Nabubuhay ako para sa pamilya at syempre para sa sarili ko
Simpleng tao na naninirahan dito sa malawak na mundo
Gumagawa ng mga karaniwag bagay na alam kung tama sa paningin ko
At namumuhay ng tahimik at walang iniintinding kundi ang sarili ko.
Minsan sinasabi ko sa sarili na di kailangan ng lovelife ang buhay ng isang tao
Nandyan naman ang pamilya at mga kaibigan mo
Na laging nasa tabi at nakaagapay sa bawat takbo ng buhay na nangyayari sayo
Kaya kahit minsan di ko inisip na magkakagusto ako isang tao na wala naman sa bokabularyo ko.
Nung una kitang nakita wala akong naramdaman maski ano
Para kalang normal na tao na nasa paligid ko
Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko ano ang nagustahan ng mga may gusto sayo??
Dahil para sa akin isa ka lang walang kwenta na di ko kailangang pagkaabalahan pa.
Sa paglipas ng araw, linggo, buwan, at taon parang may nangyayaring kakaiba
Yung feeling na mamagnet yung mata ko sa mukha mo
At ang lahat ng inis na nararamdaman ko saiyo ay biglang naglalaho
Na napapalitan ng paghanga na di pamilyar para sa isang katulad ko.
Tinatanong ko ang sarili ko ano ba nag nakita ko sayo??
Masyado naba akong bulag para maramdaman ko ang ganito
Nagkakagusto ako sa taong may karelasyon na
Pero ano nga ba ang maggawa ko bigla nalang tumibok ang puso ko
Sobrang layo ng agwat natin di nga tayo nagpapansinan
Patuloy lang tayong linalagpasan ang bawat isa at parang hindi magkakilala
Ngunit kahit ganon ewan koba kung bakit ako ganito
Di ko maiwasan na di ka tignan at hangaan at siguro kinain ko na lahat nang sinabi ko tungkol sayo, KARMA nga siguro
Nung panahon na litong lito na ako sa puntong sinasabihan na ko ng mga kapatid ko
Tigilan mo nayan may gf na yung tao at tigilan mo na kakapantasya sa kaniya
Di ko alam kung anong gagawin ko , nalilito na ako sa puntong
di pwedeng ipaalam sa mga kaibigan ko na gusto mo kita dahil sa takot na pagtawanan ako
At dapat magkunwari na naiinis at galit ka sa kanya kahit na gusto mo naman siya talaga.
Pinag-isipan ko nang matagal at bigla akong natauhan
Bata pa ako at may pangarap pang dapat abutin at dapat makamit
Kaya kailangan ko nang tigilan at gawin ka nalang isang kaibigan
Malay natin sa takdang panahon tayo ang magkatuluyan ngunit di pa ngayon
Kaya paalam at hangang sa muli kung landas natin magkukrus sa panahong handa na ako para sa panibagong chapter ng buhay ko..