Stalker -11

51 6 2
                                    

✴Those Eyes✴

  ※◆◆◆※◆◆◆※  

Naka alis na't lahat si Bryan ay parang hindi rin ako nakapag pahinga kakaisip sa kanya. Kung galit ba siya. O kung sumama ung loob niya sa mga sinabi ko. Pagulong-gulong ako sa kama at hindi alam ang gagawin. Kung minsa ay guguluhin ko ang buhok sa katanggahang ginawa at sinabi ko. Tumayo ako. Ito nanaman... hindi nanaman ako mapakali! Ano naman kung magalit siya! E siya nga 'tong mukang tangang binaba niya kanina sa gitna ng daan ! I close my eye. And pray xD !



Tumungo ako sa cabinet ko at kumuha ng matinong suot. >0< ano bang klaseng mga pantulog meron ako?! Bakit wala na ung panjama ko at loose shirt ! Asan na?! Halos mga short at mga night dress na pantulog ang andito! Halos kita na ata sa sando ko ang bra ko sa nipis ng mga tela na 'to. -_- Ung totoo ?!



No choice but to wear them. Short at sando sa loob ng bahay nila Bryan. Great. Just great!. Bwiset.



...hmmm! Ano naman kayang piece offering ang pwede ko sa kanya ibigay? Sweet foods? Banner na naka lagay 'Sorry na..' ? Or kaya mag sorry na lang ako ng personal para sincere? Tengne... hirap suyuin ng buwitre na un ah. E kung umukit kaya ako sa bato na naka lagay e sorry at ipakain ko sa kanya, para naman feel niya hanggang loob ng katawan niya. Waaaah ! >_< wala ako maisip na matino!



I decided na lumabas na lang ng pinto. Sa di ko malamang dahilan ay naupo ako sa hagdan. Saktong pag upo ko ay ang pag bukas ng pinto katabi ng akin. Ayan nanaman si Puso. Umaarya na naman ! Alam kong dine siya dadaan, wala naman nang ibang daan bukod sa hagdan na 'to aah.



Ayan na...."Sorry sa nasabi ko!." -nakapikit at medyo malakas kong sabi.. ngunit parang tinakasan ako ng dugo ng makita ko kung sino ang huminto..



"M-Mary..." -Para akong nabato. A-Anong ginagawa niya sa kwarto ni Bryan? Pano niya nalaman ang bahay ni Bryan? Araw-araw ba siya dito? Anong ginawa nila?..



Halos puro tanong ang nasa isip ko pero parang wala lang sa kanya na nakita niya ako ngumiti pa "Hi.." -maikli pero halos parang sinampal niya ako sa klase ng ngiti niya. Hindi ko alam pero un ung nafeel ko. Na parang pinagmamalaki niya na andito siya, na mas nauna siya. P-Pero paano niya naging close ang moody na 'to? Paano niya nakakausap ng matino at nakakasama ng matagal sa ugali nito. Parang iniisip ko pa lang masaya sila ay parang kumirot ang puso ko, hindi lang don, dahil parang siya yata ang ipinalit niya kay Liam, naiisip ko pa lang na tama ang nasa isip ko ay parang gusto ko ng sampalin si Bryan kahit wala naman akong karapatan.



Ngumiti rin ako sa kanya. Isang tunog mula sa cellphone ang nakapag paalis sa amin ng isang awkward na moment sa hagdan. "It's yours.." -halos huli ko ng marealize na akin pala ung phone na tumutunog mula sa short ko. I answer it. Hindi ko na tinignan pa ang caller. Tumalikod ako sa kanila at kinausap ito. "Hello?." -sabi ko habang humahakbang pababa ng hagdan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnExpected StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon