Story po ito na bumuo sa utak ko nang dahil sa kaibigan ko. Hahaha! Anyway, enjoy!
------------------------
ALLYSSA
"Oh My Gosh! Andito na sila!" Sigaw ng isang babae. Bigla na lang nag-ingay ang buong hallway sa sigawan ng lahat babae. Napatingin ako kung ano yung dahilan ng sigawan nila.
Parang slow motion na bumugad sa paningin ko ang limang gagwapong nilalang. Ang Knights. Ang mga kilalang bad boys ng school namin at ang mga crush ko!
Yup! Tama ang rinig niyo. Crush ko silang lima. Hindi ko kasi kayang pumili, mahirap eh. Ang gagwapo at ang aastig kasi. Hehe!
"Kean, ang gwapo mo!"
"Drake, your so hot!"
"Axel, marry me!"
"Hunter, notice me!"
"Owen, I love you!"
Napabalik ako sa mundo ng katinuan ng biglang isigaw ng mga malalanding babae ang mga katagang iyon. Aba! Akin lang sila no? Hindi ako magpapatalo!
"Knights, you own my heart!" Sigaw ko pero wala, epic fail. Hindi mo marinig sa lakas ng mga bunganga ng mga malalanding babae dito.
"Kung nakakapatay lang ang tingin malalamang patay na yang mga babaeng mga yan."
"Ai! Kabayo!" Napatalon ako sa gulat ng bigla na lang sumulpot na parang kamote itong si Xyra.
"Gulat ka no?" Tanong niya. Napamura naman ako.
"Hindi. Kaya nga ako sumigaw sa gulat, eh no?" Sarkastikong sagot ko and I rolled my eyes at her.
"Ba't ka ba andito?" Tanong ko.
"So hindi na ako pwedeng dumaan sa hallway? Baka nakalimuta mo, may klase pa tayo. Palibhasa kasi, lumalandi." Sagot niya.
"Hoi! Hindi ako malandi no?" Pagdepensa ko. Totoo naman eh. Hindi kaya ako ganyan.
"Sige. Stalker na lang." Sabi niya.
"Hala! Hindi kaya!" Depensa ko ulit at tinaasan niya ako ng kilay.
"Talaga?" Tanong niya at tumango ako. "Eh, anong tawag mo nung pagtingin mo sa fb account nila upang alamin ang status nila at kung anong updates sa buhay nila. At tsaka yung pag-iwan mo sa akin upang sundin sila. At wag mong kalimutan yung isang dumakmak na picture nilang lima, mapa-group photo, selfie, stolen at single photo man nila, na nakapaligid sa isang pader sa kwarto mo. Kung hindi yan pagsto-stalk, ano tawag mo diyan, aber?" Tanong niya. Napalunok naman ako. Okay, maybe may pagka-stalker ako pero maliit lang. Promise.
"Ahh... Basta! Hindi ako stalker." Pagmamatigas kong sabi. Napailing na lang siya. "You know what, tara na lang sa classroom at baka malate tayo." Sabi ko at umuna nang maglakad. I could practically feel Xyra rolling her eyes at me pero hindi ko yun pinansin. Sumunod naman siya.
Pagdating namin sa classroom, tila kaingayan at kaguluhan ng kaklase namin ang bumungad sa amin. Dumeritso lang kami ni Xyra sa upuan namin at nag-usap ng kung anu-ano nang bigla na lang bumukas ang pinato at binuga nito ang isang prinsipe-este, si Axel lang pala.
Biglang natahimik ang lahat at tinignan siya. Nang maglakad siya papunta sa harap sinundan siya nang tingin namin. Obvious naman na gustong magtili nang mga babae pero pinipigilan nila ito dahil kay Axel. Ayaw daw niya nang maingay. Okay na! Ako na ang may alam.
Nang makapunta na siya sa gitna, tumungin lang siya sa amin na tila may hinahanap. Bigla na lang siyang napatigil sa akin at tinitigan ako. Unti-unti siyang lumapit sa akin without breaking the eye contact. Nang nakalapit na siya sa akin, bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan ito.
"Good Morning, Princess." Kalmang sabi ni Axel habang tumitingin sa akin. Ako naman, sobrang pula siguro at sobrang kinikilig. Feeling ko nga magkaka-heart attack ako dahil sobrang lundag ang ginagawa nang puso ko. Nag-aerobics siguro tung puso ko.
Wala ni isa sa amin ang umimik at nagtitigan lang. Ice ang peg ko ngayon, teh. Feel ko kasi matitunaw ako sa lagkit nang tingin niya sa akin. That us up until may humila sa kanya.
Napaangat ako sa nanghila kay Axel. Si Drake.
"Hoy, Axel. Ba't mo ako inunahan?" Inis na tanong ni Drake. Hindi kumibo si Axel at binugyan lang niya ito nang walang ekspresyong mukha.
"You challenged me. Sabi mo di ko kayang maging gentleman to girls." Saad nito. Bigla naman akong nakramdam ng kirot. Challenge lang ba yun?
"Guys, tama na. Wag kayong mag-away sa harap ng prinsesa natin." Saad ni Kean. Bigla naman napalitan ng pagtataka ang nararamdaman ko. Anong prinsesa? May prinsesa ba dito? Wala namang nakasuot nang crown ha?
Bigla namang lumapit si Owen sa akin. Bigla na namang bumilis ang pintig ng puso ko na tila kumakarera.
"Okay ka lang? Are you bothered by their argument, Princess?" Tanong niya. Kahit na gusto kong tumalon sa kilig, hindi ko pa rin maiwalang bisa ang pagtataka ko.
"H-ha? Anong Prinsesa? Ako?" Tanong ko habang tumingin aa kanila.
"Hindi ba obvious? Ikaw nga yung tinatanong, diba?" Iritang saad ni Hunter. Paano ko nga ulit nagostuhan tung nilalang na ito? Ang suplado!
"Hunter, wag kang marahas. Baka nakalimutan mo kung sino siya." Kean stated. Napairap naman si Hunter. Tumingin naman sa akin si Kean.
"Hey, Princess, I know your confused. But don't worry, isa lang ang dapat mong malaman." Sabi niya.
"Ano naman yun?" Tanong ko. Gulo pa rin ang nangyayari sa akin ngayon. Kahit si Author nga nababaliw sa kwento ko.
Tumingin si Kean kay Owen at nakuha naman ni Owen kung ano amlng pinahiwatig niya. Tumingin sa akin si Owen at nagsimula na namang magkarera ang puso ko.
"Allyssa Romero." Pagtawag niya sa pangalan ko. "From now on, you're Knight's Princess." Saad niya. Wait.
Huwaaaat!!!!!!
------------------------------
Hehe! Dito sa lang muna kasi may iba pa akong kwentong ginagawa pero sana na.enjoy niyo. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at gunuwa ako nang kwentong sing baluw nito. Haha! Anyway, sana nga nag-enjoy kayo. Sige, goodbye muna.
Vote and Comment
-Minchan
BINABASA MO ANG
The Battle For Love: The Five Bad Boys
RandomPaano kung isang araw, isang malaking himala ang nangyari sayo? Para kay Allyssa, isa talagang malaking himala nang bigla na lang siyang angkinin ng limang bad boys ng school nila. At ang pinaka-astig naman nito ay lahat sila crush niya. Paano yan h...