"Ka-ibigan" : Dalawang taong nagmamahalan.
Ako si Wyn. 14 taong gulang. 'Di kagandahan. Mataba. Pandak. Pero hindi ko pinapansin 'yan. Kasi, anong mapapala ko kung papansinin ko 'yan? Wala naman 'di ba?
Pasalamat na lang ako at hinayaan ako ng Diyos na mabuhay mundong 'to. Pero kahit hindi maganda ang pisikal na anyo ko, ipinagmamalaki ko naman na may respeto, malasakit at mapagmahal akong tao.
'Yan si Gab. Guy bestfriend ko 'yan. Palagi siyang nakangiti. Singkit ang mga mata niya, may magaganda siyang tawa. Mataas at pogi 'yan. Habulin ng mga babae, sabi nga nila nasa kaniya na ang lahat.
Maraming nahuhulog sa kaniya; kaso........
"Bes, may sasabihin ako sa'yo" Sabi niya.
"Oh ano yun bes?"
"Ehhhh.. Kaso nahihiya akong sabihin eh" Saka siya tumalikod sa akin.
"Ano ba kasi yun?
Hindi siya sumagot at nanatiling nakatalikod at nakayuko sa 'kin. Kinulit ko siya.
"Huy sige naaaa." Hindi pa rin siya sumasagot. "Sige na besss. Pleaaaase?" Hindi pa rin. Haaaay. "Uyy. Sasabihin na niya yan." At tinusok tusok ko yung tagiliran niya.
Natigilan ako sa pag sindot ng tagiliran niya kasi hinawakan niya yung kamay ko.
"'Di ba bes? Mahal natin ang isa't-isa?" Saka niya ako niyakap. "Kasi ako bes, mahal kita." Sabi niya.
Tumawa ako at hinampas siya ng pabiro sa likod niya. "Hahahaha. Mahal din naman kita bes eh." Sabi ko habang tumatawa pa rin.
"Hindi kasi yun ang ibig kong sabihin bes e. Ah basta, nevermind." Saka siya ngumiti ng pilit, at yumuko. halata naman kasi eh.
"Hindi rin naman kasi ganun yung pagkainitindi mo eh." Sabi ko sabay ngiti sa kaniya ng malapad.
Umangat naman yung ulo niya at niyakap ako. "Talaga bes? Yes!!!"
"Oo talagang talaga." At niyakap ko rin siya pabalik.
"Ok. Cut." Sabi niya at umupo ng maayos saka tumingin ng diretso sa mata ko.
"Yessss! Salamat talaga bes at tinulungan mo 'ko kay Ianne. Salamat talaga bes! Da best ka talaga!! Excited na 'ko, ano kaya mangyayari mamaya?" Gulat kayo 'no? Hahaha. Akala niyo totoo na? Sana nga.
"Wala yun bes." Sabay ngiti.
Nakita ko naman na papalapit na dito si Ianne. Tumayo na 'ko. "Oh Ianne' may pupuntahan pa pala ako." Niyakap ko siya. "Ingatan mo bespren ko ha? 'Wag mo siyang sasaktan. Bye Ianne." Bumitaw na 'ko sa yakap at hinarap siya.
"Ano 'to Wyn?" Nagtatakang sabi niya.
"Basta. Ang swerte mo." Bulong ko, mas lalo siyang nagtaka.
"Bye Ianne." Atsaka ngumiti ako sakanya. "Bye bes. Goodluck. Kaya mo yan!" Atsaka nag thumbs-up ako. Lumakad na rin ako palayo.
Ayoko na kasi silang panuorin, nasisilaw ako. Pero tatlong hakbang ko pa lang, nag-iba na ang ekspresyon ko.
Oo, nakakatawang isipin na practice lang yun ni bes. Sasabihin niya yun kay Ianne, hindi sa 'kin.
Ako dapat yun. Pero hayaan niyo na. Bespren lang naman ako 'di ba? Atsaka kung saan siya liligaya, masaya na rin ako dun.
Ganyan pag bespren mo 'di ba? Magpaparaya para sa ikaliligaya ng taong mahal natin. Kahit na minsan nakakasakit na 'to sa nararamdan natin. Hayaan niyo mahahanap ko rin si 'the one' ko.
"KAIBIGAN" : dalawang taong nagmamahalan bilang magkaibigan; pero ang isa umaasa at palihim pa rin na nahuhulog sa natira.