Ashley's POV
"Nikki! Nikki!" napahinto ako bigla sa narinig ko.
Unti-unti akong tumalikod upang harapin ang ulupong na tumatawag sakin sa pangalan na 'yon.
Nakita ko ang unggoy na lalaking tumatakbo papalapit sa akin at hingal na hingal na huminto ito sa harapan ko.
Tinignan ko siya ng may pagtataka sabay simangot.
"Ano ba! Wag mo sabi akong tatawagin sa pangalan na yan eh. Uuuggghhh! Ilang ulit ko bang ipapaalala sayo ha? Hay nakoooo! Ang sarap mong gawing punching bag!" napasapo na lang ako sa ulo ko sa sobrang inis at baka pag hindi ako nakapagpigil eh masapak ko ang pagmumukha nitong unggoy na ito.
Pasalamat siya mahalaga sa akin ang girlfriend niyang si Ate Liza at ayokong mag away kami dahil lang sa pananakit ko sa boyfriend niyang ito :3
"Nako eto naman. Parang di naman kapatid eh. Alam mo namang ikaw ang kaisa-isa kong baby sister diba? Tsaka ayaw mo ba nun? Ang cute kaya ng Nikki ^_^ and gusto ko na ako lang ang tatawag sa'yo sa ganung pangalan ha? :) Gets? Hahaha :D" sabay kindat.
Eeewww! Kadiriii! Ang aga agang panira ng mood. Bibigwasan ko na talaga 'to eh.
"Hayst! Pasalamat ka kapatid kita at mahal kita kundi baka kanina ka pa diyan nakabulagta!"
"Baby sister naman eh. Nilalambing ka lang ni kuya... :)" sabi niya sabay yakap ng pagkahigpit-higpit sakin.
"Ano ba kuya! Hindi ako makahingaaa!" habang pilit na kumakawala sa yakap niya.
"Ay sorry baby sister! Hihihi peace^_^"
At sa wakas humiwalay na din siya sa akin.
"Bakit mo nga pala ako pinuntahan? Diba sa kabilang building yung room mo? Wag mong sabihing cutting classes ka? Nako! Isusumbong talaga kita kay Tito!"
"Uy hindi ah! Grabe ka naman baby sis, cutting classes agad? Di ko ba pwedeng ihatid ang baby sister ko sa classroom niya?" biglang lumungkot ang mukha niya.
Hay nako! If I know, may kailangan lang 'to sakin eh.
Pero bago pa ako makpagsalita ulit, bigla na niya akong hinatak at inakbayan.
"Ayaw mo bang may guwapo kang kasabay na tulad ko? At take note, nakaakbay pa sa'yo ;) Hahaha :D"
Gosh! Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa balat. Hindi ba siya kinikilabutan sa mga pinagsasasabi niya? Ugh! So annoying!
Di na lang ako umimik at hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Pagbibigyan ko na 'tong kuya ko na 'to. Tutal first time ko pa lang naman dito sa school na pinag aaralan niya at hindi pa rin talaga ako familiar sa mga facilities dito.
Habang naglalakad kami, pinag titinginan kami ng mga nakakasalubong namin at biglang magbubulungan.
What's wrong with those people? Bakit ang sasama ng tingin nila sa amin? Ot should I say, sa AKIN LANG?
BINABASA MO ANG
Just hold on
RomanceWrote this one way back 2017. I know the story's cliché but I just wanted to try and see if anyone would appreciate it. I'm not a writer po pero I got so inspired before kaya I came up with this.