"Bes! San ka punta?" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw ng pangit kong Bestfriend.
Oo. Pangit siya.
Pero joke lang. Pangit lang pang-asar ko sakanya. Para mapagtanto nya namang Maganda talaga ako kumpara sakanya.Joke lang ulit. Hahaha
By the way, Meet Hazel Grace Deniega. My one and only Bestfriend since Second Year Highschool. At Fourth Year Highschool na kami ngayon.
"Uuwi na, uwian na diba?" Pabalang kong sagot. Alam naman niya kasi na lagi lang akong diretso sa bahay kapag uwian tapos magtatanong pa.
Minsan talaga may pagka-siraulo tong bestfriend ko e. Chos!
"Halata nga. Yayain sana kita. Yun talaga purpose ko kaya tinanong ko hehe "
Jolly niyang sagot.
"Saan naman? Wala kong pera bes. Alam mo namang singkwenta lang baon ko."
Yes, nagtaka kayo? Opo. Singkwenta lang baon ko araw-araw. Di po kami rich.
"Ok lang bes, nu'kaba."
Ok lang daw? Pfft. Manlilibre ata tong pangit na to.
"Ok lang? Bakit? Lilibre mo ko pamasahe at pagkain? :P "
nakangiti kong sabi sakanya.
"Di 'no. Gipit din ako nowadays bes. Haha"
Paasa! Ay, ako lang pala ang umasa. Haha
"Pano pala? Pano tayo makakapunta sa pupuntahan natin e wala na nga kong pera."
Binibigyan ako ng problema ng bestfriend ko, sarap sapukin!
"Lalakad lang tayo bes. Hehe :D "
Nakangiti nyang sagot sa'kin.
"Lalakad? Pano pagkain? Gutom na 'ko bes!"
Totoo. Gutom na 'ko. Naubos pera ko knina sa lunch. Ang mahal mahal na kaya ng pagkain sa canteen. Trenta pesos na. Noon Bente-cinco lang yan e.
"May pagkain sa pupuntahan natin don't worry. Kaya nga inaaya kita para di sayang foods nila dun. Sulit sayo. Simot! Hahaha"
Walang'ya tong pangit na to.
"Mahal mo ba ko bes?"
Seryoso kong tanong sa kanya.
"Oo naman bes. Kaya nga dinadala kita lagi sa mga lugar na ikakabuhay mo e. Haha"
Baliw talaga sya. Baliw! Nakakaiyak na siya
"Siraulo ka talaga kahit kelan. Haha tara na, para maaga makauwi."
In the end, sinamahan ko rin siya. Syempre, pababayaan ko ba ang bestfriend ko? Di lang talaga kami sweet. Nauumay kasi ako pag ganun.
----------
NAKARATING kami sa pupuntahan namin mga bandang alas sais na ng hapon.
At pawis na pawis kami. Nakakapagod maglakad! mula school hanggang kabihasnan nilakad namin. Sinong di mapapagod. 1 oras ata kaming naglakad. Partida mabilis na lakad pa yun.
"Dito na tayo bes. Pasok na"
Pinagbuksan niya ko ng Gate.
Kaso nahihiya ako, kainan daw pero walang tao."Sigurado kang dito? Sabi mo kainan tapos walang tao. Baka pinagtitipan mo ko ha!"
Saway ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Twisted Life
General FictionMasarap ba magkaroon ng Kaibigan at Ka-ibigan? Maituturing nga bang Kasiyahan ang ikot ng pagmamahalan? Kung ang isang normal na tao ay biniyayaan ng Normal na pamumuhay.. Paano naman ang mga taong isinumpa katulad ni Eba at Adan? === Ang buhay na...