Upside uʍop

7 0 0
                                    

Alam mo ba kung paano magmahal?

Alam mo rin ba kung paano masaktan?

Siguro naman alam niyo.  Ang iba nga siguro sa inyo nakaranas na ng ganyan. Ang sakit noh? Magmamahal ka na nga masasaktan ka pa. Siguro talagang magkakabit ang dalawang salitang yan. Nakakainis lang isipin. Nakakainis.

Kung magmamahal naman tayo, hindi naman panlabas na anyo o katayuan sa lipunan ang pinagbabasehan kundi ang nararamdaman niyo sa isa’t isa. Ang pagmamahal. 

Mga kaibigan, mga taong nakakasalamuha natin sa pang araw-araw na gawain, pamilya at higit sa lahat ang taong mahal natin. Nandyan sila lagi, ang iba mabait at ang iba naman hindi.

Minsan may mga taong ang gustong gawin sa buhay ay manira ng buhay ng iba. May humahadlang. Meron rin ibang tao na handang magparaya para sa kaligayahan mo.

Minsan din kailangan nating mamili para sa ikabubuti ng lahat.Nakasalalay sa atin ang desisyon. May taong sasaya, may taong masasaktan. Mahirap magdesisyon kapag kasali ang mga taong importante sayo. Ang hirap.

Ikaw, ano desisyon mo?

Upside downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon