Unang Kabanata

84 6 6
                                    


- ~ - ~ - ~

Tiffany's POV:

Parang na-blanko ang aking isip nang marinig ko ang mga salita noong babaeng may pagka-pula ang buhok at magandang mukha.

Year 3000? Paano naman ako mapupunta at napunta dito? Imposible. Wala namang time machine. At mas lalong hindi ako humiling sa isang shooting star na mapunta sa Year 3000. Pero... Inaamin kong naisip ko nga kagabi kung paano mamuhay ang mga tao sa taong Ikatatlong-libo. At hiniling ko ding mabigyan ako ng tsansa para malaman ang kasagutan sa aking katanungan.

Ngunit,hindi ko naman akalain na mapupunta talaga ako dito. Baliw na ba ako?

"Hello?! Earth to Aleixcha!" Sabi noong babaeng maganda habang winawagayway ang kanyang kamay sa harap ng aking mukha.

Nandito pa rin kami hanggang ngayon sa bahay kung saan ako nagising kaganina.

Nako. Sigurado akong nag-aalala na sa akin sina Mama at Papa. Haayy...

"Sino ka nga ba kasi? At nasaan ako? Paano ako napunta sa taong 'to?" Pagtatanong ko.

"Woah there,calm down. Isa-isa lang ang tanong,pwede? At kung pwede din,wag masyadong malalim ang tagalog. Di ko ma-reach sa sobrang lalim." Sabi nito habang tumatawa.

"Anyway,dahil mukhang nabaliw ka na naman,I'm going to introduce myself again. I am Raven Cavouxgh. 18 years old din kagaya mo. And to answer your last two questions,we are currently here in your apartment in Manila. And to tell you kung paano ka napunta sa Year 3000,that's because your Mom gave birth to you on March 3,2982. You get it now?" Sabi ni Raven.

Marso Tatlo Ika-dalawanglibong siyamnapu't walong dalawa? Hindi ayun ang araw nang aking pagkapanganak.

"Hindi! Hindi mo ako naiintindihan! Galing ako sa taong 1960's! Ako si Tiffany Cruz!! At tulungan mo akong makabalik sa mga magulang ko! Parang awa mo na!" Pagmamakaawa ko. Ngunit mukha namang walang pakialam si Raven sa mga sinasabi ko.

"Gosh. Remind me to never let you get drunk again." Sabi niya habang minamasahe ang kanyang noo.

"I know what can make your craziness go away." Sabi niya habang nakangiti.

"Hindi naman sa nababaliw na talaga ako,pero interesado ako sa sinasabi mo." Sabi ko din habang nakangiti.

"We're going to the mall!" Sabi niya ng mayroong malaking ngiti sa mga labi niya.

"Talaga?! Matagal tagal na din akong hindi nakapunta sa mall. Sige. Sandali lamang at ako ay magbibihis." Sabi ko bago umakyat sa hagdanan.

"Please. How many times do I have to repeat... Speak normally,Aleixcha. This is not so you." Sabi ni Raven habang nakataas ang isang kilay niya.

"Anyway,I'm going to take a bath in my apartment first. Bye."

Hindi ba normal ang aking pagsasalita? Paano ba magsalita ng regular? Tagalog naman ang aking mga salita?

Pagkapasok ko ng kwarto ko,kumuha ako ng tuwalya upang gamitin sa aking paliligo.

Pagpasok ko sa banyo,binuksan ko ang ilaw ngunit laking gulat ko nang hindi pamilyar ang itsura ng paliguan.

Alam ko. Wala ako sa bahay namin,ngunit para bang mas moderno ang paliguan.

Umiling na lamang ako at tinanggal ang aking mga damit. Mga damit na sigurado akong  hindi sa akin dahil hindi ito ang aking suot-suot kagabi.

Hmm... Paano ba papaganahin 'tong paliguan na'to?

Nang may nakita akong ikutan,agad ko itong sinubukan at inikot.

Year 3000Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon