How i became a fangirl

1 0 0
                                    

FLASHBACK
September 12, 2011

Maxine's POV

"Omg omg! LIAAAAM you're so hot!" Sigaw ng pinsan kong si Lian. Actually kanina pa sya nagsusumigaw dito sa kwarto ko. Kakapanood nung music video nung One Direction na idol na idol nya.

Hindi lang pala sya ang may idol sa One Direction. Isama mo na din yung mga pinsan ko sa Father's side. Ewan ko ba kung anong meron sa kanila at sobrang baliw na baliw sila sa mga yun.

"Hoy lian please lang. Tumigil ka na dyan sa kakasigaw mo pwede ba? Nakakahiya sa mga kapit bahay. Akala nila may nirirape dito." Sagot ko sa kanya. Medyo lumalayo na din ako kasi baka hampasin na naman ako sa sobrang kilig nya.

"Okay lang kahit isipin nilang nirirape ako. Yun din nafifeel ko ngayon. Max, ang gwapo nila oh. Panoorin mo kaya tong What Makes You Beautiful."

"Ayaaaaw. Bahala ka nga dyan. Magbebreakfast muna ako." Lumabas na ko ng kwarto dahil alam ko naman na hindi nya ako papakinggan.

Habang kumakain ako, biglang dumating yung dalawa ko pang pinsan. Sina ate karla and ate chezka. Kumakanta pa sila. Hula ko yun yung bagong kanta ng idol nila.

"You don't know you're beautiful! Yeah! Ang ganda nung kanta nila noh sis? Omygosh. Si niall ang cute nya." Pumupuso na naman tong mata ni Ate chezka. Yung crush nya yung may pangit na ngipin. Si neeyal.

"Oo ngaaa. Teka, maxine! Napanuod mo na yung music video nila?" Tanong sakin ni Ate karla.

"Ate naman dapat si Lian yung tinatanong mo nyan. Di naman gusto ni Max yung 1D eh. Max si Lian nasan?" Oo kayo na lahat may gusto sa 1D nyo. Ako ng hindi. -_-

"Nasa kwarto ko. Nanunuod din." At ayun pumunta na nga sila sa kwarto ko. Like, ano ba talagang meron sa 1D na yan at kilig na kilig mga pinsan ko? OP na ko.

After kong kumain. Pumunta ako sa kwarto ng kapatid ko para kunin yung laptop nya. Nag basketball naman sila ng isa ko pang kapatid kaya di nya malalaman na kinuha ko. Hiram lang naman.

So ayun, pagka connect sa internet agad akong nagpunta sa Youtube. I searched, "What Makes You Beautiful". Sige nood pa Maxine. Papanoorin lang naman. In fairness, maganda.

-Fast forward-

"Maxiiiine! We're home." Teka mommy ko na yata yun. Namalengke pala sila kanina. Kung di pa sinabi ng kapatid ko di ko malalaman kung san pa sila nagpunta.

"Hi ma! Nandito pala sina Lian saka yung dalawang magkapatid." Paalam ko kay Mommy.

"Yes i know. Nagtext sa akin sina Karla kanina. Gutom na ba kayo ha?"

"Ako hindi pa. Ew---"

"HI TITAAAA!" Wow sabay pa silang tatlo ha. :3

"Oh hello! Maxine, gusto mo bang ikaw maghain? Nakalimutan mo kasing hugasan pinagkainan mo kaninang umaga." Sabay turo nya sa lababo. Shet oo nga pala. Ugh.

Habang naghahain ako. Di ko mapigilan mapakanta. Ewan ko ba parang medyo na-LSS yata ako sa kantang yun.

"You're insecure, don't know what fo--"

"AAAAAAAHHHHHH!!!"

"Wait! Sunog! Asan yung sunog!" Nagwawala na ko. Eto kasing si Lian biglang sumigaw. Bigla na din lumapit yung mga kasama namin sa bahay.

"Waaah! Max, kumakanta ka ng WMYB kanina. I heard youuu"

"Omg. Totoo? As in?!" Di makapaniwalang tanong ni Ate chezka.

"Ano naman ngayon kung kumakanta ako? Maganda naman yung kanta. Gwapo yung kulot."

"Si harry o liam?" Singit ni Ate karla.

"Yung kumanta sa last part." Sagot ko.

"Ah si Harry. Okay tuloy."

"O tapos ayun gwapo nga si Harry. Tapos LSS na ko sa kanta nila." Pagtatapos ko. Nakatitig lang sila sakin.

"So fan ka na nyan? Gusto mo na sila right? Gusto mo ng sumali sa fandom?" Tanong ni Lian.

"No. Yes. Maybe."

"AYIEEEEE! Come here, mate! Let's celebrate!"

So that was the start kung pano ako naging fan ng biggest boyband in the whole world, ang One Direction. Tapos ayun nagtuloy tuloy na. Madami na kong merch na nabili and madami akong naging friends dahil sa fandom na to. Join me in my story of being a directioner. :)

-----
(a/n) 50% sa mga nangyari dyan, totoo. Message me kung maganda ba yung story. :))

-HAZ

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Directioner's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon