laro ng kamatayan 7

87 2 0
                                    

laro ng kamatayam

7

Dead on arrival sa hospital si conrad. napaiyak silang tatlo dahil do'n. hindi sila makapaniwalang wala na ito.

nabuhayan sila ng loob dahil pa si aj. malubha ang lagay nito at nasa loob pa ng intensive care unit. 

hindi raw sigurado kung makakaligtas pa nga ito. kaya ipinasiya ni rose kasama sina arman at jeralyn na magdasal sila.

para sa katahimikan ng kaluluwa ni conrad. at para sa kaligtasan ni aj.

napakagat-labi si rose nang makita ang bangkay ni conrad sa morgue. si mrs.viray na ina nito ay nagpalahaw ng iyak bago ito nahimatay.

tatlong araw nang nakaburol si conrad no'n nang ilabas mula sa ICU si aj. ligtas na ito sa kapahamakan.

nang dalawin ito ni rose ay iyak ito ng iyak habang nagkukuwento sa kanya tungkol sa nangyari.

"hindi kaya ung narinig mong boses sa banyo na nag-uutos sa iyong maglaslas ng pulso ang siyang narinig ni conrad habang nasa kotse kayo?"

"pero boses ko raw ang naririnig ni conrad no'n. kaya galit na galit siya. pero hindi naman ako nagsasalita no'n, rose. maniwala ka."

"naniniwala ako sa iyo, aj. at iniisip ko rin na ang may kagagawan ng mga ito ay ang kaluluwang nakausap natin nang maglaro tayo ng ouija board."

natakot si aj sa narinig.

"anong gagawin natin, rose?" 

"hindi ko rin alam, aj. tulad mo ay takot na takot din ako."

"si conrad, rose? magkatabi lang ba kami ng room?"

hindi agad nakasagot si rose.

paano niya sasabihin kay aj ang totoo? na patay na si conrad at ngayon ay nakaburol na ito? na three days from now ay ilibing na ito?

"rose..."

"ha?"

"si conrad?"

bumakas ang lungkot sa

mga mata ni rose ng mga sandaling iyon. 

"aj, huwag ka sanang mabibigla."

"bakit? malubha na ba si conrad? unconscious pa rin ba siya hanggang ngayon?"

"no, aj. higit pa ro'n."

"what do you mean? 

"patay na si conrad. three days na siyang nakaburol. at sa saturday ay ililibing na siya."

nagitla si aj. bakas sa mga mata nito ang pagkabigla.

pinilit makapunta ni aj sa libing ni conrad nang sumapit ang araw ng sabado.

past seven na ng gabi nang ipasiy nila rose na umuwi. inihatid siya ni arman sa kanilang bahay. 

wala siyang ganang kumain kaya matapos niyang magpalit ng bihisan ay nahiga na siya sa kama.

hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog. nagising nalang siya na nasa silid niya si aj at nakatayo ito sa tagiliran ng kamang hinihigaan niya. 

"aj, anong ginagawa mo rito...?" maang tanong niya sa kaibigan.

bumangon siya at naupo sa kama. 

"paano kang nakapasok dito sa kuwarto ko?"

"pinapasok ako ng lola mo."

"gabi na."

"oo nga, eh. hindi kasi ako mapakali sa amin. puwede bang dito ako matulog sa tabi mo, rose."

"sige, halika. mahiga ka rito."

bahagyang umusod si rose sa bandang kaliwa ng kama para makahiga si aj.

pumikit na ulit si rose. pero muli siyang dumilat nang maramdaman niyang biglang humangin ng malakas.

nanlaki ang mga mata niya nang makita ang animo ng isang lalaki malapit sa bintana ng kuwarto niya. nakatingin ito sa kanya....no, hindi paka sa kanya kundi...kay aj?

ikinuot niya ang noo nang unti-unting lumalapit ang anino sa kamang hinihigaan nila ng kaibigan. 

hindi siya halos humihinga. takot na takot na siya. alam kasi niya na kung sino man ang nagmamay-ari ng aninong ito ay hindi ito tao.

maaaring isang spirit.

nang malapit na sa kama ang anino ay saka nagkahugis ang mukha nito. 

nanlaki ang mata ni rose nang makilala ito.

'si conrad!'

parang ibig niyang sumigaw pero walang boses na gustong lumabas sa lalamunan niya ng mga sandaling iyon.

lumigid si conrad at lumapit ito sa hinihigaan ni aj.

pigil ang paghinga ni rose.

ano ang gagawin ni conrad?

"aj..."

dinig ni rose ang bores ni conrad. parang nagmumula iyon sa isang malalim na balon.

"diyos ko!"

"aj...aj...gumising ka..."

naramdaman ni rose na gumalaw si aj. gumalaw din siya upang tingnan.

dumilat siya ng kaunti upang makita niya ang nangyayari. nakita niyang dumilat si aj at nang makita si conrad ay bahagyang nagulat ang dalaga.

"conrad...?"

"ako nga, aj."

"bakit andito ka?"

"i came here for you."

"conrad.."

"nalulungkot ako,aj. miss na miss na kita. ayokong mag-isa."

"nalulungkot din ako, conrad. kasi hindi kita makikita at makakasama. kung may magagawa lang ako..."

"may magagawa ka, aj"

"ano?

"sumama ka sa akin."

nanlaki ang mga mata ni rose sa narinig.

isinasama ni conrad si aj?

pero kapag nangyari iyon ay mamamatay na rin si aj!

"sumama ka sa akin, aj."

inilahad ni conrad ang isang kamay nito sa dalaga, saka dumilat si rose.

"huwag, aj!"

napatingin sa kanya ang dalawa. si conrad ay matalim ang mga mata nang tumingin sa kanya.

natakot siya pero kailangan niyang iligtas si aj.

"kapag sumama ka sa kanya ay mamamatay ka na, aj!"

"rose..."

tumingin si aj sa kanya bago ito muling bumaling kay conrad.

"sasama ako sa kanya, rose..."

"sasama ako sa iyo, conrad."

nagulat si rose sa sinabi ni aj. lalo na nang hawakan nito ang kamay ni kevin.

"aj...no!!"

"HALIKA na sweetheart."

nilingon ni rose si arman nang marinig niyang nagsalita ito.

"tayo na lang ang naiwan dito. umalis na rin si tita monina."

ang tinutukoy ni arman ay ang tita ni aj.

ngayon ang libing ni aj. samantalang noong isang linggo lang unang inilibing si conrad.

naalala ni rose nang gabing kasama niya si aj, panaginip lang pala iyon. pero sa sobrang takot ay tinawagan niya si arman.

tumawag ang mama ni aj na sabihing patay na ito. 

ngayon ay mas lalo siyang natatakot. pagkatapos nina conrad at aj ay sino naman ang susunod na mamamatay sa kanila?

siya ba? si arman? o, si jeralyn.

napapikit si rose.

natatakot siya. takot na takot siya...

"LARO NG KAMATAYAN"...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon