Chapter1

4 0 0
                                    

David-

Amg tatay ko ay isang construction worker, at ang nanay ko ay nagtatrabaho sa Kuwait. Minsan nagtatricycle ang tatay ko para pandagdag sa amin, pero hindi pa rin iyon sapat kaya nagpasya ang nanay ko na magtrabaho sa ibang bansa. Simple lang din ang buhay namin,nakatira sa probinsya. Ganon lang ang buhay namin.

Si Maricar. Sya ang pangalawang babae sa buhay ko. Siya ang girlfriend ko. Mahal na mahal ko 'yon, wala na yata akong mahihiling sa buhay ko kundi ang manatili sya sakin, yung panghabang buhay ko na. Sya lang ang gusto ko. Parehas kami ng paaralan na pinapasukan, heto nga at nasa daan na ako para sunduin sya, sabay kaming papasok.

"Tao po." tawag ko pagdating ko sa tapat ng bahay nila.

"Oh, kanina ka pa dyan? Halika na." bungad sa akin ni Maricar. Ito ang kumukumpleto ng araw ko.

"Kararating ko lang." ngumiti ako sa kanya at kinuha ang bag nya. Pink na may halong violet ang bag nya, pero wala akong paki, boyfriend's duty. At gusto ko naman ang ginagawa ko.

"Ako na. Magaan lang naman 'to noh." sabi nya sa akin.

"Ako na. Ayokong nahihirapan ka." Tumawa sya at kinurot ako sa tagiliran. Ang ganda nya.

"Tse! I love you mahal." Sabay yapos nya sa akin. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"Mas mahal kita." nginitian ko sya at hinalikan ang noo nya.
Pagkarating namin sa School ay inihatid ko na sya sa room nila, hindi kasi kami magkaklase eh.

"Bye. Salamat sa paghatid. Pasok ka na din okay?" ngiti nya sa akin.

"Opo boss." humagikhik sya at umiling iling. "Oh sige na." Pumasok na sya sa room nila at ako naman ay naglakad na papunta sa room namin. Sa totoo lang, gantong pagkakataon lang kami nagkakausap, pag nasa School. Dahil kapag nasa kanya kanya na kaming bahay ay wala na. Wala pa kasi akong cellphone. At yon ang hinihiling ko kay Mama ngayong malapit na ang kaarawan ko.

Ang Cellphone.

-
A/N: Based from a true story. I've just watched his video in facebook. Then, my heart breaks after watching his video. I pity him because of his attitude. But, i just want to share his story. The Characters name is not mention in the video so i think for it. It's just a short story. <'3

Date Started:
09/04/15

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Damn Truth of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon