Its been 2 years since naging KissMe ako. Halos lahat na ng album nila nabili ko, pati collectibles, photocards at official goods nila nabili ko na rin. Hindi ko alam kung bakit baliw na baliw ako sa grupong to. Its just i like their voices, their songs and their dance moves, ang galing kasi nila eh.
One time, niyaya ako ng friend ko sa isang kpop store. Pagpasok namin ang atmosphere ay parang nasa korea ka talaga, feel na feel mo ang essence ng kpop. Tumingin tingin na kami, halos lahat naman ng nandito tungkol sa U-KISS ay nabili ko na kaya hinayaan ko na lang na yung friend ko ang bumili.
Habang tumitingin ako may isang bagay that caught my attention. Isang U-kiss necklace na shape lips (yung logo ng U-kiss) and then nakaengrave yung salitang U-KISS. Isa na lang yun kaya kinuha ko na at binili.
"Oh, Mika, akala ko wala kang bibilhin?"
"Ah, eh, may nakita ako eh!"
"Ano yun?"
"Eto oh!"
"Ang ganda naman niyan. Mukang bagay nga sayo eh."
Oo nga pala, kwento ako ng kwento hindi pa ako nagpapakilala, by the way Im Mika. Pagkauwi ko sinuot ko na agad yung necklace, bagay na bagay nga sa akin. Simula non lagi na akong sinuswerte, katulad nung nagconcert ang U-KISS sa pilipinas, maswerte ako dahil malapit sa stage yung pwesto ko. Nameet and greet ko rin lahat ng U-KISS members, na kapag pasignature ako ng albums and photocards at nakapagpapicture pa.
Isang gabi, nakahiga ako sa kama ko at iniisip lahat ng maswerteng bagay na nangyari sa akin. Habang hawak ko yung necklace, sumagi sa isip ko na hindi kaya dahil sa necklace nato kung bakit ako sinuswerte? Ang laki ng pasasalamat ko dahil kung hindi sa necklace nato baka hindi ko magawa lahat ng yon. Pumikit ako habang hawak ko ang necklace at nagwish..
"Sana hindi mawala ang necklace nato at sana makita ko ulit ang U-KISS. Kahit isang beses lang makita ko sila at makausap. Hindi ko hinihiling na makasama sila, ang gusto ko lang makita sila at masabi na mahal na mahal ko sila at patuloy ko silang susuportahan."
Pagkatapos nun dumilat ako, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, wala ako sa kwarto ko. Nasan ako, hindi na ito ang kwarto ko? Nanlaki ulit ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko sa nakita ko. U-KISS? Totoo ba to? Nakikita ko ang U-kiss mismo sa harapan ko. Tuwang-tuwa ako sa mga nakikita ko.
"Annyeong haseyo, Mika imnida .. !"
Pagbati ko sa kanila pero hindi ata nila ako naririnig. Kahit anung sabihin ko at kahit gaano ito kalakas hindi nila ako marinig. Ano bang nangyayari? Papalapit sila sa akin at ang mas kinagulat ko ay tumagos lang sila sakin. Wow! Its getting weirder and weirder by the second. Napansin ko na kaluluwa na lang ako.
"Jusko, patay na po ba ako? Kaya niyo po ba pinakita ang U-kiss sa akin para bago po ako umakyat sa langit o kung san man ako dalhin eh napakita niyo na ang U-kiss sa akin. Jusko ko wag naman po, mabait po akong bata."
Para naman akong ewan, wala naman nangyari, siguro hindi pa ako patay, mamaya ko na lang aalamin ang nangyari sakin basta susundan ko muna ang U-Kiss. Sinundan ko ang U-kiss sa kwarto nila at sa sobrang saya ko nagtatatalon ako, sa hindi sinasadyang pangyayari dumaan sa gitna ko si Eli.
"Why is there smoke here?"
"Huh? What are you saying Eli? We're not smoking here."
"Uhh.. Nevermind!"
"Neverland?"
"Oh Shut up, Dongho!" -Nagpout si Dongho. haha cute :))
Oppss. Mali atang magsaya ako parang napapansin ako, kailangan ko pang magingat. So, ngayon nandito ako sa kwarto nila at nakikita ko silang masayang masaya. Yung iba may sariling mundo, yung iba naglalaro katulad ni Dongho at Soohyun na sobrang saya kakalaro ng playstation. Masaya ako, oo, pero habang tumatagal nalulungkot ako dahil hanggang tingin lang ako. Hindi man lang ako makapagselca sa kanila o di kaya makapagpasignature.