Dedicated sa new friend ko! :D
Tnx for supporting my stories sis!
Aerich’s POV
Gabi na pala, naku! Napasarap ako sa pag-eedit ng Articles! Editor-in-chief kasi ako ng newspaper ng school namin. Nagtetext na sa kin yung tatay ko nasaan na raw ako. Di na nga uli kami nagkasabay ni Shim kasi busy ako dito eh.
Inayos ko na yung mga Articles bago kinuha ang gamit ko at uuwi na, malayo pa naman ang bahay namin dito sa school. Kaya kailangan ko na magmadali.
Naghintay ako ng bus na masasakyan sa may waiting area malapit sa school. Gabi na talaga, past 8. Ganitong oras pa naman dito madalang na din ang sasakyan, sana talaga may masakyan pa ko bakit ba naman kasi napasarap ako sa pag-eedit! (-_-‘)
Ilang minute na kong naghihintay pero wala pa rin akong makita na bus. Siguro medyo maglakad-lakad ako para makakita ako ng sasakyan.
“Aaaaaahhhhh!!!!!!!!”
O____O’ may narinig akong sumigaw. Baka guni-guni ko lang.
“Aaaaahhhhh tama na!!!!!”
Narinig ko uli, hindi ako pwedeng magkamali sigaw yun ng nasasaktan! Agad kong hinanap kung saan nanggaling yung sumisigaw. May nakita akong eskinita sa malapit.
“Aaaaahhhhh wag, wag---aaaahhh!!!!”
Lumalakas yung sigaw habang papalapit ako sa eskinita. Lalaki yung sumisigaw, natatakot ako pero naku-curious ako kung anong nangyayari.
“Oh… I love your screams, what if I twitch your wrist like this!”
CRACK!
“Aaaaahhh!!! Tama na tama na!”
BINABASA MO ANG
THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]
FanfictionThis is a Gangster vs. Hunter story. (INFINITE/MYUNGZY~ FAN FICTION) Gangsters’ continuous to spread in number but, what would they gonna do when time comes that they’re period start to drop because of someone who is programmed to hunt, punish and...