Dedicated sa bestfriend ko.. "K" eh hahahaha.
-AVERY-
“aba, ngiting-ngiti princess namin ah” bati sakin ni kuya Bryan.
“masaya lang ako kuya!” cheerful kong bati sa kanya. Kadarating ko lang galing school. Hindi ko din alam na hanggang ngayon nakangiti pa rin pala ako. Kaya pala tingin ng tingin si Manong kanina sakin, baka akala nya nababaliw na ko at ngumingiti ako ng mag-isa. hahaha
“hmm, baka kung ano yan ha” biglang sulpot ni kuya Ryan galing ng dining area.
“mga kuya masaya lang talaga ako kase..”
“kase..?” sabay na sabi nila.
“k-kase a-no, ano basta masaya ako yun na yun hehe” hindi ko alam ang sasabihin ko. Di ko rin kase alam yung eksaktong dahilan kung bakit ako masaya.
“asus, naku alam ko na yang mga ganyan” – kuya ryan.
“may crush ka na noh!” sabay ulit na sabi nila na ikinalaki ng mata ko. Hala ano daw yun? Parang nabingi ako.
“eh?” yun lang ang nasagot ko.
“okay lang yan princess, crush lang naman. Pero wag ka muna mag bo-boyfriend bawal pa yun” – kuya bryan.
“eh? Crush? Boyfriend? Anong kinalaman nun sa paglilinis namin ng gym court?” literal na napapanganga yung dalawang kuya ko hahaha epic.
“eh bakit ang laki ng ngiti mo? Kung paglilinis lang pala ng court nyo ang nangyari sayo?” unang nakabawi si kuya Ryan.
“oo nga” pagsang-ayon pa ni kuya Bryan.
“eh kase.. kase.. ano” hala hindi ko alam sasabihin ko.
“teka sino ba kasama mo dun? Imposible naman na mag-isa ka lang naglinis nung gym dun eh ang laki nun diba” kuya bryan uli. Kaya nila alam na malaki ang gym dun kasi dun din nag-aral ang mga kuya ko nung college tapos mga varsity player pa sila.
BINABASA MO ANG
Let's Play Love
HumorKapag nagmahal ka hindi mo alam kung tama o mali ka, kung panalo ka o talo kana, kung sya na ba o may darating pa. kung ikaw pa rin o may iba na. Pero diba pagnagmahal ka minsan kahit mali pinaglalaban mo pa. OO ganun nga, sa pagmamahal kasi ko...