Q: Feeling ko gusto ako ng gusto ko. Anong gagawin ko?
A: Hahaha! Ganyan din ako. Magfefeeling na gusto n'ya ko pero sabi ko sa sarili ko na, 'Ay hindi kasi iniisip ko lang 'yun eh' First of all, huwag kang mag-feeling na gusto ka n'ya kasi feeling mo lang 'yun eh, it's your own opinion.
Second, huwag kang mag-assume kasi masasaktan ka lang. Paano na lang kung mahal mo 'yung tao at nag-assume ka at malaman na meron pala s'yang ibang mahal? Edi, masasaktan ka lang.
Try mong obserbahan 'yung tao at kung tama nga ang hinala mo, baka nga meron din s'yang gusto sa'yo. And lastly, huwag mong pangunahan ang sarili mo kasi hindi ikaw 'yung tao.