Chapter 2

4 0 0
                                    

Drew’s POV

“Drew, salamat ha?” sabi ni Trixie sakin ng nakangiti. Nakauwi na pala kami. Hinatid ko siya sa bahay nila tutal naman magkalapit lang bahay namin. Sa kabilang block lang kami nakatira. Nasa block 10+ sila kami naman sa block 20+.. nyeehehehe.. SECRET na kung saan kami nakatira..

“Walang problema! Basta sa susunod ikaw naman manlibre ha?”

“Syempre naman! Sige pasok na ko.”

“Sige.”

“Buh-bye!!!” pagkasabi niya nun tumalikod na siya at pumasok sa kanila. Ako naman naglakad na papunta sa amin. Hindi pa rin siya nagbabago. Paborito niya pa rin yung spaghetti. Grabe matakaw pa rin siya. Nakakatawa lang siyang tingnan habang kumakain. Ahahahahaha!!! Grabe lang..

“O anak, ang tagal mo naman nakauwi.”

Sa pag iisip ko hindi ko namalayan nasa tapat na pala ako ng bahay namin. “Aah ma.. hehe..” (halik sa pisngi ng aking mama) “Kumain kasi kami ni Trixie sa Jollibee eh.. ang takaw niya pa rin..” kilala ni mama si Trixie.. Kababata ko yun eh..

“Aah.. hinatid mo ba siya sa kanila? Ayos lang ba siya?”

“Opo..ayos lang yun.. yun pa..”

“Sige pumasok ka na.. kakain na tayo.”

“Ma, busog na ko.. punta na lang ako sa kwarto ko..”

“O sige.. aah siya nga pala, yung pinsan mong si Luke, pupunta dito. Dito mag aaral. Tsaka siguro next sem, dun siya sa school niyo. Samahan mo yun ha.?”

Wow!!!.. dito siya mag aaral?.. “Syempre!! Parang kapatid ko na nga yun eh..”

“Ahahahaha!!! Naalala ko tuloy nung mga bata pa kayo.. o siya sige na.. umakyat ka na sa kwarto mo..”

“Sige ma..” umakyat na ko sa kwarto ko.. wow!!.. wow lang talaga..yung pinsan kong  kalahating kano dito mag aaral? Na miss na siguro niya ang Pinas. Minsan lang kasi siya makabisita dito eh pero ngayon dito na siya mag aaral? ilang taon kaya siya dito?.. Grabe.. Maganda pa rin ang Pinas.. Proud to be Pinoy ‘to mga dude!! ! ahahahahahaha!!!! Haay…nakatulog na kaya si Trixie? Ang takaw niya talaga.. (wide smile) Ang kalat pa rin niya kung kumain..parang bata lang eh.. ahahaha.. Habang iniisip ko yung mga nangyari sa Jollibee, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako..

Trixie’s POV

Weeeee!!!!! Hinatid ako ni Drew sa amin.. ang saya saya ko ngayon… Weeeeee!!!!! “Drew salamat ha?”

Nag smile pa ang mokong.. nakakaincrush tuloy..nyehehehehehe...  “Walang problema! Basta sa susunod ikaw naman manlibre ha?”

“syempre naman! Sige pasok na ko.” Ayaw ko pang umalis.. gusto ko pa siyang makasama. Huhuhuhu.. T_T

“Sige.”

Wala nakong magawa. Nag “sige” na siya e.. “Buh-bye!!!” pagkatapos kong sabihin yon ay pumasok na ko sa loob ng bahay namin. Kung hindi pa ako pumasok baka nasa labas pa rin ako at kausap siya. Mahirap na.

“ ‘nak sino kausap mo sa labas?” si mama pala.

“Aah.. Si Drew lang po.. Kumain po kasi kami sa Jollibee.. Syempre treat niya.. hehehe..” hinalikan ko sa cheeks niya si mama..

“Kakain ka pa ba anak?” si papa yan..

“Hindi na po” kiss sa cheeks ni papa. “busog na po ako…” si mama nasa hapag kainan na naghihintay..

“Aah.. ganun ba? Sige.. Kain muna kami ng mama mo at kuya.. "

“Sige po.. akyat na po ako sa kwarto ko.. sabihin niyo na lang kay kuya “hi!”..” tapos kong sabihin yon umakyat na ko sa kwarto ko.. pagka apak ko sa kwarto ko dali dali akong  nagpunta sa kama ko at tinakpan ng unan ang mukha ko at ..

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!! KINIKILIG AKO!!!! KINIKILIG AKO!!! WAAAAAAAAAAAAHHHH!!!”

Pagtapos kong sumigaw, huminga na ko ng malalim.. Hoooo…. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Eeeeeeeeeeeeeeehh!!!!! Hindi ko pa rin mapigilang kiligin… kainis.. kinikilig pa rin ako.. Siya kasi eh..

*FLASHBACK*

“Spaghetti akin ha? Pati sundae at coke float.. salamat!!”

“alam ko na yan.. yan naman lagi mo pinapabili sa akin eh.. maghanap ka na ng table natin..”

At yun nga. Naghanap na ako ng table namin at siya ay nakapila para sa order namin.. ang bait niya talaga.. grabe lang.. takam na ako sa spaghetti.. naglalaway na ko.. yucks.. naglalaway.. parang aso lang.. ehehehe…

“Anong  tinatawa tawa mo dyan?” hindi ko namalayan nandito na pala siya sa harap ko dala dala yung order namin.

“Aah.. hehe.. wala lang..” tiningnan ko yung inorder namin. “Burger at fries lang sayo?”

“Oo. Bakit?” umupo na siya sa upuan na nasa harapan ko.

“Wala ka man lang bang pantulak diyan?”

“Share na lang tayo. Tsaka hindi rin ako matakaw noh..” hindi ko alam pero hindi ako na asar sa sinabi niya. Siguro totoo.. hehehee…

“hindi daw.. Sige na nga. Share na tayo. Sa drinks lang ha? Akin lang ‘tong spaghetti..” with smile pa yan..

“Oo na.. sige na kumain ka na..” pagkatapos niyang sabihin yon kumain na rin siya ng burger niya. Nilantakan ko na rin yung spaghetti ko.. Ang sarap lang te.. yum. Yum. yum. Ilang Segundo na rin akong kumakain nang narinig kong tumawa ng bahagya si Drew. Napatingin ako sa kanya.

“O bakit?” kumakain pa rin ako ng spaghetti.. nyehehehehee….

Sa halip na sumagot siya, nag smile lang siya sa akin at kumuha ng tissue.

O_O

“Ang kalat mo pa rin kung kumain ng spaghetti.” Sinabi nya habang pinupunasan ang gilid ng labi ko na may sauce ng spaghetti. Nag smile pa siya.. doble doble na kilig ko..As in. DOBLE.

*END OF FLASHBACK*

O, sinong nilalang ang hindi kikiligin? Ang bait niya.. grabe lang. grabe talaga. Kaya ko siya crush eh.. eeeeeeeeeeeeeeeeeeehhh!!!! Kinikilig talaga ako.. Tama na.. baka hindi ako makatulog nito eh.. (tingin sa aking watch) 12:17 na.. huhu.. gusto ko nang matulog.. may klase pa ko bukas..  nag isip isip muna ako ng konti.. Maya maya nakatulog na din ako.

Upside downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon