"Uh ano... Brenda..."
Yan ang paulit-ulit na litanya ni Baxter, boyfriend ko. Nandito kami sa park ngayon, may sasabihin daw siya. At nakaaaakaloka lang kasi kanina pa toh! Tek!
"Ano nga?! Pag ako talaga napuno na, magkakandeletse lestse tayo rito, tangina!"
"Eh kasi... Uh, ano... Brenda..."
"Ay puta!" Sabi ko't napatayo na. "Bahala kang punyatera ka!"
Oo. Malutong na murahan ang nagaganap tuwing magkasama kami. Sweet noh? Labyu namin isa't isa eh. Ang ewan lang netong isang toh. Mukhang totoy na ewan na walang masabi. Nyeta!
"Tanginang buhay naman ito, oh!" Sabi niya sabay higit sa palapulsuhan ko para paupuin ulit ako. "Naknang! Kita mo namang nahihirapan yung tao diba?!"
"Oh?!" Kunwari ay nagulat ako. "Tao ka? Puta Bii, akala ko hayop ka!" OA kong sabi. And when I say OA, I mean may pahawak-hawak pa sa ibabang labi habang nanlalaki ang mga mata with matching pagsinghap para bongga!
"Bii naman, tamo toh! Kitang nahihirapan na yung mahal mo oh!"
Napatawa ako ng mahina. Eh ba't ba kasi ang cute ng boyfriend ko? Tek nayan! "Oo na, titigil na. And for you handsome, spill it." Sabi ko habang niyayakap siya sa bewang.
"Nakanang! Sarap talaga ng buhay! Letse!" At niyakap niya rin ako ng mas mahigpit. "Haaaaaay." Buntong-hininga niya na parang nagdiday dream.
"Oy bii! Sabihin mo na kasi yung gusto mong sabihin, peste ka!"
"I'm going to Brazil." Diretso niyang sambit.
Natigilan naman ako dun. Kakalas na sana ako sa yakapan para tingnan siya pero mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sakin at binaon ang mukha niya sa buhok ko. Inamoy amoy niya ito. "S-say what?"
"I'll be gone for half a year. International tournament for basketball. Putangina lang kasi ngayon palang namimiss na kita! Pigilan mo naman pag-alis ko bii oh." May himig ng sinseredad at pagmamakaawang usal niya.
Hindi ako makapagsalita. Takte! Alam kong aside sa akin, basketball ang isa pa niyang buhay. Hindi ako ang tipo ng girlfriend na papipiliin ang boyfriend ko kung ako ba o ang hilig niya pero...
"Yan! Putek! Kaya ako nahihirapan sabihin sayo kanina, pakyu kang babae ka eh!" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko't inangat ang mukha ko. Tinititigan niya ngayon ang mga mata kong nagtutubig na. Darn! Ayokong maiyak! Ang sakit na ng lalamunan ko, parang may nakabara!
"Bii sabihin mo lang na ayaw mong umalis ako, gagawin ko."
"Eh pakyu ka! Tamo toh. Alam kong mahihirapan ka kaya di na kita papipiliin pa. Wag kang pasacrifice, di bagay! Peste!" Sa wakas ay may lumabas narin na boses sa bibig ko. Niyakap ko siya at binaon ko ang mukha ko sa leeg niya and there! Lumabas na ang mga pawis sa mga mata ko. Niyakap niya ako pabalik, mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
"Letse bii! Wag kang umiyak!"
"Ulul mo po! Ang sakit kaya!"
"Naeewan ako ngayon eh. Tek!" Iniangat niya ang mukha ko't tinitigan ang mga mata ko. "Six months. Aalis ako, pero babalik pa naman. Babalik akong sayo parin pangako. Labyu kita eh." nakangiti't seryoso niyang sabi saka hinalikan ako sa labi. Slow. Passionate. Sweet. Kiss.