Yakap ni Ina

35 0 0
                                    




"Uwwaaa! uwaa!

Ang unang iyak na kay sarap pakinggan. Ang aking unang iyak sa mundo. Ibinigay ako kay Ina upang akoy mayakap at mahalikan. Ramdam ko ang init ng yakap niya, init ng pagmamahal ng aking ina. Yakap na kay sarap damhin

Habang akoy lumalaki, mas lalo kung naramdaman ang lubos na pagmamahal ng aking mga magulang. Hindi nila ako hinahayang masaktan ng kung sino man. Lagi nila akung binibigyan ng oras sa pamamasyal. Hindi sila nagkulang sa pangaral at pagdidisiplina.

Hanggang sa akoy nagkaisip. Hindi na kagaya ng dati ang pakiramdam ko sa magulang ko. Tila ba akoy gusto ng maging malaya.

"Anak, ano ba ang nangyayare sayo? Bakit pawang sinusuway mo ang mga pangaral namin sayo."

Hindi ko inisip mga sinabi ni Ina. Malaki na ako hindi ko na kailangan pangangalaga niya at ni Ama. Nais kung mas masaksihan ang tunay na mundo. Natuto akung maglakwatsa bumarkada, maglasing at tumikim ng bawal na gamot.

"Anak, ano bang nangyayare sayo? Hindi ka namin pinalaki ng ganyan upang sayangin lang ang iyong buhay"

"Buhay ko ito Ina. Wala na kayong pakialam doon sapat na ang inyong katandaan upang akoy inyong palayain ng tuluyan. Nakakahiya sa mga kaibigan ko lagi niyo akung hatid sundo sa eskwelahan. Ina gusto ko makita ang tunay na mundo ng hindi kayo kasama ni Ama"

Umalis ako ng aming tahanan dala ang sapat na gamit at perang kinupit pa sa bulsa ni Ama. Malaya na ako malaya na ako. Nanirahan ako kasama ng aking mga kaibigan. Gumawa ng mga bagay na alam kung mali sa turo ng aking magulang. Ngunit wala akung pakialam sawa na ako sa buhay na puro pangaral. Masaya ang buhay ko ngayon. Alak sigarilyo bawal na gamot ang tanging buhay ko at nagpapasaya sa akin.

"Anak, umuwi kana sa atin ang iyong Ina malubha na ang karamdaman. Halika na anak umuwi na tayo"

"Wala akung pakialam sa inyo Ama. Sinasabi niyo lang iyan upanhg akuy bumalik sa tahanan na puro pangaral lamang ang alam. Hindi ako babalik kaylan man umalis kana ama. "

Matapos ipagtulakan ang aking ama. Hindi mawari kung bakit nabasag ang baso sa lababo. Hindi ko ito pinansin at bumili ng alak. Pera na galing sa nakaw na tanging iyon lang ang trabaho upanh magkapera. Walang silbing pangaral hindi nakatulong sa aking buhay. Nanatiling tambay sa aking mga kaibigan.

"At san tingin mo ikaw pupunta binata? Wala ka ng takas huli kana ngayon, matagal ka na naming hihintay. Tapos na ang maliligaya mong oras. Nasabik ka siguro sa akala monh tunay na mundo."

"Bitawan mo ako, Ama , Ina tulungan niyo ako Inaaaaa, Ammmaaa. "

Dinala ako sa malamig na lugar na hinaharangan ng makakapal na bakal. Ina Ama. Tulungan niyo ako. Akoy nagsisisi sa mga nagawang kasalanan. Sanay wala ngayon sa akinh kinalalagyan.

"Binata gusto ko lang malaman mo. Wala ka ng magulang. Ang iyong ina namatay sa sakit habang ang iyong ama ay natambangan ng mga kaibigan mung adik."

Animoy ilog ang aking mga mata. Sobrang pagkadismaya aking nararamdaman. Sobrang pagsisisi. Galit sa sarili, magulang ay sinaway na ngayon ay wala na. Dinala ako sa aking mga magulang. Nilapitan at pinagmasdan ang kanilang pagkakahimbing.

"Ina Ama patawarin niyo ako sa kanaisan makatamtam ang tunay na mundo. Ina sanay hindi kita tinaboy. Ama sanay naniwala sayo. Ina Ama. Hindi naiparamdam sa inyo aking pagmamahal. Sarili koy napabayaan sa pansariling kagustuhan. Patawad Ina Ama. Sana pangaral ay hindi binalewala"

"Apo pinabibigay ng iyong Ina" inabot niya sa akin ang isang liham. Liham na nagsasabi kung gaano nila ako kamahal ni Ama. Na kaya nilang tiisin lahat ng ginawa ko makita lang nila akung masaya kahit mali na ito. Mas lalo kung ikinaiyak ang huling sinabi ni Ina. "Alam kung Ikaw pa din ang batang yakap yakap noon"

"Dapat kung pagbayadan ang lahat ng ito. Handa akung magparehab o magpakulong mabayaran lang ang aking nagawa sa magulang ko"

Sa loob ng isang taon. Ginamot ko ang aking sarili. Muling bumangon muling nagkaroon ng bagong buhay. Sa kabila ng aking kasakiman napatawad pa din ako ng aking mga magulang. Nagaral akung mabuti mula ng makalabas ng Bahay pagamutan. Nakatapos ng highschool. Nagkolehiyo sa kursong Fine Arts.

Nang makatapos ng kolehiyo muling hinarap ang bagung yugto ng aking buhay. Ina Ama sanay andito kayo sa matagumpay kung buhay. Pangako Ina Ama magiging mabuti akung tao hindi na muling mabubulag sa kasakiman ng mundo. Magiging instrumento ako sa mga kabataang naligaw ng landas.

Iisa lang ang namumudtangi sa akinh isipan . Sanay kapiling pa aking mga magulang. Sanay musmos na lang muli upanh silay makapiling dahil sila ang tunay na makakapagsabi ng totoonh mundo. Sa pagmamatigas ko noon, ngayoy nagiisa na lamang. Sanay munting sanggol na lanh na yakap ngayon ni Ina.

Yakap ni InaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon