My Secret Crush

406 3 0
                                    

Yesterday I searched what Crush means on Google and Google answered:

"Crush is the person you Love that will never be yours."

Naranasan mo na bang magkaCrush sa isang taong parang napakahirap abutin?

Yung feeling na kahit anong effort ang gawin mo hindi ka nya mapapansin?

kung EFFORT lang naman ang paguusapan, siguro nagawa ko na lahat.

tulad nalang ng...

Pagsulat ng love letter at ilalagay lahat ng feelings mo para sa kanya tapos magpapakilalang secret admirer at ihuhulog sa locker ni Crush?

Iaadd as a friend sya sa Facebook at ililike halos lahat ng posts nya?

Ifofollow sa Twitter at ireretweet ang mga tweets nya?

magpapaalam sa teacher na pupunta sa comfortroom yun pala titingnan lang kung anong ginagawa nya?

kukunin ang cellphone number nya, itetext sya at nagpapakilala ng ibang pangalan?

tatawagan sa cellphone at irerecord ang boses nya?

nanakawan sya ng pictures habang tumatawa, natutulog sa klase, pinapagalitan ng teacher, kausap ang barkada nya, nangongopya sa katabi, nakatulala o kahit nakatalikod?

babanggain sya habang naglalakad tapos ihuhulog mo yung mga librong dala mo at mageexpect na pulutin nya o magsosorry sya?

sisingit ka sa pila para lang maamoy sya?

tititigan sya habang kumakain o kaya may ginagawa tapos kapag tumingin na sya magpapanggap ka na kinakausap mo yung mga kaibigan mo?

magdadaydream tungkol sa inyong dalawa habang naglelesson si Sir tungkol sa Evolution of Human being?

ifflames ang pangalan nyo kapag boring ang Filipino subject?

gagawaan sya ng doodle sa backpage ng notebook mo kapag inaantok o kaya nag pproblem solving sa math?

kukunin lahat ng informations tungkol sa kanya simula nung bata pa sya, anung buong pangalan nya, kelan ang birthday nya, saan sya nakatira, favorite color, anung brand ng tshirt, pants o kahit brief na suot nya?

Hihintayin mong mag 12:00 midnight para lang igreet sya ng Happy birthday?

haaay. alam ko naman na pinapaasa ko lang ang sarili ko na baka magustuhan nya rin ako.

Pero masisisi nyo ba ako kung yun lang ang kaligayahan ko?

Ang humanga sa isang tanga na hindi marunong makahalata. yan si Crush! :))

--------

first time ko pong gumawa ng story dito sa Wattpad hindi ko po alam kung magugustuhan nyo. :) please vote/comment para po alam ko kung itutuloy ko pa o hindi na. Thank you for Reading! kung meron man. hahaha. :3

-nagmamahal, Charo Santos. jk! author

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Secret CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon