Chapter One(First Day of School)

7 1 0
                                    

June 2009

        "Hoy, babae wala ka bang balak pumasok at tapusin ang paghihintay ko kung kailan ka lalabas? O baka naman gusto mong magpaespesyal mention sa flag ceremony niyo as LATE COMER?" Ang sigaw ni Vien sa labas ng kwarto ko.

      "Eto na nga lalabas na." Sabi ko habang nagsusuot ng high socks, alam ko naman di ako malalate dahil bukod sa nag-alarm ako ng orasan, eh alam ko naman pag unang pasukan 8:00 am ang simula ng flag ceremony namin kaya imposibleng mangyari ang iniisip ni Vien kanina.

      "Ano bang pinagkaabalahan mo kagabi babae ka? Let me guess magdamag ka naman online sa facebook at nakikipagchitchat sa mga kaklase mo no?! O kaya, magdamag ka naki-update ng nangyayari sa ultimatum mong crush  Koreano!!!" Sigaw pa rin Vien ng hindi pa ako lumalabas ng kwarto ko.

     "Pumapangit ka ATE pag sumusigaw ka alam mo ba yun?" Sabi ko habang binubuksan ang pinto, at talagang binigyan ko ng diin ang pagkakasabi ko ng ate.

     "At sino naman may sabi sayong panget ako, ng mapatay! Balhag ata siya at di nakikita ang natural na ganda sa tiis ganda at wag na wag mo nga akong matawag tawag na ate kung hindi kukutusan kita feel ko tuloy tumanda ako ng ilang dekada sa pagbanggit mo ng ate sa akin eewww."

     "Sino ba may sabing pangit ka a---." Di ko natuloy ang sasabihin ko dahil lumabas si Kyroc sa kwarto niya dala ang unan.

    "Sh*t bakit ba agang aga eh palengke na naman itong mansion na 'to!" Sabay bato sa amin ng unan niyang dala-dala na agad naman namin naiwasan.

     "Eh kasi itong Jeul na 'to agang aga din sinabihan ako ng pangit at ATE!" Sabay turo sa akin ng kanyang deadly weapon na nguso.

    "Paano kasi si Vien, agang aga din akong, binulahaw ng kanyang bomberang bunganga." Sabi ko habang tumatawa at nilalapitan si Kyroc para mag good morning kiss.

     "Teka anu bang oras na? Late na kayo ah." Pag-iiba ni Kyroc ng makalapit na ako sa kanya.

     "7:30. Ala, oo nga!" sabay na banggit namin ni Vien at sabay ng karipas pababa ng hagdan. Narinig ko pa ang malakas na tawa ni Kyroc, ganito talaga kami, aakalain ng nakakarinig ay nag-aaway kami. Kahit si Daddy at Mommy hindi alam na ganito kami, dahil na rin sa lagi sila nasa ibang bansa minsan naman nasa ibang lugar ng Pilipinas at doon nagpapayaman, pero kahit ganoon di nila kami pinababayaan. Open-minded kami sa kanilang trabaho kahit si Kyroc ay di nagrerebelde kung kulang sa pansin ng magulang ang pag-uusapan, dahil siya mismo ang nagsabi sa amin ni Vien, kung anu meron kami ipagpasalamat na lang namin sa magulang namin. Isang kilalang bussiness tycoon si Baxter Evaristo ang Daddy ko bago napakasalan si Esmeralda Lagdameo ang Mommy na isang simpleng haciendera ng mga Lagdameo.

      Sa totoo lang wala akong magagawa kung ipinanganak akong may gintong kutsara sa bibig, simple lang naman ako pero hindi naman ako matapobre gaya ng iniisip ng iba. Si Vien kahit mas matanda sa akin ng ilang taon sa kanya lang ako natuto sa akin ng mga kalokohan na kalimitang ginagawa ng mga kabataan na nasa edad ko din.

      I am a loner... I am a loner. . (kanta ng Kband na CNBLUE) ***Check them at youtube.. *** Tunog ng cellphone ko na pumutol sa pag-iisip ko, habang inihahatid ako ni Vien sa school.

"Hello?" ®__®?

"Hi! Nadja! Asan ka na?" tinig ni Polly

"Sino ka, naman?"

"Wag mo nga akong pinag sinu sino ka dyan, IFY I am your night mare last night haha."

--_-- me

"I'm on the way to our school, actually inaantay na lang kita sa labas ng gate kaya bilisan mo. Bye"

The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon