P R O L O G U E
"Yung tubig ko?! Kanina ko pa inutos yun ha?!
Hoy mutsatsa nasan na ba yung polo kong blue?
Naman oh, napakatanga mo talaga mag ayos ng gamit babae ka!.
Wag mo ng hahawakan mga gamit ko sa kwarto ko ha! Labas!!"
Harruuuuujuicekupuuuu. Ayan na naman. =____="
Palagi siyang ganyan.
OO PALAGI!
Pero nakakapagtaka noh?
Palagi niya yang ginagawa sakin, palagi niyang pinapalayas sa bahay niya.
Pero andito pa rin ako.
Alam niyo kung bakit?
Hindi ko din alam.
Basta in the end, may iuutos pa ulit yan sakin =___="
tulad neto
"HOY! Ayusin mo nga tong mga damit ko, ang gulo.
Tsaka yung tubig ko akin na.
Pagkatapos, umalis ka sa harap ko, nakakasuka yang muka mo!"
"Sir, eto po yung pinapahanap niyong damit" At ang tanga mong gago ka, nasa harap mo lang di mo pa makita.
Hayy. Sarap niyang itapon sa bangin.
Napakasama niya.
Wala siyang puso.
Kung meron man, siguro bulok na.
Huhuhu.
Ayoko na.
Hanggang kelan ba to?
Hanggang kelan ba ko magtitiis sa masamang ugali niya?!?
Hanggang kelan ba ko magtitiis sa mga panlalait niya?
"Hoy panget! tinatangatanga mo jan?! Di ba sabi ko labas na?!
Nakakasuka talaga yang muka mo baka mahawaan mo pa ko sa pagkapangit mo.
LABAS!!!"
Hayy, kung alam mo lang . . .
Mas mayaman pa ko sayo
at di ko naman ginustong maging
UGLY MAID mo!