Propose

61 3 0
                                    

Kung minamalas, malas ka nga naman. Oo, oh. Bukod sa siksikan dito, ang tagal pa dumating nung train. Ano yun? Naabutan na din ng traffic? Kung kailan nagmamadali ako ng sobra, well. Hindi naman talaga masyadong importante yung lakad ko, ayoko lang talaga ma-late dahil nakakahiya naman sa empleyado ko.

Oo, nga pala nakalimutan kong magpakilala. Cherica Otomobi, half Filipino, half Japanese. Pero dito na ako lumaki sa Pilipinas, 22 years old, graduate ng BS in business Administration. Hindi naman talaga yun ang gusto ko, yun lang ang gustong ipakuha sa akin ng mga magulang ko. And yeah, I'm a successful owner of a flower shop. CheriDale flower shop, di ko alam kung bakit ganyan yung pangalan. Regalo kasi sa akin yan nang parents ko, sabi nila.

Napaupo ako sa bench, medyo umunti yung tao. Di ko napansin may dumaan na palang tren. Napayuko ako at napahilamos sa mukha ko, ayoko talaga ng nale-late. Obvious naman diba? I'm a time conscious person. Ako panaman may ari ng flower shop tapos ako pa male-late. Pambihira talaga.

Tiningnan ko yung wrist watch ko, 9:45 a.m. 45 minutes na akong late, pambihira talaga. Bat pa kasi hindi ako sinundo ni Lily? Siya nga pala ang bestfriend ko since highschool, slash employee ko din.

Through my peripheral vision, napansin kong kanina pa nakatingin sa akin yung katabi ko. Wag mo sabihing magnanakaw to? Pero hindi, hindi niya ako mananakawan. Ang dami kayang tao. Sisigaw ako ng malakas kapag ginawa niya yun.

Napaayos naman ako ng upo, at unti unti akong tumingin sa katabi ko na nakatingin din sa akin. "What? Kanina ka pa nakatingin diyan?"

Imbis na magulat, nginitian niya lang ako which is weird kaya napaiwas ako ng tingin. Umiling lang siya sa akin at tumayo tsaka lumakad palayo. Pambihira, akala ko ano na. Napabuntinong hininga nalang ko, 

Pinatong ko yung kamay ko sa maluwag na space ng bench. Tsaka parang nag unat, ng may makapa ako. Panyo. Panyo siguro to nung lalaki kanina. 

Tiningnan ko ang paligid. Pero nagtaka ako, nung hindi pa nakakalayo yung lalaki. Kanina pa yun umalis diba? Ang bagal naman niyang maglakad?

Umiling ako, kung ano ano nalang napapansin ko. Tumayo ako at kinuha yung bag ko at sinabit sa balikat ko. Matanda na ako, pero sabi ni Lily. Napaka-childish ko daw, isip bata.

"Kuya! Kuyang naka-jansport na bag!"

Hindi naman siya masyadong malayo kaya hindi ako hiningal. Lumingon siya sa akin, tsaka ngumiti. Ngumiti lang din ako sa kanya. "Uhm..Yung panyo naiwan niyo." Sabay abot ko sa kanya. Kinuha naman niya yun.

Teka, parang namumukhaan ko siya. "Thanks." Tumango nalang ako. Tsaka ako napatingin sa mata niya, biglang kumirot yung ulo ko. Napaiwas ako ng tingin, siguro nagkataon lang.

"Napansin ko lang. Kanina ka pa inis na inis, late ka na noh?"

Tumango nalang ako kay 'stranger'. Sabi ni Mommy, don't talk to strangers daw. Kaya sa ibang direksyon nalang ako tumingin. "Ako nga pala si Ardale. Ardale Carson." Sabay kuha ng lahad ng kamay niya, ewan ko kung bakit ko yun tinanggap.

Para kasing nangyari na to. Ewan, sa panaginip ko lang ata. "Cherica. Cherica Otomobi."

Then yun. Yun yung naging simula ng pagkakaibigan namin ni Ardale. Di ko alam, pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Naging magkaibigan kami hanggang sa umabot ng 3 years. Oo, 3 years. Lagi siyang pumupunta sa shop ko, suki ko na nga siya eh. Kilala na rin siya ni Mommy at ni Daddy. Nakakagulat lang dahil, ang gaan din ng loob nila mommy sa kanya. Kilala rin siya ni Lily. 

Sobrang close namin. Lahat ng problema ko sa kanya ko sinasabi, pero syepmre di ko parin nakaklimutan si Lily. Forever kami nun eh. Tapos, lagi niya din akong dinadala sa condo niya. Walang malice yan guys. Palaging umaga ako pumupunta dun. Pero, never niya akong pinapasok sa kwarto niya. Ewan ko, may secret ata siya. Nakakapagtaka rin dahil kahit isa di siya nag she-share sa akin ng problema niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ProposeWhere stories live. Discover now