahihiya talaga ako ng bonggang bongga! Awww!! Nababading na ata ako. Hahaha. Joke!! Lalaki po ako baka kung anong isipin nyo dyan....

Bago ako pumasok, hinintay ko muna si Zekky. Para may kasabay ako pagpasok at para rin hindi ako mahiya o para lang may makausap ako. :D

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na nagboboarding house lang ako at ang kasama ko sa bahay ay si Zekky. Medyo awkward nga eh kasi di pa kami masyadong close.

Okay!! Back to the school. Pagpasok namin ng room, syempre nahihiya kami ni Zekky kasi wala pa kaming kakilala. Nangbigla na lang nakita namin si Tony Reyes nakaklase rin namin nung high school dati. Hahaha. Since, kami palang ang magkakakilala. Alam na this!! Tabi-tabi agad kami at nag-uusap sa mga ilang bagay na wala namang kwenta. :D

Biglang maya maya ay Pumasok na yung Professor namin. Deym!!! Kinakabahan talaga ako. Ito talaga ang pinaayaw ko sa lahat. ANG FIRST DAY OF SCHOOL. WHICH MEANS NA MAGPAPAKILALA KAMI SA UNAHAN AT MAGSASABI NG ILANG PERSONAL INFORMATION TUNGKOL SAMIN.

"Okay class!! Since ito ang first meeting nating lahat, let me introduce my self. I'm Prof. Parker" our prof. said.

"Okay class!! Dahil di ko pa kayo kilala at di nyo pa kilala ang isa't isa. you should all introduce yourselves! Starting with you!" Prof. Parker said.

Nagsimula ng magpakilala yung mga classmates namin. At ako naman, nilalamig ang kamay sa sobrang kaba. Di kasi ako sanay na naeexpose, baka kasi mapagkamalang artista, pagkaguluhan pa ako. Hahaha. Joke!

Yan na. Hahaha. Malapit na ako.

"Hi! Good morning. I'm Zekky D. Malinaw. My hobby is to draw!" Zekky said.

Shittt!!! Ako na! Ako na talaga ang magpapakilala. NaAabnormal na yata ako. Hahaha. Pakshet naman oh. Pwede naman sigurong di na pumunta sa unahan. Nanginginig na ako. Hahaha. May stage fright kasi ako. Di ako makakatagal ng matagal sa unahan ng walang kasama. Feeling ko kasi pinagtatawanan ako. :(

This is it!! Wooohh!!

"Hi, A-ahm! A-a-ako nga pal si R-rogelio U-umasa" pabulong kong sinabi. Hahaha. Buti na lang walang pake yung mga kaklase ko kahit hinaan ko boses ko. Ahihihi!!

"My hobbies are, to play computer games, eating and watching tv." Pagkatapos kong masalita dire-diretso agad ako sa upuan ko. Hahaha.

Shit! Wooshhh!! Salamat natapos rin. Sabi ko sa sarili ko. Para akong tanga. Kinakausap ko yung sarili ko. :D

Pagkatapos ko. Si Tony Reyes naman. Then yung iba naman ang sumunod pagkatapos ni Tony. Hahaha.

Then, someone catch my attention. Yung tipong busy ako pakikipag-usap tas bigla na lang akong na-stuck sa pagkakatingin sa kanya. Hahaha. Si Zekky at Tony rin napatulala sa ganda nya. Ehem! Ehem!

"Hello! Good morning I'm Rash Cortez from Quezon City" Rash said. Hahaha. Maka-Rash agad ako parang close na agad kami. Ahihihi!

Si Tony naman dahil nagandahan sya kay Rash, kumuha sya ng papel at sinulat agad ang pangalan nya para hindi nya makalimutan ito.

Hahaha. Adik talaga 'tong si Tony. Medyo kilala ko 'to pagdating sa babae. Playboy din 'tong lalaking 'to eh.

Then after that, Natapos din ang kinatatakutan ko. :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever is just a WORD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon