Nandito kami ngayon sa cafeteria ni Pyrah, girlfriend ko.
Kanina pa siya parang wala sa sarili.
Ano kayang problema niya?
Mangyayari na ba yung matagal ko ng ine-expect na mangyari?
'Wag naman sana.
Mahal ko siya at hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin.
"Calvin, sorry... Mahal kita alam mo 'yan," sabi niya na parang maiiyak na.
"Bakit ka nagsosorry Pyrah? Wala ka namang kasalanan diba?"
"Marami akong kasalanan sa'yo Calvin. Sorry talaga,"
"Ano bang sinasabi mo?"
"Naaalala mo ba 'yung kinukwento ko sa'yo na seatmate ko? 'Yung makulit kong seatmate?"
"Oh, kinukulit ka pa rin ba niya?"
"I'm sorry Calvin... I need space, we need space"
(Umusog ng kaunti)
"Okay na ba 'tong space na 'to Pyrah? Kung gusto mo uusog pa ako"
"Hindi Calvin. Timer kasi ako eh!"
"Ganun ba? Anong oras na?" pinipigil ko na lang ang luha ko.
"Calvin naman eh! Don't make this hard for me! Break na tayo"
"Ganun ba? Sandali lang pupunta na ako sa counter kanina pa rin kasi ako gutom eh," sabi ko sabay tayo papuntang counter.
Doon tuluyang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Alam ko naman eh! Matagal ko ng alam na may relasyon sila ng seatmate niya pero nagbulag-bulagan ako.
Mahal ko eh! Kaya ito ako, nagpapakatanga.
6 years na kami. Bakit niya pa nagawa 'to!
May pagkukulang ba ako?
Nagsawa na ba siya?
Hindi ba ako sapat kaya naghanap pa siya ng iba?
Tanga ako Pyrah! Baliw ako! Pero hindi mo kasi alam na alam ko ang ginagawa mo.
Alam ko Pyrah, I know I'm not the only one.
BL'&
BINABASA MO ANG
Pieces of a broken heart(Ang kuwento sa likod ng bawat kanta)
Short StoryIt will touch your heart