Chapter 4

2.3K 99 6
                                    


"Ikaw ang hinihintay ko, Hyacinth." Tumaas 'yung kilay ko at nilingon ulit sya dahil sa sinabi nya.

"Bakit?" Tanong ko sakanya pero ngumiti lang sya sakin.

Baliw.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa mga tricycle kahit na nararamdaman kong sinusundan niya ko. Pakiramdam ko tuloy may stalker ako.

Sumakay ako sa tricyle para makaalis na pero ang walanghyang lalaki ay sumakay din sa loob.

"Russel!" Sigaw ko sakanya pero hindi nya ko pinansin.

"Manong, sa Brill Village po." Hindi ko na talaga kayang manahimik dahil sa sinabi niya.

"Don't tell me sasama ka sa bahay?" Maarte kong tanong sakanya pero tumawa lang sya sakin. Oh ghad, please remind me that he's my friend's boyfriend dahil kung hindi ay baka tinulak ko na sya palabas!

"Init ng ulo natin, ah?" Mapang-asar nyang sabi. Huminga lang ako ng malalim ng ilang beses dahil naiirita na talaga ko sakanya.

"Bakit ka nga pala nagustuhan ni Gio? Ang sungit-sungit mo naman," pagpapatuloy nya. Tumingin ako sakanya para ngumiti.

"Maybe because Gio felt my sweetness." Sabi ko sakanya na may kasamang irap.

"I want to feel that, too." Bulong nya. Hindi ako bingi para di marinig 'yun, at hindi rin ako tanga para pansinin yung sinabi nya.

"Salamat, Manong." Nag-abot ako ng bayad bago ko itinulak palabas si Russel para makalabas ako sa tricycle.

"Bakit ikaw ang nagbayad? Dapat ako-"

"Manahimik ka na, bayad na diba? Wala ka ng magagawa." Sabi ko sakanya. Naglakad ako palapit sa gate ng bahay bago ako lumingon sakanya ng naka-crossed arms.

"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko sakanya.

"Kasi sumakay ako sa tricycle at-- ouch!" Reklamo nya nang hinampas ko sya ng bag ko.

"Wag kang Pilosopo! Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko sakanya pero bumugtong hininga kang sya.

"Girls are so nosy." Sabi nya na parang disappointed.

"Nosy? Abnormal ka ba? Tinatanong ko lang kung bakit nandito ka sa tapat ng bahay ko, dahil teritoryo ko 'to. Fine, dyan ka sa labas." Binuksan ko kaagad yung gate at iniwanan sya sa labas. Tsk! Itetext ko si Lianne mamaya na pinagti-tripan ako ng boyfriend nya dahil busy sya! Ugh!

Sa susunod nga, pipilitin kong sumabay kay Lianne.

Pumunta ako sa kwarto para magbihis at maglinis ng katawan, binibit ko ang laptop ko pababa para dito ako gagawa ng assignment habang ka-chat ko ang ka-partner ko. Baka makatulog ako kapag nasa kwarto ako.

Nathaniel:
Miss sungit, hinahanap ka ni Prince sakin kanina.

Hyacinth: About ba doon ang assignment natin? Tsk.

Nathaniel: Sinasabi lang, e.

Hinayaan kong ma-seenzoned sya. Nagugutom ako kaya mabilis akong naglakad papunta sa kusina para kumuha ng isang yakult at isang sky flakes. Pabalik na ko sa upuan ko nang nakita kong may nakasandal sa gate.

Don't tell me si Russel 'yun?! Tsk!

Mabilis akong lumabas ng bahay at pinuntahan sya. Aba! Hindi nga ako nagkakamali! Sya nga ang nakasandal sa gate.

"Hindi ka parin umuuwi?" Tanong ko sakanya. Nilingon nya ko nang masama ang tingin sakin. As far as I know, wala akong kasalanan sakanya.

"Damn, Hyacinth. Tama bang iwanan mo ang bisita mo dito?!" Pasinghal nyang tanong kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"This is my house. Pwede akong mamili ng papapasukin sa bahay o hindi." Sabi ko at sumandal pa sa gate habang sya ay nasa labas parin at halatang naiirita.

"I'm your bestfriend's boyfriend." Madiin nyang sabi.

Ohh, bestfriend ko pala si Lianne. Di ako aware.

"You are Lianne's boyfriend, Russel. Naisip mo ba na kapag may nakakita sayo na nandito ka ay baka mag-isip sila ng masama?" Tanong ko sakanya habang pinapasadahan sya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Naisip mo rin ba na walang nakakaalam ng bahay mo? Kaya nga sumana ako sa'yo dito para walang may mag-isip ng masama." Sabi nya sakin. Inirapan nya ko kaya natawa ako.

"Why are you here?" Tanong ko. Huminga sya ng malalim bago sinalubong ang tingin ko sakanya.

"I need your help." Sabi nya at nag-iwas ng tingin.

"Saan?" Tanong ko. Bigla kong naisip na papasukin sya sa bahay dahil binigyan naman nya ko ng sandwich kaninang umaga.

Binuksan ko na 'yung gate para makapasok sya sa loob. Ni-lock ko yun at naglakad na papasok ng bahay habang sya ay nakasunod sakin.

Nakita kong nag-hubad sya ng sapatos nya at inilagay 'yun sa gilid ng pinto bago pumasok. Iminuwestra ko ang sofa sa gilid kaya umupo sya doon.

Ito ang ayaw ko kapag may bisita. Tsk.

"Juice?" Tanong ko pero umiling lang sya.

"Wag na baka lasunin mo pa ko--"

"Medyo makapal ang mukha mo." Sabi ko sakanya. Ngumiti lang sya at umiling.

"I need your help. Ayoko ng mag-tagal dito dahil baka palayasin mo pa ko." Nag-crossed arms lang ako at hinintay ko ang sasabihin nya, pero may naisip ako bigla.

"At paano mo naisip na tutulungan kita?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ko alam, but I can't ask for Pen's help dahil hindi sila ayos ni Lianne kaya ikaw ang naisip kong hingan ng tulong." Paliwanag nya.

Nabanggit si Pen at Lianne so, I bet it's all about Lianne.

"For Lianne ba 'to?" Tanong ko. Marahan syang tumango at ngumiti sakin. "What kind of help ba?" Dugtong ko.

"Second anniversary namin after two months. I want it to be special. Please help me." Seryoso nyang sabi sakin. "I want her to feel special."

Tinaasan ko sya ng kilay dahil tinaasan ako ng balahibo sa tono ng boses nya, isama na rin ang napaka seryoso nyang tingin sakin.

Damn, Lianne. Ito ba ang sinasabi mong maiinlove sa iba? E, mukhang baliw na baliw sa'yo.

"Sure." Sagot ko sakanya.

How can I say no with my friend's guy? He's willing to do anything to make Lianne happy.

Love Is A BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon