Classroom

2 0 0
                                    

Uy mga friend! Gosh alam nyo ba kahapon (9/4/2015) nalipat kami sa iba't ibang section dahil ginamit ng section 1 ang classroom naming mga section 7, ewan ko kung bakit, yung iba nalipat sa section 9 yung iba sa 3 sa 1 at sa 11 pero ako nalipat ako sa section 5 kasama ko sila alliah, aravela, krizy, ginbo, renante at dylan AT masasabi ko na yatang BEST DAY EVER ko yun, gosh! Sino ba namang hindi matutuwa at kikiligin kapag napunta ka sa section ng CRUSH mo? Hahaha oo tama ang iniisip nyo, napunta ako sa section ng crush ko at for the first time kong malipat sa section 5 kase dati kapag absent yung adviser nililipat ng ibang section at kapag ako ay nalipat puro sa section 1, 3, 9, 11 at 13 kahit kelan hindi pa ako nalilipat sa section 5 NGAYON palang AT kung kelan ko pa sya crush tsaka pa ako nalipat sa section nya. Hahaha grabe BEST DAY EVER na talaga, hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yun hahaha. Pero syempre wala namang nangyaring kakaiba. But.....when im writing my name in my hand, tinignan ko sya saglit, and i saw him looking at me too but that's like a thunder kase bigla syang umiwas ng tingin, but di ko talaga maiwasang mapangiti sa TUWING nag kaka eye contact kami kahit walang pang 1 segundo. Maraming beses narin kaming nag ka eye contact. Kuwento ko sa inyo. Nung break time na, kami nakapila na pabalik sa room namin kase maaga kaming pina recess at habang nasa pila ako, kung ano-anong ginagawa ko noon, natauhan lang ako nung tumingin ako sa taas (sa building ng grade 2 sa second floor) nakita ko sya hindi ko lang sya nakita basta basta, nakita ko rin sya na nakatingin sakin, then nung alam nyang nakita ko sya habang nakatingin sya sakin umiwas sya, then i realize na gosh kung ano ano pa namang ginawa kong kabaliwan habang nakapila ako tapos malay mo kanina pa sya nakatingin, edi parang inisip nya na immatured ako or nababaliw ako

well......

Totoo naman

Eto pa isa......

Nung papasok na ako sa school namin mga bandang 5 yun ehh, nakita ko sya, nakita ko sya na palabas ng school may bibilhin yata sa labas, kase ganun kami ehh, lalabas ng school kapag may nakalimutang bilhin, pero pwede ka lang lumabas kapag wala pa yung guard kase pag andyan na bawal ka nang lumabas. Then eto na nga, nakita ko sya na palabs ng school tapos may dalawa sya kasama na nasa harap nya, then nakita nya ako, nakita ko rin sya, so bale nag ka eye contact nanaman kami then pagkatapos non, nagtago sya sa likod ng dalawa nyang kasama tapos ako dire-diretso lang papuntang classroom namin,

Eto pa..... Madami kase yun ehh

Nung uwian na namin pinapila muna kami sa tapat ng room namin kase hihintayin pa namin na matapos mag linis nung cleaners, then habang nakikipag asaran ako sa isa kong classmate boy ( | lalaki | babae| kase yung pila) kase sabi nya mahaba daw leeg ko mukha ba naman daw akong giraffe! Ehh mataba kase sya sabi ko naman sa kanya "ikaw nga walang leeg eh!" then tapos non lumingon ako sa kanan ko then yun na nga, nakita ko sya na nakatingin sakin tapos may takip na panyong kulay white yung bunganga nya tapos kasama nya pa yung lalaking classmate nya na taga dito lang samin then umiwas nanaman sya, tapos non umiwas din ako ng tingin

Pero hindi naman LAGI sa tuwing magkikita kami accidentally ay nag kakatitigan kami, meron ngang mga araw na sa tuwing makikita ko sya di ko sya pinapansin. Medyo may pagka snober kase ako minsan dati nga nung grade 4 pa ak noon may mga araw sa school na hindi aki nag sasakita pwera nalang kapag pinapabasa syempre kailangan ko ding magsalita, baka mapipe ako

At alam nyo ba na nung grade 4 magkatabi lang kami ng room ng crush ko nung grade 5 lang nag simula kase nung grade 4 ako nakikita ko sya kayalang hindi kagaya ngayon na sa tuwing makikita ko sya napapangiti ako ng patago kase nga dati nung grade 4 ako, kase grade 6 ako ngayon, nung grade 4 ako wala pa akong gusto sa kanya noon, nagsimula lang siguro ako mag kagusto sa kanya nung grade 5 ako mga Oct. Yata or Nov. 2014 pero nung grade 4 ako may nagkagusto din sakin NA classmate nung crush ko nung grade 4 pa yung crush ko, hanggang ngayon may gusto parin sya sakin

Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko? O sya bang kumakatok sa puso ko? Ohhh~ anong paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko? Na lilitong litong litong lito~. Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon