June 6, 2015
Ethan's POV
Hi. I'm Ethan. 15 years old :) Casual lang 'tong pagpapakilala ko. Ordinaryong storya lang naman to ng karaniwang tao eh. Hehe, Joke. Gusto ko lang sabihin na wag kang mag-expect na kikiligin ka ng sobra, kasi ang kwento ko... Pure reality ;-)Karaniwang estudyante lang ako, I wear glasses. Kung di mo pa ko kilala, baka ma-confuse ka sa unang tingin mo sa kin XD. Ang Gwapo ko kasi eh, Joke! Hahaha. Kung mahaba kasi ang buhok ko, mapapagkamalan mo akong babae.
Lagi kaming susimba tuwing Sabado sa Saint Catherine of Alexandria Parish Church. Kasama ko lagi si Mama. Lagi kami dun naupo sa pangalawang upuan sa kaliwa sa gilid ng simbahan.
So far, masaya naman ang buhay :D Everything was fine...
Until one day, may nagsimba na isang babae. First time ko sya nakita dito. Maganda siya, pero parang ang fierce di lang yung mukha niya pati ata ugali niya. Iba kasi yung aura niya parang ang cold. Mukhang di siya friendly at hindi din naman ako interesado sa kanya. She's with another girl who looks like bubbly and an opposite of the latter. Kasama nila ang isang matandang lalaki na sa tingin ko ay lolo or tatay nila.
Hindi daw interesado? Pero andaming napansin dun sa naunang babae.
Bulong ng isip ko. Ang pangunahin talagang kaaway ng tao ay ang sarili -.- Tss, Ano ba konsensya? Di talaga ako interesado -_-
Aish. Bakit ba ito iniisip ko?! Erase. Andiyan na pala si Father. Magsisimula na yung misa. Ethan, nagsimba kayo para sa Diyos hindi para man-chicks. -_-
I better focus on the mass rather than nonsense things.
Ashley's POV
Saturday is Service Day ♥
It really feels great na member ka ng mga org sa simbahan. Iba yung kaligayahan na nararamdamam ko pag malapit ako kay Lord. Very heart-warming. :) May dalawa akong sinasabuhay: May plano ang Diyos at Bago ko pa hingin, ibinigay na ng Diyos. Kaya kahit anong mangyari, tiwala lang.Hi! I'm Ashley! Fifteen years old. Mataray at suplada. Hindi ako friendly. Ewan ko kung mabait ako. Pero God's Child 'to. ^_^
Kagagaling lang namin sa paglilingkod sa mga Munting Sambayanang Kristiyano. Acolyte kasi si Tatay (lolo ko) at kami naman ay miyembro ng MSK ni Youth ni Pamela kaya tungkulin naming ipahayag ang salita ng Diyos. Tita ko sya kasi bunsong anak siya ni Tatay.
Nakagawian na naming pagkatapos ng paglilingkod ay dumiretso sa pagsisimba ng 6-7 sa Saint Catherine of Alexandria Parish Church.Sa kaliwang gilid ng simbahan kami laging umuupo. Dun sa unang upuan na makikita mo pagkalabas ng Sakristiya sa kanan ang lagi naming inuupuan.
Umupo na kami at nag-hintay nag-hintay na magsimula ang misa.
Time Check: 5:35 PMMay dumaang la—wait. Lalaki ba siya o babae? Mukha kasi siyang babae na may buhok panlalaki. Pero pogi.
Whatever. Loyal kaya ako kay Diego! :]
Anyway, ang ganda ng kutis niya. Matangos ang ilong, mahaba ang pilikmata, at— basta perfect yung combination ng genes ng magulang niya kasi kung magiging babae siya maganda siya. Yung mata, ilong, bibig saka shape ng mukha. Idagdag mo pa yung complexion niya. Parang kay Daniel Radcliffe na medyo pinkish yung pisngi niya.
Pero si Deigo lang talaga.
Tama lang yung katawan niya at mukhang ka-age ko sya. Hoy Keen Observer lang talaga ako no! (.__. \ )
.
.
.Okay. I admit, Gwapo sya. So what?!
Ay! Magsisimula na pala yung misa! ( \°_°) Sige! Hehehe ( -//-)
********
Ethan's POV
Lumipas ang ilang Sabado at lagi ko na syang nakakasabay sa pagsisimba ng 6-7. Lagi silang tatlo magkakasama. To be honest, napansin ko sa dun sa babaeng yun na maganda siyang pumorma. Yung isa kasi simple lang. Laging T-shirt at pantalon lang samantalang yung Fierce— Aish. Ang hirap ng ganito. Bibigyan ko na nga lang sya ng codename.Hmm, Pichapay. :)... Tama! Pichapay na lang. XD Hahaha :D Okay!
Samantalang si Ms. Pichapay, iba-iba Hindi ko pa sya nakikita ngumiti. Pero, bayae na. Hindi ko naman yun kilala.
Sa t'wing magsisimba kami, ako lagi yung naglalagay sa may altar nung box (na nilalagyan ng alay) kasi dun sa upuan namin yung tapos nung ikot nung box. Yung mga Usherettes kasi eh napunta dun sa parteng likod ng simbahan kasi parang may formation na sinusunod pag ilalagay na nila yung mga box dun sa may altar. Nasanay na din ako. I just don't feel comfortable kasi kapag ilalagay ko na yung box, yung babaeng kasama lagi ni Pichapay, tinatawanan ako. Hindi naman ako katawa-tawa -_- Si Pichapay? Wala lang. Nakikita ko napapatingin siya sa kin pero poker face lang naman. Mas maigi kesa tinatawanan ako.
Mga 4th time ko na siyang— I mean silang nakakasabay sa pagsisimba t'wing 6-7 ng Sabado. As usual, tagalagay ng box sa altar. Nung pabalik na ko sa upuan namin ni Mama, may narinig akong tumatawa pero mahina lang. Sinulyapan ko kung sino. Napangiti ako ng lihim :)
Si Pichapay, sya yung tumatawa.
Natawa din pala yung babaeng yun? Kala ko sumimangot lang alam nun? XD Hahaha. Ang ganda pala niya pag nakangiti. :)
*Dubdub* *Dubdub*
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. May kakaibang feeling dito sa may dibdib ko na parang natutuwa na ewan. Eto ba yung kilig na sinasabi ng mga babae? :) Palihim pa rin akong ngumingiti. Ayaw kong ipahalata kung ano man yung nararamdaman ko ngayon.
Luh! Anong sinabi ko?! Hay nako. Lumilipad na naman ang isip ko.
( "°_°)7Focus Ethan! Focus!
BINABASA MO ANG
Jeepney Lovest♥ry
РазноеHmm. Ang love talagang nakakainis minsan. Yung mga tipong magmamahal ka, aasa ka, babalewalain at magmumukha kang tanga. Minsan naman, daig pa ang isang horror movie kung gitlain ka dahil biglaan ang pagdating nito. Hindi mo inaasahan pero yung mga...