Let's Play Love

1.7K 34 10
                                    

Chapter A

-AVERY-

Takbo! Takbo! Takbo!

wahhhhhhh..... late na ko!!!!

firstday of school pa naman... nakakainis napuyat ako kakaisip kung anung mangyayari sa first day ko as a college student.... ngayon alam ko na its a FAIL! di ko pa mahanap yung room ko T_T

Takbo Avery malapit na malapit na siguro............

*boooogsh*

"aray!"  -ako

yung totoo pader ba yung nabangga ko ??  tumingala ako para tignan kung pader nga...

grabeeeeh.... ang gwapong pader neto! at naka tingin sya sakin....

pero teka.....

kelan pa nagkaroon ng mukha ang pader?

"aren't you gonna stand up? youre blocking my way.." - nagsalita yung gwapong pader

napahawak ako sa ulo ko...nahihilo talaga ko ang tigas kasi tapos bumagsak pa ko sa sahig.

"hey miss!" sigaw nya uli... napansin ko may kasama pala sya sa likuran nya.. apat lalaki baka dadaraan din sila..

"ahh..." mahina kong sabi.. biglang may lumapit sakin na lalaki at nag offer ng hand nya para makatayo ako.. kinuha ko yun at agad na tumayo.. pag tingin ko sa kanya nakangiti sya sakin..

OMO!!! CUTE!!!!

"be carefull" sabi nung cute guy na nakangiti pa rin

"takbo kasi ng takbo hindi naman field tong hallway" sabi nung gwapong pader..

di naman sya pader talaga parang pader lang tigas ng dibdib nya dun ata kasi ako tumama matangkad kasi sya sakin.

"oy. pader.... I mean mister.."   biglang natawa yung tatlo pa nyang kasama sa likod.. mukhang nagulat naman sya sa sinabi ko..

"di ko sinasadya yun.. nakita mo na palang tumatakbo ako kanina bakit hindi nalang ikaw yung umiwas? kasalanan mo rin eh!" sigaw at pagpapatuloy  ko..sa kanya sinigawan nya kaya ako kanina kala nyo di ko natandaan yon!!

 "don't shout.. I'm not a deaf" sabi ni pader..

"miss sorry ah, wag mo nalang pansinin si Daryl" sabi nung isang guy sa likod nya... napakunot noo ako. di naman sya ang may kasalanan bakit sya ang kailangan mag sorry, dapat itong mayabang na pader na Daryl ata ang pangalan ang dapat mag sorry noh. tinignan ko yung daryl baka mag sorry eh..

10 seconds..

20

40 seconds..

1  minute....

ayaw nya mag sorry... okay!

"SH*T! Aray! bumalik ka dito!!!" sigaw nya...

ako? tumakbo hahaha pagkatapos ko sya sikmuraan mabuti nga sa kanya.. sya din naman may kasalanan tapos di pa ko tinulungan! hmmmp bahala sya mamilipit sa sakit..,, nung medyo nakalayo na ko humarap ako sa kanila nakita kong namimilipit pa rin sya sa sakit at nagtatawanan naman yung mga kaibigan nya...

"mabuti nga sayo!!!! bleh!" sigaw ko sa kanya sabay belat akala nya hah...tumalikod na uli ako at tumakbo nung siguradong malayo na ko umupo ako sa isang bench na nasa ilalim ng puno magpapahinga muna ako tutal late na naman ako sa first subject  mamaya na ko papasok sa second may 1hour pa naman ako.... nagtataka siguro kayo kung sino ako.

I'm Avery Gonzales.. simpleng babae pero hindi simple ang buhay ko. syempre anak ako ng mommy at daddy ko haha mayaman ang parents ko.. may company ang dad ko at may business ang mom ko she's in hotel and restaurants. diba sila na mayaman... 19 years old nako pero ngayon pa lang ako magcocollege.. hindi sa tinamad ako or what.. I undergo on a heart surgery a year ago... ayaw pa nga ng parents ko na mag aral ako sa labas mag home study nalang daw ako pero di ako pumayag .. nagpumilit ako na dito mag aral at wala naman sila nagawa kundi pag bigyan ako mahal ako nun eh.. unica hija kasi ako. I have two elder brothers at ang gwapo nila pareho, syempre kung gwapo sila maganda naman ako hahahah maganda kaya lahi namin! swear! wag na aangal readers.. hehe ^___^ so, so much about me tsaka na uli ako magkukwento.

I started looking for my room nagtanung tanung ako at may nagsabi na sa E Building daw yng hinahanap ko.. oo nga naman ngayon ko lang napansin na puro letters pala ang pangalan ng  building dito... habang naglalakad ako madaming tumitingin sakin halos lahat sila...

[diba yan yung babae kanina..

yan yung sumutok kay baby daryl ko..

kala mo naman maganda..

pare chiks

ganda ano kaya pangalan nya]

Yan yung mga naririnig kong mga usapan nila... nabanggit nila yung Daryl baka yung gwapong mayabang na pader ang tinutukoy nila.. hayyyyy sana naman di ko na makita yung taong yun sa laki nitong university siguro naman di na kami magkikita nun baka sakalin ako nun pag nakita nya ko... grabe pa naman sya tumingin kanina nakakatakot.... nung makita ko na yung room, kumatok ako sa may pinto mukha kasing my prof na tahimik kasi nung medyo nakapasok na ko lahat sila tumingin sakin...

"Hello ^___^" nag wave ako sa kanila.. yung iba ngumiti yung iba dedma at yung iba tulala pero may isang nakakuha ng atensyon ko yung lalaking nakaupo sa likuran na kung nakamamatay lang ang tingin nya baka kanina pa ko nakalibing.....

"great..just great matatahimik pa kaya ako dito?" bulong ko sa sarili ko.

Let's Play LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon