Chapter 24: Always Want You

38.1K 1.8K 80
                                    

UNEDITED. ENJOY READING!


DENISE



My eyes adjusted to the dim light covering the whole place. Gawa sa pilak ang mga pader. May mga kakaibang disenyo na nakaukit sa paligid. It looks like that the designs were from medieval period.



Hindi agad ako gumalaw. Pinagmamasdan ko ang mga kasama ko maging ang party nina Sky. Hindi ako kumukurap. I wanted to know everyone's abilities, strengths and weaknesses. This could help me to formulate better strategies. Unang gumalaw at umatake si Light. She struck the boss with her destructive spiral sound waves. Sobrang lakas ng ingay na nagmumula roon kaya napangiwi ako maging ang iba naming kasama. Pero napansin ko si Sky na hindi man lang natinag sa malakas at nakabibinging ingay. Hawak niya ang malaki at tila kumikinang na lance. It was made of silver and very stunning. I bit my lower lip, I couldn't take my eyes off him. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at nang magmulat, itinuon ko na ang pansin sa dungeon Boss.



"Those who can attack from afar, you can attack him now. But for those who can't, stay still and avoid every attacks from the boss. I'll figure things out for an effective attack," seryosong saad ko sa kanila. Sky smirked but didn't complain.



Fire, Phoenix, Ice and Angel started to move too. Maingat sina Fire at Angel sa pag-atake. Sila ang support ng Dark Fortress kaya hindi maaaring maubos ang mga mana nila sa pakikipaglaban. Sa ngayon, gusto ko lang malaman kung gaano kalakas ang dungeon boss. Maging sina Zeal, Light at Draco ay nakisabay na rin sa laban.



I stood still and alert since I'm still watching and calculating everything. Arrows, dual blades, fire, sound waves, thunder and other elements hit the dungeon boss. Halo-halong at pinagsama-samang lakas namin ang ginagamit namin pero tila hindi ito naaapektuhan kahit direktang tumatama sa katawan nito ang mga pag-atake. Napakaliit ng nababawas sa defense level at health points nito.



I hissed silently. I pulled the string of my Crystal Bow. I hit the dungeon boss with my Arrow of Destruction and critically hit it's head. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito na may hawak ng mahabang kadena na nagdudugtong sa dalawang malaking metal na bola. Hindi maikakailang mas malakas ang kapangyarihan at level ko sa iba.



Humigpit ang paghawak ko sa Crystal Bow. The dungeon boss started to move. Buong lakas na iniikot nito sa hanging ang dalawang malalaki at mabibigat na bola. The thorns were scary as hell. Tiyak na mabubugbog ang mga katawan namin kapag tinamaan kami. Hindi lang siguro buto ang mababali sa 'min, kundi buong pagkatao namin.



The monster started to sweep us on our positions using those two large metal balls. Tumalon kaming lahat at tumakbo sa iba't ibang direksiyon upang makaiwas sa malaking bola na paparating. Hindi pa gumagalaw ang boss sa kinatatayuan nito. Seryosong nakatingin sa 'kin si Sky habang tumatakbo siya sa direksiyon ko. Tumatakbo naman ako patungo sa kanya. He was holding his lance like it was nothing. It seems light for him.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon