Creative Love Notes

10 0 0
                                    

'Love is something you don't have to define but needed to be implied'

Nagsimula ang lahat noong umaga ng ika- 22 ng Hunyo, 2011, ang unang araw ng aming pasukan para sa huling taon ko sa High School, noong unang beses akong makatanggap ng isang misteryosong sulat sa locker ko na naglalamang ng:

Hi! Enjoy your first day of school. J

- ConnotativeWords│LA│FirstNote

Una sa lahat, kinilabutan ako. Bakit? Kasi unang araw pa lang ng pasukan, paano niya nalaman na ito ang locker ko diba? Naisip ko rin naming baka tinitrip lang ako ng mga kaibigan ko, kaso sa pagkakakilala ko sa kanila, di sila mag-aaksaya ng oras para sa ganito.

Lumipas ang mga araw na hindi na nasundan ang misteryosong sulat na iyon. Tama nga ang sabi ng kaibigan kong si Phobby, baka nagkamali lang ng pinaglagyang locker yun. Kaya lang, tulad ng sabi ng isa ko pang kaibigang si Aira, baka naman nahiya lang dahil nakita nitong tinapon ko ang unang note na binigay niya. Eh sa naweirduhan ako eh. Ikaw kaya makatanggap ng ganun, hindi mo rin kaya itapon? So ayun nga, nung araw na tuluyan na sana akong maniniwalang nagkamali lang ng locker yung nagpadala nun ay muli akong nakakita ng sulat sa loob ng locker ko bago matapos ang lunch break.

Pasensya na kung natakot kita nung una. Balak ko lang naman sanang makipagkaibigan. Wag mo sanang masamain ang intensyon ko.

- ConnotativeWords│LA│HopingToBeYourFriend

Naglalakad na ako nung binasa ko yung note dahil magt-time na. Nakabangga ko pa nga ang kaklase kong si Aiden dahil sa hindi ako nakatingin sa daan habang naglalakad. Yung moment na unang pagkikipagusap ko sana kay crush ay naging most embarrassing moment pa. Paano ba naman kasi, natumba na ako, tumalsik pa ang dala kong notebook. Hindi lang yun, tumilampon pa lahat ng papel na dala-dala niya.

"Hala! Pasensya na. Tulungan na kita." tanging nasabi ko na lang sa sobrang hiya at madaling tinulungan siyang isa-isang pulutin ang mga piraso ng bond paper na nakakalat sa sahig. Sa sobrang dami nung papel, isama mo pa ang hindi pakikisama ng malakas na ihip ng hangin, inabutan na kami ng bell bago matapos pulutin ang lahat. At sa kasamaang palad, pinagalitan pa kami ng teacher namin sa Values, na inabutan pa kami ng Detention Slip dahil daw sa walang basehang pagkalate namin sa klase niya.

Buong hapon kong kasama si Aiden hanggang sa pag-uwi dahil ang mga magagaling kong kaibigan ay iniwan ako at may kanya-kanya pa raw silang mga gagawin. Okay lang, naintindihan ko naman sila, at least nakasama ko si crush kahit sa sandaling panahon lang. Nakakwentuhan ko pa kahit puro pagkain lang naman ang napag-usapan namin. Nakakatuwang malaman na pareho kaming may sweet tooth at pareho naming paborito ang Gummy Bears. Sabi sa inyo meant to be kami ni crush eh.

Patulog na ako nung maalala kong may assignment pala kami sa Math. Yun pa naman ang first subject namin at wala rin naman akong ibang aasahan kaya sariling sikap nanaman. Nagulat ako ng may nalaglag na papel galing sa kabubuklat ko lang na notebook. At ang laman;

Mas maganda ka kapag nakangiti. Lagi ka sanang ngumiti kasi hindi mo alam kung ilan kaming napapangiti dahil sa simple mong mga ngiti. J

- ConnotativeWords│LA│Smile

Imbis na mapangiti ay mas kinabahan ako. Para kasing kahit anong gawin ko nakikita nitong taong gumagawa ng mga sulat na to. Parang bantay sarado bawat galaw at kilos ko. Ayokong mag-isip ng kung ano dahil sinabi na niyang pakikipagkaibigan lang ang nais niya pero hindi ko maitatagong natatakot na ako sa mga nangyayari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Connotative WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon