Part II

3 0 0
                                    

"Hoy! Peram ako ng libro mo ah!"


"Sige lang~" Sagot ko sa kanya dahil busy ako kakatingin sa picture ng asawa ko.


"Hoy! Penge ako ng papel!"


"Kumuha ka na lang dyan~"


Zinoom-in ko siya para mas makita ko yung muka niya..Hay kahit kaylan talaga ang cute niya.


"Sus, mas higit pa na pogi ako dyan eh!"


Anak ng tokwa nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko.


Akala ko naman kung sino yun pala siya lang~


"Hoy ang kapal naman ng face mo! Mas hamak naman na lamang siya ng ilang ligo sayo!" Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang ulit sa pagtingin sa picture niya.


"Ano bang kaylangan mo? kanina mo pa ako ginugulo pansin ko lang," Sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin. Naramdaman ko namang umayos siya ng higa sa tabi ko.


"Anong kaylangan ko?" Ulit niya


"Ay hinde, yung kaylangan ko~" Asar kung hindi lang kita mahal matagal na kitang binatukan!


"Pag ba sinabi kong IKAW ang kaylangan ko, anong gagawin mo?"


"Edi- Huh?!" Bigla akong napatingin sa kanya.


Nakatingin siya sakin ngayon sa kisame, at hindi ko alam kung ano kasalukuyang tumatakbo sa utak nito.


"Anong sabi mo?" Actually narinig ko naman kaso gusto ko ulit yun marinig sa kanya sa pangalawang pagkakataon.


EEEhhh.. Kinikilig naman ako~ >//<


"Wala!"


"Eh ano nga~!" Binitawan ko yung cellphone ko at humarap sa kanya.


"Wala ng ulitan sa bingi!"


"Madaya ka naman eh! Parang uulitin lang yung sinabi niya kanina eh!"


Bumangon na siya mula sa pagkakahiga pero nakaupo pa rin siya sa kama.


"Ano bang pagkakarinig mo?"


"Sabi mo 'Pag ba sinabi kong ikaw ang kaylangan ko, anong gagawin mo'?" Sagot ko sabay ngiti


"Narinig mo naman pala eh? bakit ko pa uulitin?"


Sh*t! Kahit kaylan talaga ang bobo ko!!


Bumangon ako.

Assignment **Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon