Without You

11 1 0
                                    

I don't like him, I really don't.

Sino ba namang babae ang magkakagusto sa isang lalaking kasama sa palaging napapatawag sa principal's office dahil may kabalastugang ginawa?

Sa isang lalaking laging nangbu-bully ng kapwa nya kaklase, yung isang tingin pa lang nya sayo, mararamdaman mong kailangan mo nang magtago sa lungga mo?

Yung lalaking hindi takot kahit sa teachers, at ang nangyayari ay ang teachers na ang takot sa kanya.

Sabi nila, gusto nya ako. Nahahalata daw kasi nila. Pero iniisip ko, paano? Oo, nagkakausap kami kasi seatmate ko sya at palagi nya akong kinukulit.

One time nga pinipilit nya akong isulat yung pangalan nya sa papel nya nung may seatwork kami, e alam ko namang marunong sya magsulat kasi hello? Fourth year highschool na kami. Yeah, highschool pa lang kaya wala akong pakialam sa lovelife.

"Corrine, ako na ang gagawa nyang sa Arts mo." sabi nya sa akin sabay hablot ng papel at ballpen sa kamay ko. Hinayaan ko na lang, sanay na ako e. Atsaka, wala na din naman akong magagawa kung aayaw ako, batas sya e.

Tinalikuran ko sya at hinarap ko si Ken, yung seatmate ko rin. Close kasi kami nito at palaging nagkikwento sakin tungkol sa selosa nyang girlfriend. Natatawa na lang ako.

Puro tawanan na lang kami ni Ken dahil sa kakakwento nya kung paano sumabog na parang bulkan sa galit yung girlfriend nya ng makita yung picture nyang may kasamang babae. Ate lang naman pala nya yun. Kaya heto kami at tawang-tawa.

"Sayo na yang drawing mo!" natigilan kami sa pagtawa ng inilapag nya sa mesa ko ng padabog ang papel at pencil.

"Anong problema mo?" nagtatakang tanong ko kahit na may ideya na ako kung bakit.

"Wala! Magtawanan lang kayo!" Sigaw nya atsaka nagwalk-out at umupo sa tabi ni Andy, yung kabarkada nya.

Napailing na lang ako. I really hate him.

May papanoorin kami sa auditorium na movie, hindi ko lang alam kung anong relate ng movie sa Filipino.

Nang maupo na ako ay tumabi sya sakin. Kaya umusod ako.

"Bat ka na naman ba nandito?" mataray kong tanong sa kanya pero ngisi lang ang isinagot nya sakin.

"Doon ka nga! May vacant pa doon sa tabi ni Angel, doon ka na lang!" Sigaw ko at pinagpipilitang paalisin sya.

"Bakit ba lagi mo na lang akong tinataboy?" Uh-oh. I hit it. Galit na sya.

"E kasi lapit ka ng lapit sakin e!"

"Ayaw mong lumapit ako sayo? Ayaw mong makita ako sa tabi mo? Okay fine! Simula ngayon, hindi na kita guguluhin! Simula ngayon, hindi mo na ako makikita sa harapan mo!" Sigaw nya at padabog na umalis sa tabi ko at lumipat sa tabi ni Angel.

Nakita ko namang namula ang pisngi ni Angel kasi may gusto ito sa kanya, pero sya ay diretso ang tingin sa harap at parang walang pakialam. Galit nga talaga sya.

Lumipas ang ilang linggo ay hindi nya talaga ako pinansin o kinausap. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kulang sa akin sa mga linggong iyon. Hindi kasi ako sanay na hindi nya ako kinukulit, na hindi nya ako kinakausap at tatanungin ng kung anu-ano.

Hanggang sa isang araw, nakasagap na lang ako ng balitang girlfriend na nya si Angel.

And in that moment, my heart broke.

I never realized na gusto ko pala sya.

Sya pala ang kulang sa bawat araw ng linggo ko.

Ang sakit, napakasakit.

Firat time kong maramdaman to, parang gumuho ang mundo.

Tumulo ang luha ko ng makita ko silang magkasama. Bakas sa mukha nya ang ngiting sakin nya lang binibigay noon. Masakit man sabihin pero bagay sila.

Bakit ganito? Saka mo lang malalaman kung gaano sya kaimportante sayo kapag nawala na sya sayo? Kapag may nagmamay-ari na sa kanyang iba?

Kapag alam mong huli na?

I love you Dylan, hindi mo lang alam. I don't know what to do Without you.

(An: This is based on a true story. But it's not my story, mmkay? )

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon