OPM vs. KPOP

383 2 5
                                    

Maraming nag sasabi na wala na daw ang OPM dahil yun sa pag usbong ng KPOP. Para saakin kasi nasasa tao yan, kung sa puso mo may OPM pa edi hindi pa to wala, pero kung ang nasa puso mo eh puro KPOP malamang wala na ngang natitirang OPM jan sa puso mo.

May nag sasabi nin na hindi na kakasunod ang OPM sa larangan ng musika, hindi katulad ng KPOP, sikat na sikat. Sa totoo lang nakakasunod po ang OPM, sikat din to saaming pandinig, hindi niyo lang alam kasi KPOP ang sinusundan niyo. Wala namang problema sakin kung maka KPOP kayo, ok lang yan! Kanya kanyang trip lang yan sa music eh, kaso ang nakakainis don, yang mga fans ng OPM at KPOP eh nag babash. Sinisiraan nila ang isa't isa. Ang OPM eh sinisiraan ang KPOP, ang KPOP mag papasaring sa OPM. Pano naman po tayo uunlad niyan?

Pwede naman siguro na, wala na lang pakeelam diba? Kanya kanya tayo ng hilig. Respeto lang sana. Sabi nga ni Sir Chito Miranda, kanya kanyang taste lang yan sa music. So sana naman mag respetuhan nalang, minsan kasi yung mga KPOP pinoy fans eh pinapaintindi nila sa OPM rock fans kung bat nila nagustuhan ang genre nayon, at eto namang OPM fans eh hindi maintindihan, nag papaliwanag din sila sa mga Kpopper pero hindi din nila maintindihan. Kaya mas mabuti pa na "Keep calm and listen to your biased" nalang diba? 

Ang kinakainis ko sa mga KPOPper eh yun bang marinig lang nila yung name ng "biased" nila, nag tatatalon na sila sa tuwa at kilig. I know gwapo sila pero dapat bang mag tatarang ka jan sa isang tabi habang tinitignan mo sila? Tama ba na para kang baliw jan na mangiyak ngiyak na? Srsly ganyan ba talaga tayong mga Pilipino? Pag nakita nila ang idolo nila kulang nalang eh sambahin nila to. Yan ang kinaiinis ko sa IBANG fans ng kpop.

Ang kinakainis ko naman sa OPM eh yun bang pilit na inaalis ang KPOP sa sistema ng kabataan ngayon, yea I don't like KPOP pero wag naman natin tong alisin sa kanila kung ito ang nakakapag pasaya sa kanila. Tayo ba pinilit na kailimutan nalang ang OPM? Hindi diba? So respeto lang, respetuhin natin sila para maka-gain din tayo ng respect galing sakanila.

All in all, gusto ko lang sabihan ang mga nandito na Kpopper na hindi corny ang OPM, search for our local bands and you'll find them really awesome! Ok lang na mahalin niyo ang KPOP basta't wag lang kalimutan ang sariling atin.

Sa mga indie naman dito, hello sainyo! Keep rocking sir and ma'am! Hayaan natin ang mga KPOP fans kasi habang nandito naman tayo, hinding hindi mamamatay ang OPM diba mga sir? Makinig nalang tayo sa mga trip nating mga musika!

Nag mamahal,

Nick Nick

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OPM vs. KPOPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon